Minsan, gusto kong sisihin ang bibig kong makasalanan dahil sa panghahamon ko kay Seth. Inaasahan ko naman tototohanin niya ang mga sinabi niya. But not to extent na as in siya pala ang magpaparusa sa akin o sa kanya manggagaling ang parusa. Akala ko naman kasi e dadalhin ako sa Prefect of Discipline o mas kilala bilang PoD.
Noong una, relax lang ako. Nag-iisip kasi ako ng gagawin. Palagi naman kasi kaming walang ginagawa o walang klase kasi palaging wala ang adviser naming si Miss Ruth o ang iba pang tagapagturo. Nagdadalang-tao kasi si Miss Ruth at maselan raw ang pagdadalang-tao nito kaya palaging wala. 'Yung iba, hindi ko matandaan kung bakit wala kasi nga nag-iisip ako. Ilang araw ang lumipas na behave lang ako. Kaya hindi sila namomroblema sa akin. Papasok sa umaga, sasama sa kanila sa kahit saan pumunta, uuwi ng bahay sa hapon. Masyado nang nakakainip.
Isang beses, nakahanap ako ng tyempo. Wala si Seth, wala si Ivo. Sayang saya naman ako kaya nang malaman ko iyon e umalis ako ng Room saka pumunta ng field para tumambay sa puno kung saan ako dinala ni Samara. Lumipas naman ang maghapon, wala akong natanggap na parusa.
And speaking of Samara, hindi ko na siya ulit nakita noong mga panahong iyon. Sabi nila, ang gifteds ang pinakamaraming kailangan pag-aralan since ang ilan sa kanila ay hindi pa alam ang attributes o kaya naman ay hindi nila alam kung paano gamitin. At 'di hamak na mas mabilis silang mawalan ng enerhiya kapag gumagamit sila nito kaya kailangan nila ng masusing pagsasanay at pag-aaral.
Ilang araw pang muli ang lumipas at ganoon palagi ang routine ko, kapag wala si Seth o si Ivo, aalis ako papunta sa kung saan sa loob ng academy. Nag-iingat naman ako lalo na kung may mga guards na lumilibot dahil idederetso nila ako sa Detention Cell. Sinusuhulan ko rin si Clydeus ng pagkain na pabaon sa akin ni Lola para hindi niya ako isumbong. Kapag si Seth lang ang wala, kasama ko si Ivo sa pagtambay kung saan kapag may bakante siyang oras. Minsan sinasama rin namin si Clydeus. Natapos ang isang linggo na ganoon ang gawa ko, namin.
Ikalawang linggo ko sa academy, medyo ayos naman. May pumapasok ng tagapagturo kaya hindi muna ako umaalis. Good girl muna ako. Pero kalagitnaan ng linggong iyon, inip na inip na ako agad at hindi na mapirmi. Napag-aralan ko na rin kasi sa amin sa Aurswalt ang tinuturo nila. Kaya ko na rin namang kontrolin ang kakayahan ko ngunit hindi ang pinarurok nito. Mahirap, at saka hindi sa akin itinuturo ni Ama. Marunong naman ako ng simpleng pagdepensa sa sarili. Nagpaalam naman ako sa tagapagturo para lumabas at pumunta ng banyo. At hindi na ako bumalik, na sana hindi ko na lang ginawa kasi simula pala dun, makakatanggap na ako ng parusa na babago sa ilang pananaw ko... at maging sa buhay ko.
Unang mabigat-bigat na parusa ko, nakatayo akong binilad ako sa araw ng tanghaling tapat, sa gitna ng field. Bakit? Umalis ako ng Room at isinama ko si Coco habang tulog si Calvin para naglaro kami ng Frisbee sa field. Galit na galit sa akin si Calvin, at muntik pa niya akong gawing yelo. Napigilan lang siya ng iba. Note to self: Huwag gagalitin si Calvin at huwag pakikialaman si Coco.
Pakiramdam ko nang mga oras na naroon ako sa field, sinusunog ako. At bawat parusa, hindi ako hinahayaang gumamit ng kakayahan ko. Hindi na lang ako nagreklamo. Kasalanan ko, kaya dapat tanggapin ko. Hindi ako 'yung tipo na tumatakas o tumatakbo sa kasalanan ko... minsan lang hindi.
Pangalawang mabigat-bigat na parusa na natanggap ko, dinala ako ni Seth sa Detention Room or Cell. Bakit? Kasi inaaway ako ng ilang Seniors sa Gifteds, ang kapal raw kasi ng mukha ko, papansin at iba pa. Hindi ko sana papatulan pero hinablot ng isa sa kanila ang mahaba kong buhok at pinagtulungan nila ako. Ang ending, pinatawag kaming lahat ng PoD dahil siya mismo ay nadamay sa gulo, pinatawag rin ang Head o Leader ng bawat klase namin. Doon ko nalaman na Head pala ng Special Class si Seth. Akala ko kasi si Priam na missing in action palagi. Dahilan na rin siguro iyon para hindi siya gawing head. Hahaha. Anyways, kapag may tagapagturo naman, nandiyan si Priam. Buti nga hindi niya ako sinusumbong kina Lola Nena dahil sa pinaggagagawa ko. Subukan niya lang. Subukan niya lang talaga kundi... wala naman, subukan niya nga lang.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasíaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
