Dapit-hapon na nang makarating kami sa mansyon nina Priam. Ang akala ko ay kami lang ni Tyro ang uuwi ngunit namalayan ko na lamang na kasama na namin sila at nasa isang sasakyan lang kami.
Tapos na kaming maghapunan at nakatulog na rin agad si Tyro dahil sa sobrang kakulitan at paglalaro kasama si Julian at Clydeus. Mabuti na lang at nakakain pa rin ang mga ito. Hindi pa naman magandang hindi nalalamnan ang tiyan kahit kaunti sa gabi.
Ang iba naman ay nasa gazebo sa labas malapit sa main garden ng mansyon. Nagyayang uminom si Ivo kay Lolo Juls at pumayag naman ang iba. Hindi pa ata nadalâ ang Primitivo gayong napagalitan na siya ng Headmaster kanina dahil sa kinuha niya sa koleksyon nito at ang pagkasira ng terase sa dorm. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa nilang uminom gayong pwede naman silang magkape na lamang kung gusto nilang mag-usap usap.
Kasalukuyan akong nakaupo at nanunuod sa ginagawa ni Lola Nena, pinupunasan na lamang niya ang mga pinggan na kanina'y hinugasan ko na. Ipinagtimpla pa niya ako ng mainit na tsokolate na paborito ko at palagi niyang hinahanda sa akin noong narito pa ako palagi.
"Lola, salamat po rito," ani ko at itinaas nang bahagya ang baso ko. "Na-miss ko po ito."
Sumulyap naman siya sa akin saglit bago isalay sa eskaparate ang mga pinggan. Matapos nito ay humarap siya sa akin ng nakangiti.
"Mabuti naman at nagustuhan mo," aniya. Nakita ko naman ang pagtitig niya sa kabuuan ko kaya nagtaka ako.
"Bakit po?" tanong ko. Umiling lang muna siya bago sumagot.
"Wala naman, hija. Sadyang nagpapasalamat lamang ako at maayos ang lagay mo," sagot niya at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Hinawakan ko rin ang kamay niya gamit ang kanan ko saka ngumiti.
"Lola, pasensya na po kung hindi man lang ako sa inyo nagpakita o nagpaalam man lang. Hindi ko po sinadya na pag-alalahanin kayo. Marami lang po talagang nangyari na ang hirap isa-isahin," wika ko at yumuko. "Hindi ko po alam kung nakapagpasalamat na ako sa inyo dahil kayo ang kumupkop sa akin ngunit... maraming maraming salamat po. Utang na loob ko po sa inyo kung nasaan ako ngayon."
"Ayos lang, Victoria. Naiintindihan ko, hindi mo kailangan humingi ng pasensya. Kailanman at wala lang pagkakautang sa amin o sa kahit na sino rito. Ikaw ay ikaw ngayon dahil sa mga desisyon at daan na tinahak mo. Kung may bahagi man kami rito ay nagsilbing daan lamang kami upang maisakatuparan ito. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong landas, Victoria. Tinulungan ka naman dahil gusto namin, hindi namin kailangan ng kapalit. Sapat na sa amin ng Lolo Juls mo na ligtas kayo ni Tyro. Kahit anong mangyari, palagi kang may uuwian rito," puno ng sinseridad niyang saad at hinaplos-haplos ang pisngi ko. Ramdam ko ang init ng palad niya siyang ikinatuwa ko rin.
Alam kong malaki ang utang na loob kina Lola Nena ngunit kahit minsan ay hindi nila ipinaramdam ito sa akin na dapat kong pagbayaran, bagkus ay itinuturing pa nila akong kapamilya. Palagi nilan sinasabi na ang pagtulong nila sa akin ay bukal sa loob nila at hindi sila naghihingi ng kahit anong kapalit. Siguro kung hindi sila ang kumupkop sa akin, wala ako rito ngayon sa kinatatayuan ko. Sa halos isang taong pananatili ko rito, napakami kong natutunan na kahit kailan ay hindi maituturo nang kahit sino o ng kahit ano.
"Halika muna sa labas, Victoria. Susunduin ko lang si Julio. Masama ang uminom sa isang 'yon. Isa pa ay lumalalim na ang gabi. Alam kong may pupuntahan pa kayo bukas," nakangiting aniya at inakay na ako papalabas.
Bang makarating kami sa labas ay nakita namin na nagkakasiyahan ang buong Elites kasama si Lolo Juls sa gazeboo. Saglit akong napatigil at kusang napangiti.
Dinig na dinig ko ang mga tawanan nila mula rito. Dama ko rin ang katamtamang lamig ng hangin rito sa labas. Maliwanag naman ang paligid dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga lamparang de gas na narito sa paligid at sa maliwanag na langit na puno ng mga bituin. Pati na rin ang ilang kumukutitap na maliliit na bumbilya na naroon sa puno. Nabaling ang tingin ko sa pinanggagalingan ng mabangong amoy, ang mga halaman na itinanim namin noon ay namumulaklak na.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasiInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...