Sixty-three - Bon Voyage

1 0 0
                                    

"Heard any news from the Delta?" Seth asked, leaning on his chair while roaming his eyes around the vast sea.

"They're on standby and waiting for orders. Hunters are lurking everywhere on the North and no converterds at sight. Parang may hinahanap, hindi rin naman raw nanggugulo sa mga nakatira doon," sagot ni Ivo na kapapasok lang sa kinalalagyan nila. Umupo ito sa isang silya sa paligid ng round table sa tabi ni Xavier.

"That's odd. Akala ko darating tayo roon na magulo. Hunters are aggressive and they attack everyone whenever they are around," komento ni Seth.

Tiningnan niya si Ivo na hindi man lang tumingin sa kanya habang kinakausap siya saka napailing. Hindi niya tuloy alam kung napasobra siya kagabi sa simpleng pagtatalo kaharap pa si Victoria.

"At least, we still have time. I wonder what does the High Council think about these matters. Guardians aren't on reach," walang ganang pag-usal ni Ivo.

Wala talaga siyang gana ngayong araw. Ang daming gumugulo sa isipan niya. Mukhang kinukulang pa siya sa sariwang hangin na nilahanghap niya sa baga niya.

"High Council... Ministry... can we really trust them?" wala sa sariling tanong ni Seth na ngayo'y nakatayo na at nakaharap sa bintana kung saan tanaw nila ang walang katapusang dagat.

Nagsisimula na siyang magduda sa nakatataas. Pakiramdam niya ay may mali. Na kahit anong isi niya kung nasaan ang mali ay wala siyang maisip.

"What do you mean?" Xavier asked while diverting his gaze from the floor to Seth. Nakikinig lang naman siya palagi sa kanila, iyon ang nakagawian niya. Saka lang siya magsasalita kung kailangan.

Walang imik na humarap si Seth sa kanya at kumibit-balikat bilang sagot. Matapos nito ay biglang bumukas ng malakas ang pinto na siyang ikinapitlag ni Ivo kaya masama siyang tumingin roon.

"Haluuu haluuu! Did I miss anything? Nagutom kasi ako. Ahihi," masiglang ani ni Clydeus at umupo sa tabi ng kapatid na kasama niya kanina ngunit nang papunta na sila rito ay agad itong nagpaalam na may pupuntahan lang saglit. Hindi naman nagtanong ang huli kung bakit dahil obvious naman kung saan ito pupunta.

"Palagi ka namang gutom," Ivo mumbled at ipinatong ang kanang siko sa mesa ay nangalumbaba.

Magulo ang isip niya ngayon, lalo na at may eksena sa isip niya na hindi talaga mawala-wala. Pilit niyang inaalis ang ilang mga eksena sa isip niya ngunit hindi niya magawa.

"Ahihi. Gusto mo?" pag-alok ni Clydey ng kinakain niyang brownies. Tiningnan lang naman siya ng huli at tumango. "Kuha ka. Kulang pa 'to sa akin e."

Halos malukot naman ang mukha ni Ivo sa sinagot sa kanya ni Clydeus. Kinuha na lang niya ang isang bolang disenyo sa mesa at ibinato ito sa kausap.

Wala namang pakialam si Clyde sa paparating sa kanya. Patuloy lang ito sa pagnamnam ng  kinakain. Bawat subo at nguya pa nito ay may impit na tunog at pumapalakpak pa.

Agad namang sinalo ni Xavier ang tatama sa mukha ng kapatid na puputok na naman sa kakakain at ibinalik ito kay Ivo na may kaunting pwersa.

"Woah," ani ni Ivo at sinalo ang itinapon sa kanya pabalik. "Nice pass," komento pa nito.

"Bakit pala kung kumain ka ngayon ay sobra pa sa sobra, Clyde?" tanong ni Seth at lumapit kay Ivo saka ito tinapik ng dalawang beses sa balikat. Hindi niya kasi gusto na parang may harang sa kanilang dalawa.

Tumingala naman si Ivo sa kanya at saka tinapik ng isang beses ang kamay nitong nasa balikat niya upang iparating na ayos lang siya. Nagtanguan lang sila. Hudyat na nagkasundo sila upang pag-usapan nila ang problema nila sa susunod na mga oras.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now