Forty-one - Glimpse and Taming What's Inside

1 0 0
                                        

Madilim ang paligid.

Mausok.

"You think you can escape me?" Tanong ng isang babaeng may matutulis na kuko at itim na mga mata. Ang mukha niya ay nababalot ng kulay itim na parang tinta at gumagalaw ito. Nakasuot siya ng isang revealing armor na nababalot ng dugo at may kakaibang ngisi sa kanyang labing kulay itim.

"I don't want to hurt you... please." Pakiusap ng isang babaeng may bahid ng napakaraming dugo ang puting damit. May hawak itong espada sa magkabilang kamay na nababalot na rin ng dugo.

Nagsisigawan ang mga tao.

May umiiyak.

Mga boses na puno ng hinagpis.

"Hindi! Ang mga bata!"

"Nakapasok na mga Hunters sa barrier."

"Ibalik n'yo sa akin ang anak ko!"

"Wala na po ang punong ministro."

"Wala na rin po ang Hari ng Aurswalt."

"Nasaan ang prinsesa?"

"Patawad po. Pero kasama siyang nagsimula ng nangyayaring ito."

"Mga kawal!"

"Napasok na po ng mga Hunters ang palasyo."

"Protektahan ang prinsipe!"

"Wala na po ang prinsipe. Pinatay po siya ng prinsesa."

"Hindi maaari..."

May mga daing na parang nasasaktan.

May mga tunog ng armas na tila nagbabanggaan.

"Lipunin ang lahat na naririto."

"Wala kayong ititirang buhay!"

"Tayo naman ang maghahari!"

Iba't ibang salita mula sa iba't ibang katauhan na parang sumasambit ng isang spell.

Ilang pagsabog pa ang umalingawngaw bago napunta muli ang eksena sa isang babae...

Ang babaeng may mahaba't pulang pula ang buhok at mga mata. Ang puting kasuotan nito ay punong-puno ng dugo.

Ang magkabila niyang kamay ay may hawak na espada't may dugo rin. Ang maamong mukha nito ay may bahid rin ng dugo.

Nakatayo ito sa gitna ng mga nakahigang mga katawan na nababalot ng dugo. Mapapansin mo na ang mga mata nito'y lumuluha. Nababakas rito ang iba't ibang emosyon. Galit. Pighati. Lungkot. Sakit at iba pa.

"P-pagbabayaran mo ang l-lahat ng ginawa n-ninyo sa akin... itinuring kitang p-pamilya. B-babalik a-ako... a-at sa p-pagbalik ko, uubusin k-kong m-muli kayo at isa-sam-aaaahㅡ ko kayo sa ilalim n-ng lupㅡaaaah." Paputol-putol na saad ng babaeng ngayo'y nakaluhod na sa lupa habang sapo ang dibdib na may umaagos na dugo. Balot ng sugat at saksak ang katawan, sira-sira na ang armor na suot.

Lumapit sa kaniya ang babaeng may pulang buhok at mga mata at niyakap siya. Alam nito ang gagawin ng matalik na kaibigan. Nakita niya ito sa panaginip niya. Hindi na nagpumiglas ang isa dahil patuloy lang ito sa pag-ubo ng dugo at pagbulong habang nababalot ito ng itim na liwanag.

"N-no! I'm sorry... please. No, don't do this. You still have me. I-I'll come with you." Pakiusap niya at mahigpit na niyakap muli ang babae. Pareho silang umiiyak pero sa magkaibang dahilan.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now