Fifty-one - Mistaken Impression

3 0 0
                                    


"Hoy! Tumayo ka nga dyan, tanghali na. Sino bang nagsabi sa'yong humiga ka sa kama ko? Marurumihan 'yan!" Wika ng isang maingay na boses mula sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin at nagpagulong-gulong lang ako sa kama niya habang binabalot ko ang sarili ko na parang lumpia.

"Umuwi ka nga sa inyo! Ako pa nakuha mong abalahin." Muli niyang saad at saka ako sinipa sa may likuran dahilan upang mahulog ako sa kama niya't mapunta sa sahig.

"Aaaaahㅡ" Daing ko kahit hindi naman masakit at saka siya sinamaan ng tingin. "Hoy, Witch! Masakit ha. Ang aga-aga, napakaingay mo. Talo mo pa ang alarm clock." Relamo ko pa.

"Oh c'mon, Bitch! Anong feeling mo, kwarto mo 'to? Bahay mo 'to? Ni hindi ko nga alam kung bakit ka nandito e." Ani niya at saka ako inirapan habang nakatayo at nakahalukipkip.

"Tch. Dami pang arte. E dinala mo naman ako dito." Pasaring ko at saka siya nginisihan na mas lalo niyang ikinayamot. Padabog siyang umupo sa kanyang magarang silyang kulay lila. Nakade-kuwartrong umupo rito habang nakahalukipkip pa rin at nakataas ang isang kilay na nagmamataray na naman.

"Seriously, Bitch. You've been here for four days already and you're such a pain in the ass. Why don't just go back to the Academy and be the trouble itself there. Not here in my gorgeous mansion." Seryoso niyang saad na may himig pa rin ng pagkasarkastiko. Napanguso na lang ako. Kung nakinig naman ako sa sinabi niya noon, e di wala ako rito. At kung may pupuntahan naman akong iba, wala rin ako rito ngayon.

"Anong inginunguso mo dyan? Bitch, you're a bitch not a duck." Aniya at inirapan na naman ako. Mahanginan ka sana sa kakairap mo. Letchugas!

"Witch, you're a witch not the founder of eyeroll committee." Sagot ko sa kanya at saka muling ngumisi. Kumunot muli ang makinis niyang noo dahil sa narinig.

"How many times do I have to tell you not to call me Witch! I'm a gorgeous Charmer!" Wika niya na konti na lang ay sasabog na sa inis. Hindi ko siya pinansin at tumayo na lang kahit pa balot na balot ako ng comforter niya na kulay lila rin. Hindi naman siya mahilig sa violet 'no? Dapat ang pangalan nito ay Violet e. Tss. Itinapon ko muli ang sarili ko sa kama niya at sumubsob sa unan niya.

"Hmmm." Pag-ugong ko. Buti na lang mabango ang kama niya. Kung hindi, ihahagis ko ito palabas ng kwarto niya. Naramdaman ko namang may humawak sa isa kong paa at hinila ako nito paalis kaya pilit kong inilabas ang isang kamay ko upang ihawak ito sa headboard ng kama niya.

"Get off my bed, Bitch! You stink. Bumalik ka na sa inyo at doon ka mamerwisyo. At isa pa, ang pangit ng kulay ng buhok mo. Hindi nababagay sa kwarto ko!" Wika niya na patuloy pa rin sa paghila sa paa ko. Ang laki ng problema nito sa buhok ko.

"Ang damot mo. Alis na. Pumasok ka na sa Academy! Alis, layas!" Pagpapaalis ko sa kanya. Pero hinihila pa rin niya ako.

"Wow. Just wow! Well newsflash, Loser. Bahay ko 'to kaya ikaw ang dapat umalis. Lakas mong nagpalayas sa sarili kong pamamahay." Naiinis na wika niya at pinalo pa ang paa kong hawak niya.

"Ang ingay mo. Hindi ko naman inaangkin ang bahay mo. Saksak mo pa d'yan sa hinaharap mo. Magpatulog ka nga." Inis kong sagot sa sinabi niya at saka siya sinipa. Narinig ko naman ang pagdaing at pagtumba niya kasunod ang katahimikan. Sa wakas, makakatulog na ulit ako.

Malapit na sana akong makatulog nang maramdaman kong may biglang dumagan sa likuran ko. "Letchugas ka, Schumacher! Umalis ka nga sa likod ko. Ang bigat-bigat mo. Mas mabigat ka pa ata sa isang sakong bigas." Inis na sigaw ko sa kanya saka siya tiningnan ng masama. Pakiramdam ko may nabali akong buto. Umalis naman siya sa likod ko at umupo sa tabi ko.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now