I woke up feeling in bliss the next morning. I couldn't help but smile upon remembering their surprise for me."You were smiling like a geezer every now and then, Victoria." Puna ni Calvin sa akin na may nayayamot na ekspresyon sa mukha. Napatigil naman ako bigla.
"Am I? Ewan ko sa'yo. Matulog ka na lang kaya?" Asik ko.
"Mukha bang kaya kong matulog ngayon gayong dinig na dinig ko ang sigawan sa labas? You got to be kidding me." Asik niya pabalik sa akin. "Ayusin mo nga 'yang suot mo." Pabahol pa niya.
Napanguso ako. Nandito kami ngayon sa locker room ng Elites sa Gymnasium. Ang gymnasium ay may malaking espasyo sa gitna na halos kasing laki ng field at sa palibot nito ay ang mga bleachers. May iba't ibang locker room rito para sa mga players ng ibang laro na dito gaganapin.
Hindi naman ako na-inform na maglalaro pala sila ng Dodgeball. Itong larong ito raw ang isa sa highlights ng Winter Festival. Inaabangan raw ito kada taon ng mga estudyante at iba pa.
Sino ba namang hindi kung makikita mo ng personal ang Elites na hinahangaan at pinapangarap ng lahat. Tanggap ko na rin naman na hindi sila ordinaryong estudyante lang. Kaya gusto ko na lang rin kwestyunin kung anong ginagawa ko sa Elites e.
"Nandito na ba lahat?" Tanong ni Seth na kakapasok lang sa pinto kung nasaan kami. Nakabihis ito ng PE uniform n itim na shorts, puting sweatshirt at running shoes. Ganoon rin ang suot ng iba at suot ko. Mas maikli nga lang 'yung shorts ko.
"Iyan ba ang susuotin n'yo mamaya sa laro?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah. But we'd still have gears. This is not just a child's game after all." Aniya.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Dodgeball for me is a kids game. Iilag ilag ka lang naman, kapag natamaan ka, out ka na.
"What's with your shorts? It's too short and it exposes your legs." Nakakunot-noong puna ni Seth sa suot ko at sa binti ko. Hindi naman masamang tingnan ah.
"Kaya nga maikli kasi short 'di ba? Saka ito 'yung nakita ko sa pinadala ni Ate Reed e. Suotin ko raw sa laro n'yo." Sarkastiking sagot ko, pangalawa na siyang pumuna ng suot ko e. Dumating ito kaninang umaga at may note na kay Ate Reed ito galing kaya sinuot ko. Isa pa, hindi na rin naman ngayon umulan ng nyebe, kaunti na lang kaya hindi na gaanong malamig.
"Tsk. Don't you know how many people are there?" Tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot. Napabuntong hininga siya saka may kinuhang checkered long sleeves sa locker niya. Lumapit ito sa akin at siya ang nagtali nito sa bewang ko. "Subukan mong alisin 'yan at subukan mo ring lumayo mamaya, lulumpuhin kita." Banta niya. Agad naman akong tumango at hindi na nagreklamo. Baka totohanin niya e, mawawalan pa ako ng binti.
"Clyde, will you stop wiggling?" Ani ni Ivo na kapapasok lang, sa likod niya ay sina Xavier at Clydeus saka pumunta kina Seth para makipag-usap. Hindi naman siya pinakinggan nung bata at saka lumapit sa akin. May dala siyang siyang bag kaya tinanong ko siya kung ano 'yon.
"Ito ba? Energy boost!" Masiyang sagot niya habang umiinom ng isang chocolate drink. Kinuha ko naman ang bag at binuksan ito. Napangiwi ako ng makita ang laman nito. Iba't ibang crackers, breads, chocolates and drinks.
"Saan mo ba nilalagay ang mga kinakain mo?" Tanong ko kay Clydeus. Pero nginitian lang niya ako.
May kumatok sa bukas na pinto kaya napalingon kami dito. Hinarap naman siya ng nga kasama ko dahilan para mapaatras siya.
"M-magsisimula na po t-tayo." Magalang na saad noong kumatok saka yumuko ng bahagya. Mukha siyang estudyante ng Academy. I wonder why he looks familiar with those glasses.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...