Napagpasyahan kong umuwi ng mansyon dahil Biyernes naman ngayon. Agad kong kinuha ang bag ko at isinilid ang salamin at saka umalis. Mabuti na lamang at wala sila pag-alis ko. Kailangan kong mag-isip isip.
Matapos kong makarating sa mansyon ay natulog muna ako dahil wala sila Lola, nasa bayan. Gabi nang hindi ko namalayan, kaya plano kong bumaba. Nakasalubong ko sa pagbaba ko si Lola Nena. May hawak itong tray na may pagkain.
"Victoria. Dadalhan sana kita ng pagkain. Hindi na kita tinawag kanina para sumabay sa amin. 'Wag ka raw namin istorbuhin sabi ni Priam." Saad nito ng may pag-aalala. Sumunod pala siya dito?
"Gano'n po ba. Salamat po. Papunta na rin po sana ako sa kusina para kumain." Sagot ko.
"Kumain ka na. Ininit ko na ito. Ako na magdadala, hindi pwedeng hindi ka kakain." Saad nito at nauna nang lumakad papunta sa kwarto ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at saka sumunod sa kanya.
Nang makarating kami sa silid ko ay inilagay niya sa aking maliit na mesa ang pagkain. "Kumain ka na."
"Opo. Ayusin ko lang po itong dala ko." Saad ko habang pinapakita ang hawak kong salamin.
"Dala mo pala iyan." Malungkot siyang nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa kaniya at iginiya siya paupo sa kama ko. "Lola..."
"Nasanay na kaming narito ka e." Mahinang saad niya. Hinigpitan ko naman ang pagkahawak ko sa kamay niya.
"Lola. Hindi naman po ako aalis." Hindi pa. Mga salitang gusto kong idugtong. Isa pa, wala pa akong natatapos kaya hindi ako pwedeng umalis pa.
Maluha-luha akong tiningnan ni Lola Nena kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Iniwasan ko na lamang ring umiyak dahil sa lungkot kong nararamdaman.
"O'siya. Kumain ka na at magpahinga na rin. Babalik raw kayo sa Academy bukas." Tumayo na rin ito at sako namang may kumatok sa pinto't bumukas iyon.
"Lolo Juls! Kumusta po?" Bati ko sa kaniya at niyakap siya, ginulo naman niya ang buhok ko.
"Aba, aba. Ang ating Victoria. Maayos naman kami rito. Parang ang tagal na nating hindi nagkita. Ha ha ha ha!"
"Parang ganoon na nga po, Lolo." Ngumiti na lamang ako.
"Halika na, Nena. Magpahinga na tayo, gabi na. Ikaw, Hija, kumain ka muna bago matulog." Muling paalala ni Lolo Juls bago sila umalis sa kwarto ko.
Sinunod ko sila. Kumain muna ako at nag-ayos ng ilang gamit na napagdesisyunan kong dalahin. Puro ako sabing kikilos na ako pero hindi ko naman nagawa. Kaya kailangang magsimula na ako.
Ang problema nga lang ay kung paanong hindi nila mahahalata ang mga gagawin ko or pwede ko namang gawin na parang natural lang. Maaring matulungan rin nila ako. Bahala na.
Kinabukasan ay maaga akong umalis. Oo, ako lang. Nauna na raw si Priam at iniwan niya sa akin ang isa sa mga sasakyan niya. Siya nang maraming sasakyan.
Mabilis lang akong nakarating ng Academy. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga nakakasalubong ko sa daan dahil sa hawak kong salamin at ilang gamit. Naalala ko bigla si Tracey, hindi ko siya nakikita. Pero 'yung alipores niya, oo.
"Milady?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Xavier." Agad naman itong lumapit sa akin at kinuha ang mga libro kong dala. "Thanks."
"No worries." He smiled. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko namalayan na nakatingin na pala ako ng matagal kay Xavier at natisod ako sa bato, dahilan para mahulog ang ilan pang dala ko. Tsk. Kailan pa nagkabato dito? Oo na, aamin na. Hindi lang talaga ako nakatingin sa daanan. Nakaka-distract kasi si Xavier e. He's so calm at tulad ng nakikita ko palagi, he's shinning.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
