Laila
Katatapus ko lang magbihis ng PE uniform ko. May gagawin kasi kaming activity sa PE namin, ayaw ko sana sumali kaso nakasalalay ang grades ko dito. Ka paghindi ako pumasok baka bumagsak ako ng tuloyan.
"Wafa pakibilasan mo naman, five minutes na lang. Baka ma late tayo."
"Sandali lang."
"Kani na ka pa dyan, pero hindi ka pa rin tapus."
"Alam mo naman kong paano ako kumilos."
"Kahit na, paki bilisan mo na lang. Naiinis na talaga ako sayo dahil ang tagal tagal mo."
"High blood ka na naman. Hito na lalabas na ako."
Saktong paglabas niya hinatak ko na agad siya papunta sa gym. Pagdating namin sinalubong agad kami ni Jai.
"Saan kayo galing, bakit ang tagal tagal niyo."
"Ito kasing si Wafa ang dami pang ginawa."
"Sige na magpaattendance na agad kayo. Alam niyo naman si Sir."
"Sige na," wika ko pa.
Nagpaattendance na agad ako at sumonod naman sakin si Wafa. Buti na lang at hindi kami napa galitan. Itong P.E ang pinakaayaw ko sa lahat ng subject. Hindi kasi ako marunong sumayaw at maglaro ng kahit anong sport. Wala akong ka talent talent sa ano mang bagay. May iba nagsasabi na masaya daw ka pag PE. Pero sakin hindi talaga. Magagaling naman ang mga teacher dito. Kaso ayaw ko lang talagang ng subject na PE.
"Good after noon class. Ngayon hapun will be ypur practical exam sa cha-cha. Na sabi ko naman ito sa inyo ng last meeting diba."
Parang mahuhulog ang puso ko sa sinabi niya. Ang tanga ko naman kasi nakalimotan ko na ngayon pala talaga ang practical namin. Paano na lang ang score ko nito, hindi ko pa kabisado lahat ng mga step sa cha-cha. Tiyak babagsak talaga ako nito.
"I will give you 30 minutes para practice. Grab your partner. After ng practice niyo practical na agad para ma bilis tayong patapus. Good luck everyone."
Tuloyan na talagang bumagsak ang magkabilang braso ko. Wala na talaga akong kawala sa ngayon. Ano na lang ang gagawin ko nito. Saan na naman ako hihingi ng tulong.
"Laila hindi ka pa ba magpa-practice?" nagtatakang tanong ni Jai sakin.
"Hindi na siguro, wala naman akong partner at isa pa hindi ko alam ang mga step."
"Akala ko ba pinagaralan mo na to?"
"Oo nga pero hindi ko talaga maka bisado."
"Jai tara na," napalingon si Jai sa isa naming ka klasi siguro partner niya ito. Ma buti pa siya alam nila ang sasayawin namin. Samantalang ako hindi.
"Laila, maiwan na mo na kita dito." wika ni Jai at umalis na siya sa harapan ko.
Umopo na lang ako sa isang tabi at tinignan lang ang mga ka-klasi ko. Halos lahat sila ay marunong na. Bakit ba kasi hindi man lang ako biniyayaan ng galing sa pagsasayaw. Sana ngayon hindi na ako na hihirapan.
"Laila?" napatingin agad ako sa pinanggagalingan ng bosis. At ganon na lang ako na gulat ng makita ko si Denmark.
"Bakit?"
"Pwedi ba kating maka partner? Kong okay lang sayo? Wala kasi akong partner."
"Pero, hindi kasi ako marunong." naiilang sagot ko sa kanya.
Baka kasi bumagsak pa siya dahil lang sakin. Ayokong madamay pa siya dahil sa ka palpakan ko.
"Okay lang yon, tuturoan kita kong gusto mo."
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?