Disclaimer/Note: The views and opinions expressed by the writer do not reflect on any situation. This story was out from the writer's imagination only. Any resemblance to a living person and not, places or events are purely coincidental. Full of grammatical and typographical errors. Not edited. You have been warned.
***
It's just a typical day of my boring lifeㅡ I ditch classes, and I constantly runaway on everything that makes me bored then go out the perimeter without consent. I do what I want and nothing can't stop me. Tho I'll just have to deal with my consequences laterㅡ nevertheless, it was fun!
I was living this carefree yet boring life of mine, or just I thought it wasㅡ not until I found myself inside a room, in front of this bewitchingly enormous painting of a lady wearing white and facing her back at me, whose hair is long and crimson which was blown by the wind, around her was a picturesque scenery that seems like a paradise full of flowers.
Tinitigan ko saglit ang nasa harap ko bago ko alisin ang nakatakip ditong makapal at puting tela.
"Ughk! Ano ba 'yan," reklamo ko. Napaubo ako dahil sa alikabok nang tanggalin ko ang telang nakatakip dito.
Bumungad sa akin ang isang salamin na kasing taas ko ngunit doble sa laki ko. Hugis parahihabang bilog na may intricate carvings sa gilid na mukhang gawa pa sa ginto. Kumikinang pa ito ng bahagya na para bang hindi man lang nadapuan ng alikabok. Bahagya akong napaatras nang tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin dahil iba ang nakita ko.
Isang babaeng may tila-dugong kulay ng buhok na lagpas bewang nito na mayroon pang mumunting koronang gawa sa puting ornamental na bulaklak bilang palamuti. Nakasuot ito ng maganda't eleganteng puting kasuotan. Tulad ng buhok niya, kulay dugo rin ang kanyang mata na maamo kung tumingin. Matangos at prominente ang kanyang ilong na aakalain mong nililok ng isang tanyag na manlililok. Kasing pula ng hinog na mansanas ang kanyang mga labi't mala-nyebe naman ang kulay ng makinis niyang balat. Ang kabuuan niya ay sumisigaw ng otoridad ngunit sa pinaka-anghel na paraan. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kaganda at ka-anghel.
Damn, she's a goddess. She's the lady on the painting upstairs.
Masyado akong nalulunod sa pagtitig sa kanya nang isang nakakasilaw na liwanag ang similay sa aking mga mata kaya agad ko itong tinakpan ng aking mga braso. Matapos pumirmi ng paningin ko sa liwanag ay unti-unti itong lumamlam. Tiningnan kong muli ang repleksyon ko sa salamin ngunit wala na ito, para na lamang itong tubig.
Sinubukan kong hawakan ito ngunit tumagos lamang rito ang aking kamay. Naramdaman ko roon ang lamig na tila ba nagyeyelo at ang mabilis na pagdaloy ng mahinang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan.
"Letchugas," gulat kong saad kasabay ng pag-alis ko ng aking kamay roon. Hinimas-himas ko pa ito pagkatapos. Nablangko bigla ang aking isipan habang tumititig rito. Napakagaan nito sa pakiramdam at tila ako'y lumulutang sa ere sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Nagbalik lamang ako sa huwisyo ng may isang malamig na kamay ang humawak sa aking braso at hinila ako papasok sa salamin.
"Bitiwan mo 'ko!" natatarantang sambit ko. At bago ko pa man maihawak sa kahit anong maaaring hawakan ang kamay ko ay tuluyan na ako nitong nahila papasok sa loob ng salamin.
"Amaaaaaaaaa!!!" sigaw ko na lamang.
Isang malakas na pwersa ang humigop sa katawan ko na tila nasa ibang dimensyon ako na paikot-ikot. Nakakahilo. Masakit sa ulo. Tila hinahati ang katawan ko sa iba't ibang direksyon. At tila babaliktad rin ang sikmura ko't mailalabas ko lahat ng kinain ko simula kahapon.
"Aaaaaaaaaaah!" Isang sigaw ko pa bago tuluyang magdilim ang paningin ko.
And that's it! Screw my curiosity and amazement for touching that mirror inside that painting... only to realize that it was the said forbidden room. That it will lead me to somewhere I am foreign, to somewhere I never knew about.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasíaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...