Twenty-one - Third floor with Priam

7 0 0
                                        


I woke up groggy and feeling drained. I'm not in the mood to anything. Inilibot ko ang paningin ko. Kumikinang ang paligid sa sobrang linis. The colors of the room are gold, maroon, cream, moss green and somehow woody. Pinaghalong modern and vintage rin ang paligid. The room screams regal from its antique vases and candle holders, paintings, chandelier, and such. Hindi naman mahilig sa antique e 'no?

Inalala ko naman ang nangyari kahapon. Nababuntong-hininga na lamang ako nang maalala ko ito. I burst out all my frustrations on them. And now I feel guilty especially from what I did to Clydeus. Hindi ko sinasadya. Pero hanggang kailan ko ba ipipilit na hindi ko sinasadya ang lahat gayong alam ko sa sarili ko na may parteng ginusto ko ang mga ginawa ko simula't sapul na pumasok ako sa akademya?

Ginulo ko na lang ang buhok ko dahil sa inis. Napasinghot ako ng may maamoy akong pamilyar na amoy. Lavender at mint. Napabangon ako bigla.

"You're awake." Napalingon ako kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Napatakip ako ng mukha. It's Priam.

Kalmado lang siyang nakaupo sa isang single seater couch na kulay maroon habang hawak ang isang libro at nagtsa-tsaa, hindi katulad ng puso ko na mabilis ang tibok ngunit banayad sa pakiramdam. He's sitting there with his usual look, white long sleeves and black pants. Kumikinang rin ang hikaw niya kaliwang tainga. Feeling ko tuloy, hindi siya nagbibihis.

"Where... am I?" Tanong ko rito habang sinisilip siya sa pagitan ng mga daliri ko.

"In my room." Isinara niya ang hawak niyang libro at diretsong tumingin sa akin. How I missed those eyes. I sighed. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. "How are you feeling?" Dagdag pa nito.

Sumandal naman ako sa headboard ng kama niya. I feel comfortable in his bed. "I'm..." I sighed. "I don't know. I feel drained. I feel like I don't want to do anything."

"I see." Tanging sagot lamang nito. At nanahimik ang paligid.

I stared at my hands. Napansin kong iba na ang suot ko. A long sleeved white dress. Tatanungin ko na sana siya kung sinong nagpalit sa'kin nang siya na mismo ang sumagot. "Lola Nena did it. I don't want my bed to stink."

A-anong sabi niya? Stink? Napaisip naman ako. Kahapon... yeah. I'll stink kung hindi nga naman ako magbibihis. Pinaghalong pawis at luha ang nasa damit ko.

"I was... justㅡ just making you laugh. Guess I failed." Saad nito at tumikhim pa't nag-iwas ng tingin at namula pa ang tainga niya. Napansin siguro niyang ang awkward noong sinabi niya.

Me? Laugh? "Hahahahahaha. You'reㅡhahaha!" Napatawa ako ng malakas na parang gusto ko nang gumulong sa kama nang maintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

"What?"

"Nothing. Pero kasiㅡhahaha! I never thought that you have that side, Priam." Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Tumikhim naman ako, nagtakip ng bibig para magpigil ng tawa.

Hindi ito ito sumagot sa akin at nanahimik na lamang habang uminom ng tsaa niya. Pakiramdam ko'y nauhaw rin ako. Iniikot ko ang paningin ko. Nakakita ako ng baso at lalagyan ng tubig pero walang laman. I snapped my fingers pero wala. I really think I drained myself. Napakamot ako sa ulo ko.

Nauuhaw na talaga ako. Bumaba ako nang higaan niya at pumunta ako sa kanya. Kinuha ko iyong baso niya na may tsaa at saka ininom. Napaso pa ako noong una pero uhaw ako, kaya binalewala ko.

"You..." Napatingin ako sa kanya matapos kong punasan ng kamay ko ang bibig ko. Parang nagtataka pa siya. "...look silly." Pagpapatuloy nito.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now