Fifty-two - Unwanted Solution

2 1 0
                                    


"What do you mean, Victoria?" Kunot-noong tanong ni Seth sa akin na ibinaba ang hawak niyang tray sa mini table. Ibinaba ko muna rin si Tyro at kinausap ito.

"Ty, will please get your Tito Clydeus and go play outside. Your other Tito's and I will just have a little talk." Masuyo kong wika sa kanya at saka matamis siyang nginitian. Tumango naman siya at hinila si Clydeus pero lumambitin muna ito sa akin saka humalik sa pisngi ko bago lumabas.

Nang makaalis sila ay hindi ko na pinansin ang iba at umakyat papunta sa kwarto ko. Naramdaman ko namang sinundan nila ako ng tingin. Talk? Who am I kidding? If not for Tyro, I wouldn't dare to see any of them.

Binuksan ko ang kwarto ko at tumambad sa akin ang medyo magulong kama. Dumiretso ako sa closet ko upang kumuha ng ilang gamit at inilagay ko sa backpack ko at ni Tyro. Hindi ko na kailangan ng maraming gamit, marami naman sa mansyon ni Tracey. 'Yung kay Tyro lang talaga ang kailangan ko saka mga panloob ko.

Nag-aayos ako ng gamit sa bag nang bumukas bigla sa ang pinto ko. Hindi na ako tumingin kung sino. Ayokong tingnan sila dahil kapag tumagal pa ako rito ay baka magbago na ang isip ko.

"Anong ibig mong sabihin, Victoria?" Tanong ni Seth sa akin pero hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ang paglagay ng gamit ni Tyro sa bag niya. Iniisip ko kung dadalahin ko pa ang paborito niyang laruan o hindi na.

"Milady, where are you going?" Tanong sa akin ni Xavier na tinatawag na ulit akong Milady. Napailing na lang ako kasabay ng ilan pang yabag ng mga paa. Mukhang narito na silang lahat.

"Victoria, bakit ka nag-iimpake? Saan ka pupunta? Pwede bang mag-usap muna tayong lahat?" Sunod-sunod na tanong ni Ivo.

"Better let her. It's her choice." Dinig kong ani ni Calvin.

"At ano? Para iwan niya tayo?" Naiinis na tanong ni Ivo kay Calvin. Hindi ko sila tiningnan. Nagtungo ako sa table ko upang pumili ng ilang laruan na paborito ni Tyro.

"Bakit ba kailangan pa nating magpaliwanag sa kanya? Maiintindihan niya ba? Aasa ka na naman kaya tumigil ka na." Narinig kong sagot ni Calvin sa sinabi ni Ivo.

"Ipapaliwanag ko lang ang nakita niya para alam niya kung bakit o ano 'yon." Wika ni Ivo.

"Tumigil kayong dalawa. Huwag na kayong dumagdag pa." Suway ni Seth sa kanila. Kinuha ko naman ang mga toy car na paborito ni Tyro saka bumalik sa kama kung saan naroon ang bag namin.

"Chief... pakinggan mo naman kami. Ipapaliwanag namin. Sasabihin namin kung anong gusto mong malaman." May himig nang pakiusap na wika ni Ivo. At doon na ako napaupo at natawa. Sasabihin?

"Hahahahahaha!" Pagtawa ko. At pinunasan ang naglandas na luha sa mata ko. Hindi ito dahil sa katuwaan kundi dahil sa galit. Naiiyak ako sa galit. "Hahaㅡ hahaha!"

"Hermione." Tawag ni Priam sa akin na kanina pa hindi nagsasalita. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanila.

"Alam n'yo bang pinapatawa n'yo na naman ako?" Natatawa kong wika at umupo ng maayos.

"Victoria, makinig ka muna." Wika ni Seth at tinangka aking lapitan pero itinaas ko ang isang kamay ko at iniharap sa kanila.

"D'yan ka lang. D'yan lang kayo." Ani ko saka ngumisi upang itago ang sakit na nararamdaman ko habang kaharap ko sila. "Makinig? Paliwanag? Seryoso ba kayo sa sinasabi n'yo? Baka naman ang ibig n'yong sabihin ay pakinggan ko muli ang kasinungalingan at panlilinlang n'yo."

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now