Forty-eight - Wounded and Healing

2 0 0
                                    


"A-anong nangyari?" Halos pabulong kong tanong kina Seth at Ivo.

Seeing Xavier lying pale and sweating on the couch with a gushing blood on his wounded on side. His uniform was toned and tattered, and has burns as well as bruises. His glow that I used to admire whenever he is, was nowhere there.

"Lord Lincolnshire... narito na po ang punong manggagamot." Narinig kong sambit ng isa sa kasama nina Klio kanina kay Seth.

Nakita ko namang pumasok ang isang lalaking may katandaan na may suot pang lab gown at isang briefcase na kulay brown. Agad itong pumunta kay Xavier at hinawi sina Ivo na hindi mapakali sa kinatatayuan nito.

Lalapit sana ako ng may humawak sa braso ko at iniupo ako malapit sa kinalalagyan ni Xavier. Nilingon ko naman ito at nakitang si Priam ito. Pansin kong may ilang sugat siya lalo na sa balikat pero hindi ko iyon pinansin. Tiningnan ko lang ang ginagawa ng manggagamot kay Xavier. Mula sa dala nitong briefcase ay ang ilang botelya ng gamot, potion, may syringe, mga halamang gamot at kung ano-ano pa.

Inabot ng isang oras ang paggagamot kay Xavier na ngayo'y binabalutan na lamang ng benda ang sugat nito sa tagiliran. Nakatamo siya ng malalim na sugat mula sa isang matulis na bagay ngunit hindi nila alam kung ano ito. Wala namang lason rito na ikinahinga namin ng maluwag ngunit sadyang malalim talaga ang sugat na palaisipan pa rin sa amin kung saan nakuha. Marami ring inilagay sa kanyang gamot at kung ano-ano pa na hindi ko na masundan dahil nakatingin lamang ako sa mukha ni Xavier na kitang kita kung paano bumalatay ang sakit kahit wala itong malay.

"Magiging maayos rin ang lagay ni Lord Quince. Kailangan lamang niyang magpahinga ng ilang linggo dahil sa lalim ng sugat na natamo niya. Hindi muna siya maaaring gumawa ng anumang nakakapagod o mabibigat na gawain na maaaring magpabukas ng sugat niya." Wika ng punong manggagamot. Matapos nito ay inayos na niya ang gamit niya at nagpaalam.

Tumayo naman si Seth upang ihatid sa labas ang punong mangagamot. Naiwan si ako, si Ivo na nakaupo sa isa pang couch na napahilamos na lang ng palad sa mukha dahil sa pag-aalala at si Priam na nakatayo sa may bintana at malalim ang iniisip. Wala pa rin sina Calvin at Clydeus dito.

Agad akong lumapit at umupo sa carpeted floor sa baba ng kinalalagyan ni Xavier. Mariin ko siyang pinagmasdan. Unti-unti nang naghihilom ang ilang sugat at paso niya sa katawan pero hindi ang sugat niya sa tagiliran. Agad kong hinawakan ang kamay niya... ang napakakinis na kamay niya.

This guy never fails to make my heart flutter every time I see him. His aura radiates a glow and it always feels like it raining rose petals whenever he moves or he smiles. This guy who silently take cares of everyone in his own simple ways. This guy who protect not just me but the whole Elites. But this guy lying on this couch was never like that anymore. He's pale, breathing rugged and sweating beads.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang namumuong pawis rin dito. "Xavy, my knight..." Bulong ko. Hoping that he would wake up and smile and greet me like he always do but there was none.

Ilang minuto pa ang lumipas nang magsimula na akong magtanong nang hindi ko inaalis ang tingin ko kay Xavier. "Anong nangyari, Ivo?" Tanong ko. Pero hindi siya umimik. "Tell me." I demanded in stern voice and face him on my left side.

"We dont know, Victoria. Paalis na ako, malapit na ako sa labas ng gubat para hanapin ang iba dahil mukhang wala nang Hunters sa paligid... na bigla na lang silang nawala nang makita ko si Xavier." Sagot ni Ivo na muling napahilamos ng palad sa mukha at ginulo pa ang buhok. Nakita ko rin ang ilang gasgas niya sa braso pero hindi ko pinagtuunan ng pansin. "Nakasandal siya sa puno at hawak ang duguang tagiliran niya. Nang lapitan ko siya at alalayan ay nawalan na siya ng malay. Doon ko tinawag si Seth upang dalhin siya rito sa dorm." Dagdag pa niya.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now