"Kumusta ang pinagagawa ko?" Tanong ng lalaking nakaharap sa bintana ng opisina niya na tanaw ang buong eskwelahan.
Yumuko bilang pagbibigay galang ang kaharap. "Naipabatid na po namin sa buong Academy na isa lamang iyong maliit na pangyayari at wala silang dapat ikatakot. At ang sinumang mag-usap usap ng tungkol rito o ang ipagbigay sa alam ito sa iba ay makakatanggap ng matinding parusa."
"At tungkol sa kinalalagyan ng Forbidden Forest?"
"Naipabatid na rin po namin ang kaparusahan sa sinumang magtangka na pumunta roon hangga't hindi pa bumabalik sa ayos ang barrier rito. At ipinagbigay alam namin na utos ito ng batang Nughtwood."
"Mahusay. Wala naman sigurong magtatangkang sumuway, hindi ba? Ay pagsuway at tanda ng pagkalaban sa angkan ng Nightwood." Naupo ang lalaki sa kanyang upuan. "Makakaalis ka na. Ipagpatuloy lang ninyo ang mahigpit na pagbabantay."
"Masusunod, Headmaster."
Napabuntung-hininga na lamang ulit ang lalaking nakaupo sa silya niya. Paunti-unti nang nauulit muli ang lahat ng nangyari noon. At mukhang masasaksihan ko na ito. Isip-isip pa niya.
"May iba ka pa bang ipagbibilin?" Tanong ng Headmaster sa taong nakaupo sa silya sa harap niya. Tiningnan lamang siya ng abong mga mata nito at saka biglang nawala.
Ini-ikot niya ang kanyang kinauupuan at muling humarap sa bintana. Gagawin ko ang lahat, maiayos lamang ito. Poprotektahan kita, gaya nang ipinangako ko sa iyong magulang. Dagdag pa nito sa kanyang isip.
***
"Kumusta po ang lagay niya? Makakabalik pa siya, 'di ba?"
Tumigil sa pagsusuri ang punong manggagamot. "Mukhang maayos na ang lagay ng katawan niya. Unti-unti na ring naghihilom ang mga sugat na natamo niya."
"Makakabalik pa ba siya?" Tanong ulit ng isa matapos niyang hindi sagutin noong una. Hindi naman agad nakasagot ang punong manggagamot at tiningnan ang sinusuri. Makakabalik pa nga ba ito? Iyon ang hindi niya masasagot.
"Gaya ng una kong sunabi, iyon ay kung nanaisin niya." Makahulugang sagot niya. "Mauna na ako sa inyo." At lumabas na ito't naiwan naman ang mga nasa silid.
Walang umiimik. Kanya-kanya sila ng iniisp. Hindi ito ang unang beses na narinig nila ito ngunit hindi pa rin sila makapaniwala, at ayaw nilang tanggapin na wala silang magagawa rito. Kanya-kanya sila ng tingin sa dalagang lampas dalawang linggo nang nakaratay sa higaan nito sa sariling silid sa dormitoryo nila.
Mapapansin pa rin ang pamumutla ng balat nitong maputi. Ang ibang galos nito sa katawan at mga pasa ay kaunting bakas na lang ang naiwan. Kahit ang punong manggagamot ay walang magawa sa kalagayan niya. Walang spell o potion ang may kakayahang ibalik ang dalaga. Tanging pagpapagaling lang sa katawan niya ang kaya nilang gawin. Maraming tanong ang nasa isipan nila. Saan niya ito nakuha? Anong nangyari sa kanya? Sino ang may kagagawan nito? Sila ba, o iba? Paano siya nakapasok sa gitna ng gubat? Mga tanong na walang ibang makakasagot kundi ang dalaga.
***
"Señorito... narito ka pala. May kailangan ka ba?" Tanong ni Lola Nena sa alaga niyang kadarating pa lamang sa kusina. "Siya nga pala, hindi pa rin ba uuwi si Victoria? Ilang linggo na. Ano bang proyekto ang ginagawa ninyo?"
"Lola..." Hindi niya alam kung tamang malaman pa nito ang nangyayari ngunit alam niyang kahit papaano'y karapatan niya ito dahil nag-aalala rin ito sa bagong inaalagaan. Ito ang unang beses na nahihirapan siyang ipaalam ang nais niya.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasiInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
