Ilang linggo na ako rito ngunit wala pa akong nakikita o nahahanap na paraan upang makabalik ako sa amin. Iniisip ko kung ano na kaya ang ginagawa ni Ama? Kumusta na kaya ang kalagayan niya? Hinahanap kaya niya ako?
Hindi naman sa ayaw ko sa lugar na ito. Nakakasanayan ko na rin dito kahit papaano ngunit gusto ko na ring makauwi. Nakaka-miss pumuslit sa mansyon namin upang pumunta sa mga karatig bayan. Doon ako natuto ng iba't ibang bagay na hindi itinuturo sa akin ng mga tagapagturo.
Masuwerte ako at may mababait na kumupkop sa akin rito. Saksi rin ako kung gaano kahirap ang buhay sa labas ng aming lupain. Maraming naghihirap, marami ang pinagmamalupitan, marami ang nagugutom at iba pa kahit ginagawa ng Ministry at High Council ang lahat ng nararapat para sa bawat mamamayan roon.
Minsan ay gusto ko nang kuwestyunin kung bakit ganoon na lamang ang nakikita ko ngunit paano? Kung hindi rin naman ako mismo ang nakakaranas nito.
Noong una ay hindi pa ako makapaniwala ngunit maaaring ganoon nga talaga ang realidad ng buhay kumpara sa tulad ko na payapang nabubuhay sa loob ng aming nasasakupang lupain kung saan naroon na ang lahat ng kailangan ko at hindi ko na kailangang paghirapan pa. Hindi talaga lahat ng tao ay nabiyayaan.
"Ate Victoria, tawag ka po ni Lola."
Napalingon naman ako sa nagsalita at nakitang si Julian ito. Hinarap ko siya.
"Ganoon ba?" Ngumisi ako at pinisil ang pisngi niya nang mariin.
Kasalukuyan akong nagtatanim rito sa may likod na parte ng mansyon kung saan presko ang hangin upang may magawa naman ako. Naninibago nga ako sa sarili ko dahil hindi ko pa napagde-desisyunang tumakas rito.
Napansin kong kakaunti ang halaman at mga bulaklak rito. Nais ko sanang gamitan ang aking kakayahan ngunit ipinagbawal na iyon nina Lola Nena at Lolo Juls sa akin dahil may nakakita sa aking isa sa mga pumupunta riro upang maglinis nang gamitin ko ang elemento kong tubig sa habang nagdidilig ng halaman. Nawalan pa ito ng malay at mabuti na lamang na napagtakpan nila ako.
Maybe some other time.
"A-aray ko po. Lolaaaaaa!" maluha-luhang daing ni Julian. Napatawa na lamang ako. Ang taba-taba kasi ng pisngi niya at napakalambot. Nakakagigil. Parang gusto ko siyang iuwi sa namin. Matutuwa ang magkapatid na prutas, sigurado ako.
Binitawan ko na ang pisngi niya at napahagikhik ako. Marumi na ang mukha niya. Napunta rito ang mga putik mula sa aking mga kamay.
"Isusumbong kita kay Lola. Huhuhu." Umiiyak na nagtatakbo pabalik sa loob ng mansyon ang batang biik.
"Hahahahaha." Tumawa ako nang tumawa sa pagkatuwa sa hitsura ng bata.
Napahinto lamang ako nang maramdaman ko ang kakaibang lamig na nagpatayo ng aking balahibo sa katawan. Pakiramdam ko rin ay may nagmamasid sa akin.
Lumingon-lingon ako sa buong paligid hanggang mapadako ang tingin ko sa ikatlong palapag ng mansyon. Gumalaw ang kurtina roon ngunit sarado ang bintana. Kunot-noo ko itong tinitigan na animo'y sinusuri kung totoo ba ang nakita ko.
"Victoria? Nasaan ka?"
Natauhan rin ako ng marinig ko ang boses ni Lola Nena. Mukhang nagsumbong na ang batang biik. Napailing ako.
"Andiyan na ho!" sagot ko kay Lola Nena.
Tiningnan ko ulit saglit ang bintana sa ikatlong palapag. "Alam kong pinagmamasdan mo ako," wika ko.
Bago ako tuluyang makaalis, narinig ko ang isang tinig na tila hangin na dumaan sa aking tainga. Isang mahinahon ngunit malalim at malamig na tinig na kahali-halina sa pandinig ko.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
