Twelve - Montgomery's Torment

2 1 0
                                    

I woke up feeling sore all over my body. Pinilit kong inulat ang mata ko kahit pakiramdam ko ay ayaw na nitong bumukas. Nakita ko ang sarili ko na nakasandal sa isang puno sa loob ng kakahuyan.

Ang huling naaalala ko ay ang paggapang ko paalis, ang isang malambing na boses at ang paghaplos sa pisngi ko ng isang malamig na bagay. Agad akong sinapo ang pisngi at muling inilibot ang paningin. Base sa lokasyon ng araw ay hapon na.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Tanging huni lang ng ibon at ang ihip ng hangin ang naririnig ko. Malamig na rin ang simoy ng hangin kaya napayakap ako bigla sa braso ko ngunit agad rin napabitaw ng makita ko ang ilang pasa at paso. Napabuntong hininga ako. Hindi ba nila ako hinahanap ngayon?

Isinandal kong muli ang sarili ko sa puno. Nauuhaw ako pero ayoko munang umalis rito, ayoko muna silang harapin ng ganito ang lagay ko... ayokong sila naman ang magsisihan. Mapait akong natawa, mukhang tama nga sila. Ako ang sisira sa mga miyembro ng Special Class, sa Elites.

I snapped my fingers and produced water on my hand saka ko ininom ito. "Pwe!" Nailuwa ko ang iba, hindi maganda ang lasa.

Ilang oras pa akong nagpahinga bago ako nagpasyang tumayo at maglakad lakad. Hinubad ko na rin ang suot kong coat at isinampay sa sa balikat ko dahil sira-sira na ang manggas nito, leaving me with my cream-colored long sleeves na sira na rin ang manggas. Intack pa naman ang suot kong semi-combat shoes tho butas butas na ang medyas ko at may punit na rin ang skirt ko. Mabuti na lang at may cycling akong suot. Pinakiramdaman at tiningnan ko ang sarili ko, masakit ang buong katawan ko, puro paso at pasa ang mga braso ko, may ilang gasgas sa pisngi at binti ko. All in all, I look like a mess.

Mukha akong sumabak sa digmaan at ako ang napuruhan. Malakas akong napatawa sa naiisip ko. "Hahahaha!" Kung may makakakita rito ngayon sa akin, iisipin nilang nababaliw na ako. Psh. It's been hell with me, baka nga nababaliw na ako. Napatigil lang ako sa pagtawa ng may sumitsit sa akin.

"Psst."

Napalingon ako sa paligid. Sino naman iyon?

"Psst."

Hindi ko na lamang sana ito papansinin at nagpatuloy na sa paglalakad habang nakaalalay sa puno nang magsunod-sunod na ito ng sitsit at medyo nakakairita na ito sa pandinig.

"Psst."

"Psst."

"Psst."

Humarap naman ako sa likod ko at nakitang may isang maliit na bagay na lumilipad sa harap mismo ng mukha ko. Tinitigan ko ito at saka ko lang napagtanto na isa itong Pixie. May maliit na pakpak na kulay gold, makulay ang damit nito na korteng talulot ng rosas na pinagtagpi-tagpi.

Nakatitig lamang ito sa akin na parang may sinasabi, maya-maya'y bigla itong lumayo at lumipad patungo kung saan. "S-sandali!" Paghabol ko rito kahit masakit ang katawan ko. Minsan, bilib rin ako sa sarili ko dahil nakuha ko pang gumalaw.

Dumaan siya sa maraming halaman at mga puno kaya sinundan ko naman siya. Hinihingal na ako katatakbo pero hindi pa rin siya tumitigil kahit anong tawag ko, lalo kong nararamdaman ang sakit ng katawan ko. "Argh. You, Pixie!"

Napapansin kong napapalayo na ako sa dati kong pwesto. Medyo madilim na rin rito dahil walang makadaan na sinag ng araw dahil sa kapal ng mga dahon.

"Psst."

Nilingon ko ulit kung saan nanggaling iyon. Nakita ko ulit ang Pixie na hinahabol ko. "Wait for me, you little creature!"

Mabilis na naman itong tumakbo o lumipad kaya sumunod ulit ako. Hindi ko alam kung bakit sunod ako ng sunod pero patuloy pa rin ako hanggang sa napadaan ako sa malamig na bagay, nilingon ko pa iyon at mukhang barrier ito.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now