"Ivo! Ivo!" Tawag ni Clydeus kay Ivo na may nakasubong tangkay ng dahon sa bibig at pinaglalaruan ito.
"Bakit?" Tanong nito kay Clydeus.
"May paparating. Nakita mo ba?" Sagot at muling tanong nito at sinipa ang ulo ng Hunter na pinugot niya.
"Oo. Mukhang naligaw nga e." Walang ganang sagot ni Ivo kanya. Kanina pa siya naiinip at mukhang si Clydeus lamang ang nasisiyahan sa ginagawa.
Pinagmamasdan niya ang paparating na mga Hunters kasama ay isa itong batang babae na may matutulis na tainga, nakaitim na bestida, itim na headdress, itim na guwantes, itim na sapatos na may puting medyas na may laso at isang napakalaking payong na may naglalakihang ngipin sa loob.
Agad siyang tumalon pababa at tumabi kay Clydeus na ngayo'y nagpupunas ng dugo mula sa mga Hunters sa damit niya. Hindi maganda ang kutob niya rito. Ibang iba ito sa mga Hunters na kasama nito dahil kasing puti ng papel ang balat nito. May maamong mukha na may itim na labis at mahaba rin ang buhok na may tali sa magkabilang panig. At kapansin-pansin rito ang tila itim na luhang marka sa ilalim ng mata nito.
Nang tumingin ito sa kanila ay saglit itong tumigil pati na rin ang mga Hunters na kasama. Kitang kita sa mga ito ang pagkahayok lalo na sa batang babaeng halos kumislap pa ang napakaitim na mata dahil nakita sila. Agad itong ngumisi.
"Mukhang may napakasarap na nakahain sa akin ngayon." Aniya at saka pinaglandas ang kanyang dila sa sariling labi.
Tumalon pababa ng isang malaking bloke ng yelong ginawa niya si Calvin at agad na sinugod ang aninong may sariling katawan. Gamit ang kaliwang paa ay naglabas siya ng yelo sa pamamagitan ng pagpadyak sa lupa dahilan upang yumanig ang lupa kasabay ng pagdaloy ng yelo papunta sa batang kasama ng kalaban niya na nagngangalang En. Ihinilig niya pakaliwa at pakanan ang kanyang espada sa bawat pag-atake niya na siya namang sinasangga ng aninong may katawan na nagngangalang Vy.
Kanina pa niya iniisip kung saan niya narinig ang mga pangalan na ito nang bigla niyang naalala ang sinabi sa kanila ni Seth na nakaharap ni Priam sa Eastwood ng akademya. Ang isa sa Seven Deadly Sins na siyang mga alagad noon ng ikalabintatlong prinsesa ng Aurswalt na isa sa pinagmulan ng Great War. At sa pagkakaalala niya sinabi ni Seth ay napuruhan ang mga ito ni Priam at agad na umalis. Naisip niyang kayang-kaya ni Priam na gawing abo ang mga ito ngunit hindi nito ginawa. Napuno tuloy siya ng mga katanungan.
Masyado ata siyang nalulunod sa pag-iisip dahil nakita na lamang niya ang sarili na mabilis na tumama sa katawan ng malaking puno at nabuwal ito. Napaubo siya dahil sa lakas ng pagtama ng likod niya . Napalibutan rin siya ng alikabok at dahil sa inis ay agad na bumagsak sa lupa bilang maliliit na kristal na yelo.
"Kumusta ka naman sa iyong pagbagsak? Sayang lamang dahil walang sumalo sa iyo." Nakangising sambit ni Vy. Habang pinaglalandas ang kanyang dila sa mga kuko niyang matutulis.
"Tch." Nakakunot-noong sagot sa kanya ni Calvin at saka tumayo at nagpagpag ng damit. Para namang nainsulto si Vy sa sagot nito sa kanya kaya bigla na lamang siyang sumugod rito papalapit ngunit agad ring napatigil.
"A-anongㅡ"
"You think I'm that weak? Think again, douché." Nakangising tanong niya rito at itinaas ang kanyang kamay na may napakanipis na lubid na gawa sa yelo. Nang tingnan ni Vy kung saan ito nakatali ay nakita niyang nasa mga paa ito ni En at may isang napakalaking nilalang na kulay puti sa likod nito na ang kuko ay nakatutok sa kaniyang leeg.
"Move. And my pet will cut off his head." Malamig na wika ni Calvin at saka itinutok sa leeg nang kaharap ang panibagong espada na kakaiba sa ginamit niya kanina. Mas manipis ito at mas malapad ngunit mas kapansin-pansin ang gilid nitong kumikinang sa liwanag, gawa ito sa yelo. Ang hawakan nito ay ay may maliliit na kristal na kulay asul.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasíaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
