My first day at the academy wasn't bad at all. But the whole day, ang kasama ko ay si Samara. Wala pa naman raw klase kaya inilibot niya ako para maging pamilyar ako sa academy. Tho, iniisip ko rin naman kasi talagang huwag pumasok at maglibot na lang. After all, hindi ko alam ang schedule ko. Wala rin naman sina Clydeus at hindi ko na nakita pa simula nung sumunod kay Priam.
Nang dumating ang tanghali, kumain kami sa isang kainan. Malapit ito sa dorm ng mga gifteds. Bawat dorm raw rito ay may malapit na kainan provided by the academy para kapag ayaw ng ilan na kumain sa Mess Hall, dito na pupunta. Tho mas mahal lang daw rito ang pagkain. Saka malayo rin kasi sa main building ang mga dorm. Kaya paano naman kung dito ka nakatira tapos gutom na gutom ka na, maglalakad ka pa ng matagal makarating lang sa Mess Hall. At ayoko ng ganun. Buti na lang at hindi ako rito namamalagi, umuuwi pa rin ako. Wala sa isip ko ang mamalagi rito kahit pa masarap ang pagkain. Mamimiss ko ang luto ni Lola Nena.
Pumunta rin kami sa isang malawak na field. Doon raw dinaraos ang Foundation Festival o mas kilala bilang Winter Festival. Masarap at presko ang hangin dahil sa mga puno ngunit walang mga bench. Dinadala ako ni Samara sa pinakamalaking puno na naroon sa field. Doon raw siya tumatambay kapag gusto niyang mag-isip o kaya naman ay magpahangin lang. Tho madalang siyang naroon dahil masyado siyang busy sa pag-aaral kaya sabi niya, ako na lang ang gumamit sa puno.
Kaya he'to ako ngayong pangalawang araw ko sa Academy, nakaupo sa isang sanga ng pinakamalaking puno dito sa field. Wala akong planong pumasok sa klase ko dahil hindi ko alam kung saan 'yon. Sinabihan naman ako ni Samara kahapon na pumunta sa Headmaster's Office o kaya naman ay sa Faculty Office para sa schedule ko pero tinatamad ako.
Minsan iniisip ko kung bakit pa ako pumayag na pumasok rito. Pero agad ko namang maaalala ang dahilanㅡ iyon ay para makabalik sa amin. Nagbabaka sakali ako na may makukuha akong mga sagot rito.
Ngayon, iniisip kong muli kung kumusta na sina Ama. Mag-iisang buwan na ako rito sa Orindale, kung ganon, halos dalawang buwan na akong wala sa Aurswalt. Hindi ko maiwasang itanong kung... hinahanap kaya nila ako? Nag-aalala ba sila sa akin? Kumusta na si Ama? Ang dalawang prutas? Si Martha? Ang mga guwardiya na pinahihirapan kong hanapin ako sa tuwing tatakas ako? Kumusta na silang lahat?
"A penny for your thoughts?"
Napatingin ako sa ibaba kung saan ko narinig ang nagsalita. Diretso ko namang tiningnan ang mga mata niyang kulay abo, dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko at mahigit na naman ang hininga ko. Bakit ba ganito lagi ang nararamdaman ko kapag nakikita ko 'to?
Kinalma ko ang sarili ko bago magsalita. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot, inalis niya sa bulsa ang mga kamay niya at ilang saglit pa ay nakita ko na siyang nakatayo sa sangang kinauupuan ko ilang metro ang kayo sa akin saka naupo.
"Why?" Tipid na tanong niya nang makita niya akong nakatitig sa kanya. Ni hindi ko man lang kasi siya naramdaman, parang kumurap lang ako e nasa tabi ko na siya bigla.
"Paano mo nagawa 'yon?" Manghang tanong ko. Gusto kong matutunan iyon. Magandang kakayahan 'yon lalo na sa tulad kong mahilig tumakas at pumunta kung saan.
Hindi niya sinagot 'yung tanong ko at nagkibit balikat lang. Tiningnan ko siya ng masama. "Ang damot mo." Saad ko. Hindi naman niya ako pinansin. Nakatutok lang siya sa harapan namin na parang may iniisip. Amoy na amoy ko siya rito sa pwesto ko dahilan para mapakapit ako sa sanga na inuupuan namin. Pigilan niyo 'ko, baka mamaya maubos ko ang amoy niya.
Tinatangay naman ng hangin ay buhok niya at bahagaya pang kumikinang kasabay ng pagkinang ng diyamante niyang hikaw sa kaliwang tainga.
Ilang minuto rin kaming tahimik. Hindi ko naman siya kinulit kahit pa gusto kong malaman kung paano niya ginawa ang 'yung ginawa niya kanina. Isa pa, hindi kami close. At hindi ako 'yung tipo na unang kakausap sa kaharap kahit pa may gustong sabihn.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...