Forty-three - Tyro and His Visions

1 0 0
                                    


"Vi, gusto mong maglaro?" Tanong ng isang batang lalaki anim taong gulang pa lamang sa kapatid na dalawang taong gulang.

"Ahihihi." Hagikhik ng bata at gumapang papunta sa batang lalaki.

"Tara, doon tayo sa hardin." Aniya at binuhat ang kapatid.

Nang makarating sila sa hardin ay agad silang umakyat sa tree house na nasa itaas. Ibinaba niya ang kapatid sa lapag kasama ang mga laruan nito saka sila naglaro.

Makalipas ang ilang oras ay nagsimula nang umiyak ng malakas ang kapatid niya kaya inilapag niya ang laruan at nilapitan ito.

"Sssssh. Bakit, Vi?" Pag-amo niya rito. "May masakit ba sa'yo?" Tanong niya pero umiyak lang ito kaya mas lalo siyang nataranta.

"Vi, bakit? Ssssh. Nagugutom ka na ba?" Tanong niyang muli. Doon tumigil sa pag-iyak ang kapatid niya. Inosente siya nitong tiningnan gamit ang kulay brown nitong mga mata na may luha pa.

Agad namang tumayo ang batang lalaki sa bintana ng tree house nila upang tingnan kung dumating na ba ang kanilang ama pero wala pa rin ito. Kaya napagdesisyunan niyang siya na lang ang kukuha ng gatas ng kapatid o ng kung anumang pwedeng kainin nila.

"Vi, dito ka lang ha. 'Wag kang aalis, kukuha lang si Kuya ng pagkain mo." Aniya at tinapik ang pisngi ng kapatid. Isang hagikhik naman ang sinagot nito sa kanya at bumalik sa paglalaro.

Ang ibabang kalahati lang ng pinto ang kanyang sinara bago siya bumaba. Iniisip niya na baka hindi makahinga ang kapatid niya kapag buo niyang sinara ang pinto kahit may bintana pa naman.

Agad siyang bumaba at dumiretso sa kanilang kusina. Nagtimpla siya ng gatas sa botelya ng kapatid niya at naghanap ng pagkain pero wala. Kaya kumuha siya ng mataas na upuan at saka umakyat roon upang maghanap sa mga garapon na naroon sa itaas.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng yabag ng mga paa na parang nagmamadali. Tiyak siyang iyon ang kanila ama kaya nagmadali siyang bumaba sa upuan ngunit nagkamali siya ng tapak kaya nahulog siya.

"A-araaaaay." Daing niya at maluha-luhang sinapo ang kanang paa. Mukhang napilayan ito, pero hindi niya ito ininda kaya tumayo pa rin siya.

Nang makita niya ang ama ay hawak nito sa kaliwang braso ang kapatid na umiiyak, galit ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya. Paika-ika siyang naglakad papalapit.

"Amaㅡ" pagtawag niya ngunit hindi na niya ngunit pinutol agad siya ng ama.

"Hindi ba sabi ko sa'yo na huwag na huwag mong iiwan ang kapatid mo sa taas?" Galit na saad nito at hinawakan siya ng mahigpit sa braso gamit ang isa pang kamay.

"Nasasaktan po ako, Ama." Daing ng batang lalaki.

"Muntik na siyang mahulog! Kung hindi ako nakarating kaagad ay malamang na wala ka nang kapatid ngayon!" Bulyaw nito sa bata. Nadadala siya sa galit at pag-aalala. Pagod na siya at ito pa ang madaratnan niya.

"K-kumuha lang po ako nangㅡ" Hindi niya muling naituloy ang sasabihin ng  hilahin siya nito sa braso papunta sa isang silid.

"Hindi ka na talaga nagtanda!" Muling bulyaw nito sa kanya.

"Nasasaktan po ako." Daing niya at nagpupumiglas. Nakita naman niyang lalong umiyak ang kapatid niya. Natatakot na siya ngayon.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now