Reconciling is one of the most heartwarming thing for me right now. Having them near me made me feel at ease more than they were not with me. Sure I've got a time for myself and Tyro as well as the beings outside this Academy but... you know the feeling of something inside you is hollowed? And they're the one who can fill those? That's what it is.
"Ate Tori, you're spacing out again," puna ni Clydeus sa akin na kanina pa nakadikit sa akin. Kulang na lang ay itali niya ang sarili siya sa akin. Nginitian ko na lang siya at saka ginulo ang buhok. Pinisil ko rin ang mabibilog niyang pisngi na siyang ikinahagikhik niya. "Ahihihihi."
"Nasa kanya lang ang atensyon mo, paano naman kami?" nakakunot-noong saad ni Ivo sa tabi ko na kulang na lang ay ngumuso. Anong kayang itsura niya kapag nakanguso? Napangiwi naman ako sa naisip ko, hindi bagay. Inakbayan ko na lang siya na siyang ikinangiti niya at doon ko naman nakita muli ang mapuputi at maganda niyang ngipin.
Nakaupo kami ngayon rito sa couch na narito sa terase ng dining area. Hanggang ngayon ay humahalimuyak ang amoy ng mga scented candles. Tamang-tama lamang ang liwanag na mula sa lanterns na nakasabit sa may labas at ang liwanag mula sa mga kandila. Tama lang rin ang lamig ng hangin na siyang dumaragdag sa magandang ambiance ng kinaroroonan namin. Nasa center table naman ang ilang dekorasyon kasama na rin ang ilang kandilang nakalagay sa candelabra, pati na rin ang mga bote ng iba't ibang klaseng wine.
Hindi ko alam kung kanino galing ang ideya ng pag-inom nito. Kung ginagamit ba nila itong pampalakas ng loob o sadyang naging lasenggo na sila buhat nang umalis ako at idinamay pa ang bata sa tabi ko. Ang alam ko mag-uusap kami, mukhang inuman lang e.
Gusto ko namang umalis na lamang at huwag nang pag-usapan ang nangyari dahil tapos na ngunit natutunan kong hindi tama 'yon. Hindi tamang palipasin ang mga problema namin dahil darating ang araw na baka mas lumaki pa ito.
"You see, what we wanted is to protect you. But we don't know that protecting you will hurt you instead," ani ni Seth na nasa may tapat ko na nakaupo sa isahang upuan. Sa kanan niya ay si Xavier at sa kaliwa niya ay si Calvin na nasa beanbag na doble ang laki kaysa sa karaniwan. Si Priam naman ay nasa likod nina Seth, nakatayo ito at nakaharap sa hardin ng dorm. Nakapatong ang mga braso niya sa barandilya ng terase na abot hanggang bewang niya habang umiinom rin ng wine.
"Iba ang pagsisinungaling sa hindi pagsasabi ng totoo o ng buong katotohanan. At ginawa namin iyon dahil gusto naming protektahan ka, iyon lang. Ilalayo ka namin sa lahat kung pupwede 'wag ka lang mapahamak. Alam namin kung ano ka at hindi kami papayag na mawala ka muli sa amin. Pero ugali mo kasi talaga ang ipahamak ang sarili mo dahil sa mga kalokohan mo kaya rin kita napaparusahan, upang magtanda ka," dagdag pa ni Seth at muling uminom ng wine sa baso niya. Ganoon rin ang ginawa ko at saka inalis ang pagkakaakbay ko kay Ivo.
"You were taken away from us when we were a child. We couldn't protect you back then. At gusto namin na ngayon, maprotektahan ka na ng maayos upang hindi na maulit muli ang nangyaring pagdukot sa'yo noon," saad ni Ivo na sinulyapan ako saglit.
Inalala ko naman ang sinasabi niya pero ang tanging naaalala ko lang ay noong sampung taong gulang ako'y nakulong ako sa isang lugar na puno ng ahas. Napanaginpan ko lamang ito noong naroon pa ako kina Tracey. Hindi rin iyon malinaw kaya wala rin akong alam kung paano nangyari iyon o kung kailan 'yon.
"I'm not taken away from you. And I thought I met you when I'm around five or seven years old? You left me one by one. I was always at our gate to wait for your return but you did not," wika ko. At kung tama ang naaalala ko, nakilala ko sila noong wala na si Seth sa amin at nakalipat na rin kami ng bahay.
"Hindi mo pa rin pala naaalala. Sino nga ba naman ang gustong alalahanin ang nagyari noon? Kung ako ang tatanungin, sana hindi mo na lang maalala pa. Tamang kami na lamang dahil ayokong dalahin mo ang alaalang tulad noon," ani ni Seth na siyang ikinatahimik namin.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasíaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
