Eight - Meeting the whole Elites

4 1 0
                                    


Konting minuto pa ng paglalakad ay malapit na kami sa Main building. Kung titingnan, mukha talaga itong kastilyo base sa disenyo. Pero ang sabi ni Lola ay wala pa ito sa kalahati ng totoong kastilyo sa Aurswalt. But all in all, mukhang mas malaki ito sa nang sampung beses sa mansyon ng mga Nightwood. To tell you, hindi ko pa nga nalilibot ang mansyon dahil hindi naman lahat ng parte noon ay pwede kong puntahan na hindi ko na rin tinangka pa, lalo na sa ikatlong palapag na halos dalawang floor ang taas. Tinanaw ko naman mula dito ang gate pero medyo maliit na siya sa paningin ko.

Bago ang main building ay nadaanan namin ang napakalawak na front lawn na punong puno ng iba't ibang mga halaman at mga bulaklak. There are trees, benches and tables here too. Nature lover ang mga narito, hmm.

Habang hila-hila naman ni Ivo ay tumitingin sa amin ang mga estudyante at nagbubulungan pa ang mga ito sa tuwing madaraanan namin sila. May ilan pang nagpipigil ng tili, nangungumusta kay Ivo, nagpapa-cute at iba pa. Binabati rin naman sila ni Ivo. Baka dahil anak siya ng may-ari.

"Ang gwapo talaga ni Young Master Ivo."

"Waaaah~ nginitian niya ako!"

"Binati niya rin ako, Besh!"

"Nakakamatay ang ngiti niya! Kyaaaaah!"

"Sinabi mo pa, girl!"

Ilang lang iyan sa mga naririnig ko sa paligid ko at halos babae ang naririto. May mangilan-ngilan namang lalaki pero hindi ito kay Ivo nakatingin, sa akin. Siguro dahil bago lang ako rito kaya kakaiba ang mga titig nila. Nakakailang pero aas noo akong naglakad. Tss. I'm Victoria, and I do what I want.

"Sino iyang kasama ni Young Master Ivo?"

"Grabe. Kung makakapit siya parang linta."

"Transferee?"

"Akala ko ba hindi tumatanggap ng transferee dito?"

"Maganda."

"Hindi naman maganda. Maputi lang."

"If I know, nagpapansin lang iyan kay Young Master Ivo."

"True. Alam mo naman, masyadong mabait at gentleman si Young Master Ivo."

Napabuntong hininga na lamang ako at napangisi.

"Awww." Nasapo ko ang noo ko, bumangga kasi ako sa matigas na bagayㅡ likod pala ni Ivo. Humarap ito sa akin and he patted my head.

"Don't mind them. You know yourself than any other." He smiled at me with assurance as he ruffles my hair. Sinuklian ko naman ito ng tango at ngiti, na mas nagmukhang ngiwi. "Now, let's go see them."

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. Pakiramdam ko bumagal ang paligid at ang marahang pintig ng puso ko ang maririnig ko. What is this?

"Xavy~ ibalik mo na kasi ang pagkain koooo~"

"Ibalik mo naaaaaa~ gutom pa ako!"

"Don't give it to him, Xav."

"Butㅡ"

"You have eaten too much."

Nasa may pinto pa lamang kami ni Ivo ay naririnig ko na ang malakas na mga boses at mga yabag ng paa na animo'y may tumatalon.

Bumuntong hininga si Ivo. That's Clydeus." He then open the door and it leave my mouth partially open.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now