Fifteen - Out of Trance, Mid-transition State

3 1 0
                                        


"Sigurado po ba kayong kailangan kong tumira sa dorm ng eskwelahan?" Tanong ko kay Lola Nena.

"Kailangan, Hija. Naroon ka na rin naman noong nakaraang ilang linggo. Ayaw mo ba doon?" Aniya. Linggo ng hapon ngayon at kailangan ko nang bumalik sa Academy. Kung ako ang masusunod, mas gusto ko rito. Hindi ko alam pero nang magising ako matapos ang lahat ng nangyari... haaaay. Ayoko munang mag-isip.

"Pero ayoko po roon. Mas gusto ko po dito. Kaya ko naman mag-uwian araw-araw." Pagdadahilan ko pa. Hindi ko pa nga masyadong nalalalaman ang ilang bagay bagay lalo na sa kung anong meron sa ikatlong palapag e. Iyong Priam kasing iyon, palagi na lamang nakaabang.

Nakaakyat na muli ako roon kahapon. Makikita ko na sana ang ilang mga silid, bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla itong dumating. Naaalala ko pa kung anong nangyari noong oras na iyon...


"What are you doing here?" Nangilabot ako nang marinig ko boses niya. May kaunting pagbabanta na parang gusto akong paaminin.

"A-ah...wala! N-naligaw lang ako rito. Tama. Naligaw lang ako." Nagsimula na akong lumakad papaalis. Hindi ako makatingin sa kaniya. "Ah! A-alis na 'ko. Hinahanap na ako ni Lola." Saka ako tumakbo papaalis at hindi na lumingon pa. Ramdam ko pa rin ang titig niya. Mahirap na. Baka isang taon na akong makatulog nito kung magkataon.


"Victoria, Hija." Lumapit ito sa inuupuan ko at marahang hinawakan ang pisngi ko. "Para sa iyo rin ito. Matutulungan ng eskwelahan. Lalo na sa pagkontrol ng kakayahan mo." Siya ang unang sinabihan ko ng kaya kong gawin kahit hindi ko alam kung tatanggapin niya ako. After all, I'm a freak. Walang sinuman ang kahit sa mga kauna-unahang kauri namin ang kayang gumamit ng pinagsamang elemento at attributes, pati na rin ang pag-cast ng spell. But she did, tinanggap niya ako at natuwa pa sa akin. "Malalaman mo roon lahat ng tanong sa isipan mo. Lahat ng gusto mong malaman. Mahirap pero maraming paraan."

"Bakit hindi na lang po ikaw ang magsabi? Mas madali po iyon, 'di ba?" Pamimilit ko pa. Ang totoo, ayokong makulong roon. Ang daming nakamasid sa mga kilos ko, at hindi na ako makatakas. Isa pa, natatakot akong mag-isa roon. Naaalala ko lahat, pati ang babaeng may pulang buhok at mata. Lahat ng ginawa niya sa akin, ipinakita at ipinaramdam. Pakiramdam ko, anumang oras ay darating siya upang hingin ang kapalit ng pagbalik niya sa akin.

Natawa naman si Lola Nena. "Victoria... hindi ko alam na ganito ka pala kapilit."

Napanguso naman ako. Ayoko ko kasi talagang tumira doon. Hindi ako kumportable. Mas maraming patakaran na kailangan sundin kaysa noong unang buwan ko. Pakiramdam ko nakakulong ako. O baka dahil lang sumobra ako sa kalokohan ko kaya ganoon na lamang ang paghihigpit?

Maaari. Ikaw ba naman na gawin ang mga bawal, hindi ka paghigpitan. Ikaw ba namang masangkot sa isang insidente sa Forbidden Forest e pabayaang pumalabuy-laboy muli sa Academy? Tss.

"May kinakatakot ka ba, Hija?" Biglang tanong ni Lola.

Natigilan ako at pansamantalang nag-isip bago sumagot. "Hmm... wala naman po."

Matapos magpaalam kay Lola Nena, kasama ang ilang mga bilin sa mga dapat at hindi ko dapat gawin ay tumungo na kami ni Kuya Jun sa Academy.

Simula ng nangyari sa akin ilang linggo na ang nakakaraan mula magising ako sa halos isang buwang pakakatulog, mas naging maalaga sila sa akin. Pakiramdam ko ay nakakulong ako, maraming bawal at hindi pwede na siya namang nagpairita sa akin ng husto.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now