I was gaping when my eyes to scan the whole place. Kabababa lang namin mula sa barko. Suot naming lahat ang regalo ni Ate Reed sa amin noong Winter Fest aside from our brooch and crest.
"Bun bun... ang lamig," nangangatal na wika ni Clydeus na kanina pa nakasiksik sa gilid ko.
Nasa pinakahuli kaming dalawa dahil natagalan si Clydeus sa pagbihis. Nasa unahan naman si Calvin kasama ang alaga niya kausap ang isang sumalubong sa amin pagbaba. Ang iba naman ay tahimik lang, lalo na si Ivo. Dapat ngayon maingay na siya pero hindi e, mukhang malalim pa rin ang iniisip niya.
"Tiisin mo muna," sagot ko sa kanya.
Walang naririto sa pantalan maliban sa amin at sa ibang susundo sa amin. Malamig ang paligid na kahit ang paghinga namin ay naglalabas ng ng usok. Mula rito ay kita ko ang mga bundok na nababalot ng nyebe pati na rin ang mga matatayog na puno.
Pagkarating namin sa dulo ay bumungad sa amin ang tatlong malalaking karwahe. Dumiretso si Calvin sa unang karwahe at nang makita siya ng mga susundo sa amin ay agad silang yumuko upang magbigay galang.
"Greetings, Young Master and Elites. Welcome to the land of the Ferell's, the Lemuria. Rima at your service." saad nito at yumukod.
Nang tumayo ito ay agad nitong inilahad ang kamay patungo sa karwahe. Hindi naman sumagot si Calvin sa kanya at tuloy-tuloy lang itong pumasok sa loob kasunod si Priam, Xavier at Ivo.
Nilingon kami ni Seth at iminwuestra ang ulo pakaliwa upang sumunod na kami. Nang dumaan siya sa harap ni Rima at tinapik nito ang balikat nito. Hindi naman gumalaw sa pagkayuko ang huli.
"Hello, Rimaaaaaa~" biglang pagbati ni Clydeus sa gilid ko at kumaway pa.
Mukhang namang nagulat ang huli dahil sa biglang pagsulpot namin ni Clydeus sa harap niya kaya napatingin siya sa amin at napatay ng tuwid.
"Greetings, Lord Lyndhurst and Lady... uhm," aniya na nag-iisip pa kung sino ako. Kita ko sa mata niya na nahihiya siya pero pinipilit niyang huwag magpakita ng emosyon. Hindi siguro siya naabisuhan na kasama ako.
Ngumiti ako sa kanya upang mabawasan ang kaba niya. Kita ko rin kasi ang malalim niyang paghinga. Kung titingnan, siguro kasing edad lamang ito ni Seth. May kulay itim na buhok at tsokolateng mata. Kasing-tangkad rin niya si Calvin.
"Victoria. Just call me, Victoria," sagot ko.
"Ahihihihi," pagkagikhik ni Clydeus sa gilid ko.
"Forgive me for my rudeness, Lady Victoria," aniya at saka muling yumukod. Napataas naman ang kilay ko sa ginawa at sinabi niya. Napangisi ako bigla dahil may naisip ako.
Bumitaw ako kay Clydeus. Yumuko rin ako saka mahinang nagsalita na sapat na upang marinig naming tatlo. "Alam mo bang ang huling nilalang na hindi sumunod sa sinabi ko'y... may kinalagyan sa akin?"
Kita kong natigilan siya sa at bahagyang namutla. Iminuestra ko ang kamay ko upang pagalawin ang malamig na hangin sa paanan niya upang palibutan siya na siyang ikinamuo ng butil-butil na pawis sa kanya kahit malamig naman ang klima.
"F-forgive me, LaㅡV-Victoria," nangangatal na aniya.
I just pursed my lips to refrain myself from laughing. Ganoon rin si Clydeus na namumula na ang pisngi sa pagpipigil ng tawa gamit ang nakaharang na kamay sa bibig niya.
"Victoria! What are you two still doing down there?" tanong ni Seth na nasa pinto na pala ng karwahe at nakatingin sa amin habang kunot na kunot ang noo.
Timikhim muna ako saka umayos ng tayo. Bahagya ko pang kinurot sa tagiliran si Clydeus na yumuyugyog ang balikat. Napataas ang kilay ni Seth at dumako ang tingin kay Rima na nakayukod pa rin. Kita ko sa gilid ng mata ko ang panginginig ng kamay niya.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasiInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
