Twenty - Sudden Outburst, Her Tears

3 1 0
                                    

May mga araw talaga na hindi umaayon sa gusto natin ang lahat. Kung ano pa 'yung iniiwasan mo, iyon pa ang sumusunod sa'yo. Hahabulin ka nito hanggang sa wala ka nang kawala.

"B-bakit raw?" Kinakabahang tanong ko sa sinaabi ni Seth. Alam na ba niya agad ang ginawa ko? Pero kung alam niya ay kanina pa niya ako ginalitan o baka naisako niya na ako.

"Ate Tori~ may ginawa ka na naman ba?" Inosenteng tanong sa akin ni Clydeus. Ikaw talagang bata ka!

"Waㅡwala! Wala akong ginawa." Sagot ko at tumingin kung saan. Pinagtaasan na nila ako ng kilay dahil hindi nga naman convincing ang sinabi ko o talagang may pakiramdam na sila na may ginawa ako. Seth crossed his arms habang nakataas ang kilay at nakatingin sa akin nang 'umamin-ka-na-look'.

Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kaniya at napadako naman ang tingin ko kay Ivo, he shrugged at tinawanan lang ako. Sa sandaling iyon, nakumpirma kong alam niyang may ginawa nga ako pero hindi pa nila alam kung ano iyon. Mamaya ka sa akin, Primitivo!

I've heard a chuckle kaya napunta naman ang tingin ko kay Xavier na nasa tabi na ni Clydeus na hindi magkandaugaga sa pag-nguya. Lumingon ito sa akin. "Yes, Milady?" And he slyly smiled suppressing his laugh. Hindi mo ako ngayon madadaan sa charm mo!

Pasimple kong siniko si Calvin sa tabi ko, nagbabakasakali na may maitulong siya. Tutal tinulungan niya naman ako dati, hindi niya na lubusin. "Cal." Pabulong kong tawag. Hindi naman ako nito pinansin. Letchugas kayo!

"Victoria." May pagbabanta ang tono ni Seth.

"It... it was a pure accidentㅡs?" Pagpapaliwanag ko kung iyon man ang tawag don. Doon na tumawa ng tumawa ang iba. Mga letchugas! May araw rin kayo sa akin!

"Accidents? Ano na namang ginawa mo?" Mas lalong napakunot ang noo nito sa akin. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito. Kita ko rin ang paglabas ng litid nito sa leeg, tanda na nagpipigil ito ng galit. Siguradong mamaya, sasabog na naman ito.

Napabuntong hininga ako. Pasasaan ba ay malalaman rin naman ng nga 'to ang ginawa ko. Partly, nagsisisi ako kasi magagalitan na naman ako pero kapag naiisip ko ang mga salitang sinabi nila... namumuo ang galit ko sa dibdib. At kapag hindi ako nagsalita tungkol doon, baka may gawin pa akong mas malala.

Sino ba sila? Kilala ba nila ako? Ang pamilya ko? May ginawa ba akong masama sa kanila? I could've just ignored it pero bakit nila kailangang idamay ang Ina ko? Ni hindi ko man lang ito nakilala. Masakit para sa akin ang sinabi nila, lalo na at ni wala man lang akong ideya kung ano nga ba ang ina ko.

"You did that?" Gulat na tanong sa akin ni Seth. I ended up telling them, lahat ng sinabi at ginawa ng lider ng espasol na si Tracey at mga alipores niyo dahil hindi rin naman niya ako titigilan. And I didn't regret any of those. Serves them right.

Umayos ako ng upo at umiwas ng tingin. "Hindi ko sinadya na takutin sila. Mabait pa ako dahil hindi ko naman sila sinaktan ng pisikal." Sagot ko. Kabilin-bilinan ng lolaㅡ este ni Ama ay huwag akong mananakit kahit anong mangyari. At dahil mabait ako, sinusunod ko 'yon. Tinakot ko lang naman ng kaunti e.

"Kilala mo ba si Tracey, ha? Isa siyang Schumacher! Alam mo ba kung saang larangan sila kilala? Malamang hindi. Kumikilos ka na naman ng hindi inaalam kung ano o sino ba ang binabangga mo." Sagot nito sa sarili niyang tanong. May instances na ganito si Seth kapag galit siya. Tanong niya, sagot niya. "Nandoon na tayo pero sana hinayaan mo na lang." May pag-aalala ang boses ni Seth. Pero bakit pakiramdam ko, sinisisi pa niya ako?

"Seth's right, Victoria." Pagsang-ayon pa ni Ivo. Knowing Ivo, he loves peace kahit minsan e pasimuno siya ng gulo lalo na kapag silang dalawa ni Clydeus ang magkasama. "Baka lumala lang ang gulo. May ugali ang isang 'yon na ayaw natatalo."

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now