Synopsis:
A girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson.
They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friendly to other people that makes them always envy her because of their closeness. Jane always have this thought that Daryll could be a character in her favorite books because of his snob look which made most of the girls like him.
Jokes after jokes. Until one day, after years of being just friends, Jane woke up feeling confused for having this strange feeling for her dear friend. What will she do? Jane knows Daryll too well. A friend is a friend.
"Then I will forever stay as your friend. If it is the only way to keep you.." -Jane
----
WARNING: JEJE SCENES AHEAD!!!
This is my very first story that I wrote po here in wattpad so please do understand na hindi po talaga ako magaling.. But I'm trying my best po to improve my self para naman kahit papaano may ma-engganyong mag-basa nito. Hehehe😅 baka po ma-boringan kayo dito kaya magsosorry na ako agad😅 but please give it a try po.. Maraming salamat po sa mag-tatangkang mag-basa nito😊
Iloveyou po hehehe😅😘
-----
Napaka-raming uri ng pagmamahal. Pagmamahal sa kaibigan, pagmamahal sa kapamilya, pagmamahal sa mga paborito mong bagay at lugar, at syempre, pagmamahal sa kaisa-isahang taong gusto mong makasama sa habang buhay.
But then ofcourse, meron ding iba't ibang klaseng pagmamahal na para dyan.
Anong klaseng pagmamahal ba ang nararamdaman mo? Iyon bang pagmamahal na maramot na tipong gusto mo palagi lang nasayo ang atensyon? Iyong bang pagmamahal na hindi ka mapakali araw-araw sa kakadamdam dahil hindi masuklian pabalik ang pagmamahal mo? O iyong bang pagmamahal na malaya? Na kalmado lang, hindi nagmamadali at nakikisabay nalang sa gusto ng tadhana?
Kung ako ang tatanungin, iyong huli ang isasagot ko. Pagmamahal na malaya. Pagmamahal na nakikisabay lang sa agos ng buhay. Hindi maramot dahil wala namang ipagdadamot, hindi rin magdadrama kung hindi masuklian pabalik dahil wala naman akong karapatang magdemand. Kaya kalmado lang dapat.. Wala akong ikikilos na iba, wala akong iisiping iba. Ineenjoy ko nalang. Isa pa ay walang talo sa sitwasyon ko. Bakit? Well let me tell you this.
Its hard to fall in love with your dearest friend, kaya hangga't maaari ay ayaw kong palalimin. Ang simpleng paghanga ko pa nga lang ay napaka tagal pa bago ko maamin sa sarili ko. At ngayong natanggap ko na ay pinagagaan ko nalang ang loob ko sa paniniwalang hindi ko hahayaan ang sarili kong makaramdam ng mas malalim pa don.
Mahirap. Pero kelangan kong gawin. Iyon ang dapat na mangyare.
Dahil kung hindi ay sakin lamang babalik ang lahat ng ito.
Nakaya ko na itong pigilan noon, ganun lang ulit ang gagawin ko ngayon.
Ngunit hindi ako nagmamalinis. Aminado akong may pagkakataong umaasa ako dahil sa mga banat niyang nakasanayan ko na. Oo nakasanayan ko na pero nagagawa ko paring umasa dahil hindi naman ako bato. Nakakaramdam din ako.
Sabi nga nila 'The heart that loves, doesn't love alone. It hopes too.'
Palagi'y umaasa ako na baka may ibang ibig sabihin.
Pero siguro dahil nasa matinong pag-iisip pa ako ay may naidadahilan pa ako kung bakit nangyayare yon. Isa pa, sakit lang sa ulo iyang pag-asa na yan. Bibigyan ka lang niyan ng kung ano anong expectations na hindi mo naman makukuha kaya sa huli masasaktan ka lang. Kaya bakit ka pa aasa hindi ba?Ang hirap sa kaniya ay palagi siyang sa malayo nakatingin. Kaya yung nagmamahal sa kaniya sa mismong harap niya ay hindi niya makita. Ugaling ugali na niya yan.
Palagi kang bulag sa mga taong nagmamahal at nagpapa-halaga sayo. Palagi mong sinasabi, palagi ka nalang option. Na kahit kelan ay hindi ka naging first choice ng ibang tao. Ang hindi mo alam ay nasayo na ang mali. Palagi ka kasing sa malayo nakatingin.
Nasa harap mo lang naman ako.
Nag-aabang na makita mo.
Pero syempre ayos lang. Masaya parin ako because there is no losing game for me. Kung makikita mo sana ako bilang babaeng pede mong mahalin ay maganda sana. Pero kung para sayo ay kaibigan mo lang ako ay ayos lang rin naman.
Ang mahalaga ay may papel ako sa buhay mo.
At hindi ako basta tao lang sa buhay mo ha? Matalik mo akong kaibigan.
Kaya masaya ako.
----Even though I still don't know the ending of this story since it is still on the process in real life, I will never regret writing this story.
Because happy ending or not, it wont change the fact that I became happy because of you.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...