Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin habang nagsusuklay, kakatapos ko lang maligo. Lunes ngayon at ito ang unang araw ng pagpasok ko. Parang gusto ko tuloy matulog na lang.
"Victoria?" Nakarinig ako ng pagtawag sa aking pangalan kasabay ng tatlong beses na pagkatok sa pinto. Tumayo naman ako at binuksan ko naman ito. Si Lola Nena pala at si Lolo Juls. "May ibibigay kami sa iyo, Hija."
"Ano po 'yon?" Tanong ko at pinapasok ko sila sa loob ng kwarto ko. Inilabas naman ni Lolo Juls ang isang bagay na nakabalot sa magandang lalagyan na kulay pula at may ribbon. Isang regalo.
Binuksan ko ito agad at tumambad sa akin ang isang bag na may kulay na old rose at kasing laki lamang ito ng isang aklat.
"Uso iyan sa mga kadalagahan rito. Maaari mo iyang isukbit sa balikat o kaya naman ay gawing backpack. Nasa sa iyo 'yon. Tingnan mo kung anong nasa loob." Saad ni Lola Nena. Sinunod ko naman siya. Bago ko ito mabuksan ay napansin ko ring may mga mamahaling bato itong disenyo. Sa loob nito'y mayroong notebook, ballpen, isang pouch at maliit na wallet.
"Magagamit mo 'yan. Pinasadya namin iyan at pinalagyan ng pangalan mo." Saad naman ni Lolo Juls. Tiningnan ko naman ang mga ito.
"Wooooow!" Namangha ako matapos kong ilabas ang mga ito. They're on a light and dark shade of violet, purple, and lilac in ombre form with glitters. My name, Victoria, is printed on a glittery gold too. It's like a galaxy. Pakiramdam ko kumikislap na ang mga mata ko. Binuksan ko naman ang notebook at nagulat naman ako dahil iisa lamang ang pahina nito. "Eh? Bakit po iisa lang ang sulatan?"
"Ha ha ha ha!" Pagtawa ni Lolo Juls. "Victoria, dumadagdag ang pahina nito kapag napuno mo na itong sulatan. Iyan namang ballpen, ay hindi nauubusan ng tinta. Isa pa, maaaring magbago ang kulay niyan kung ano mang kulay mo naisin. Isipin mo lang, Victoria."
"Itong pouch naman ay pwede mong lagyan ng mga kung anong naisin mo." Ipinakita naman ni Lola ang pouch at ang wallet. Ganoon rin ang kulay ng mga ito at may pangalan ko rin. "Itong wallet naman ay may lamang gold at black card. Pinabibigay naman ito ng mag-asawang Nightwood."
"P-po?" Napakabait naman ng mag-asawang Nightwood sa akin para ipagkaloob sa akin ang mga ganitong bagay. Pero bakit?
"Oo, Victoria. Iyang gold at black card ang gagamitin mong pambili ng kung anong nais at kailangan mo. Ikaw na ang bahala riyan."
Napangiti naman ako. Hindi ko alam na paghahandaan nila ito. "Maraming salamat po, Lolo, Lola!" Maligayang saad ko. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. Tinapik-tapik naman ako ng dalawa at agad naman akong humiwalay sa pagkakayakap.
Lolo Juls tapped my head at ginulo ang buhok ko. "Walang anuman, Hija. Bahagi ito ng pasasalamat namin sa iyo dahil nagkaroon lalo ng buhay ang mansyon." Makahulugang tungin ang ipinukol nila sa akin matapos sabihin iyon.
"Oh. Magbihis ka na. Ihahatid ka namin ng Lolo mo sa eskwelahan. Nauna na si Señorito roon. Si Julian ay pumasok na rin." Saad ni Lola Nena.
"Sige po. Salamat po ulit dito."
Mabilis akong nag-ayos at nagbihis. Simpleng white long sleeves at pantalon ang suot ko at pinaresan ng white rubber shoes. Wala pa akong unipormr. Agad ko namang kinuha ang bag na binigay sa akin at bumaba na.
Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang magtanong. "Lola, bakit po parang hindi ito ang daan papunta sa bayan? Hindi po ba malapit roon ang eskwelahan?"
"Hindi talaga ito, Hija. Sa kabilang dako ito." Lumingon ito saglit sa akin. "Kung mapapansin mo, ang mansyon ng mga Nightwood ang malapit sa kakahuyan ng Orindale kaya malayo-layo tayo sa bayan at sa ibang pang lugar dito." Aniya. Pero bakit hindi nila ako pinapayagang gumamit ng kakayahan ko gayong malayo naman kami sa bayan? Napaisip naman ako.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasíaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...