Sixty - I'm Drunk, I love...

1 0 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na halos magkapalit na kami ng toilet bowl ng mukha. Pinindot ko ang flush button habang tinitingnan ko ang mga nilabas ng bibig ko. Napatakip muli ako ng bibig nang maramdaman kong may lalabas na naman rito at parqng gusto ko na lang ring ilabas pati ang mga bituka ko o kahit anong lamang loob meron ako. O baka nga nailabas ko na lahat nang hindi ako nagmamalay.

Halos dito na rin ako sa banyo tumira dahil hindi ko na kayang maglakad pa pabalik sa kama. Nangangasim ang sikmura ko pati panlasa ko. Umiikot at dumudoble ang paningin ko na talo ko pa ang pinaikot-ikot habang nakabitin ako patiwarik. Pakiramdam ko rin ay tumitibok ang ulo ko na parang sasabog rin ito sa sakit.

Matapos kong magmumog na halos ubusin ko na lahat ng klaseng ng mouthwash na nakaimbak rito habang dala ko ang isa pang bote nito ay gumapang ako papunta sa tub upang doon sumandal. Binuksan ko ang bote at muling nagmumug nito habang pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi matapos umalis ng Priam. Ngunit sumasakit ang ulo niya dahil wala talaga siyang maalala, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog siya sa ganoong pwesto.

***

Binalot sina Vitoria ng katahimikan matapos ang huling sinabi ni Calvin na pumuno ng bagong katanungan sa isipan niya. Pakiramdam niya mas mababaliw siya sa pag-iisip kesa sa naranasan niya nitong nakaraan.

Tumayo si Clydeus nang maayos mula sa likuran ni Xavier na hinabol pa siya ng tingin. Si Seth naman ay nakahawak lang sa sentido niya at hinihilot ito. Si Ivo naman ay tulala lang sa gilid habang umiinom ng wine. Si Calvin naman ay kinakausap ang alagang si Coco matapos diretsong inumin ang isang bote ng wine sa harap nila kanina.

"Where are you going?" tanong ni Xavier sa kapatid na siyang umagaw ng atensyon ng lahat. Humarap ito sa kanila at ngumuso.

"Gutom na ako, Xavy. Gusto ko ng pagkain," aniya at ngumiti ng makahulugan bago magpatuloy. "Kukuha lang rin ako ng inumin n'yo. Ubos n'yo na kasi. Ahihihi."

"Clyde! Ako rin, gusto ko ng pagkain," ani ni Victoria na pinili na lamang sakyan ang gusto nito kesa mag-isip. May bukas pa naman para doon.

Para namang nabuhayan bigla si Ivo sa narinig kaya dali-dali itong tumayo at sumama kay Clydeus papunta sa kusina. Naiwan naman sina Victoria, Seth, Xavier at Calvin sa kinaroroonan nila.

Tumayo si Xavier upang iligpit ang lahat ng kalat nila na tinulungan na rin ni Victoria. Inilagay nila lahat sa gilid.

"I'm sorry that I can't do anything about your mother, Xavy." Tumayo si Victoria at dinala muli ang mga bote sa gilid nila.

"You know it's not your fault, Milady. It's hers. Elites has its own creed aside from the law given by the higher ups, that even us shouldn't defy," sagot nito sa kanya at nginitian na lamang siya bago magpatuloy sa ginagawa.

"Hindi ka namin nasisisi kung sa tingin mo ay mali kami, ikaw o kahit sino pa sa atin," ani ni Seth na nakapikit habang hinihilot pa rin ang sentido niya.

"Guuuuuuuuys!" pagtawag ni Clydeus na kumakaway pa sa kanila habang hawak ang iba't ibang chips. Tulak-tulak naman ni Ivo ang isang rolling tray na puno ng iba't ibang klase ng alak, ice cubes at iba pang pagkain.

"What theㅡ! Primitivo, ano 'yang dala mo? May balak ka bang magtayo ng Bar dito sa dorm?!" singhal ni Seth na napatayo pa nakita at lumapit pa sa kanila upang tingnan ang dala nito na sa tantya niya ay mukhang hinakot nito ay koleksyon ng ama niya.

"Hindi naman. Uubusin lang natin ito ngayon. Celebrate tayo dahil nandito na ulit si Chief." Humarap si Ivo kay Victoria. "Chief, game?" tanong pa nito at inakbayan ang kausap.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now