Sixty-seven - Too Late, Again

14 1 0
                                    

Nang mapadpad ako sa lugar na ito, wala sa ginagap ko ang mapunta sa ganitong sitwasyon. Paulit-ulit kong sinasabi na gusto ko lang naman talagang umuwi dahil hindi ko kakayanin ang magtagal sa lugar na ito ngunit nakilala ko sila. Mailap ako noong una ngunit ilang araw lang ay nakasundo ko na agad sila lalo na si Clydeus. Ilang linggo lang rin ang kailangan upang magtiwala ako ng buo sa kanila.

Dito sa lugar na ito, napakaraming nangyari. Nagkaroon ako ng bagong pamilya. Nakilala ko ang buong ako, naalala ko lahat ng bagay na inalis ko at nila mismo sa sarili ko. Nakilala ko rin ang totoong sila na hindi ko matanggap noong una kaya umalis ako. Pero kinailangan kong harapin sila dahil tama si Tracey, hindi ako pwedeng tumakbo na lamang sa problema ko. Kailangan ko silang harapin.

At ngayong inaayos ko na ang nga desisyon ko sa buhay, ito ang nangyari. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon. Na bakit hindi na lang nila kami pabayaan? Na kung may gusto sila, sabihin lang nila sa akin dahil ibibigay ko naman... huwag lang may masaktan sa kanila. Huwag lang may mawala.

"Victoria, yuko!"

Isang malakas na sigaw mula sa kaliwa ko ang narinig ko dahilan upang bumalik ako sa totoong nangyayari sa paligid. Walang anu-ano'y yumuko ako.

Tiningnan ko ang buong paligid. Wasak na ang mga tindahan, tinupok na ito ng apoy at iba pang elemento mula sa kani-kanilang kakayahan. Malusak na ang dating lupang nababalot ng nyebe, ang mga kahoy ay nabuwal na. Ang madilim na paligid ay lumiwanag dahil sa apoy na nakapalibot sa bawat sulok. Bumabagsak mula sa itaas ang nyebe ngunit natutunaw rin ito agad. Amoy na amoy sa hangin ang dugo at ang sunog na bangkay ng mga hunters at converteds.

"Child, leave."

Narinig ko siya sa loob ng utak ko. Her voice was on wary. She sounds scared.

"Bakit?"

"Now! Leave now, child."

"Hindi ko sila pwedeng iwan," ani ko. Napahawak ang magkabilang kamay ko sa ulo ko.

"Don't be so hard-headed. I don't have enough time to talk to you. Just leave!"

Dinig ko kung gaano ang pagmamadali sa boses niya pero hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya at iwan lang sila rito.

"Child, leave."

"Hindi! Hindi ako aalis. Hindi ko sila iiwan. Pinangako ko sa sarili ko na po-protektahan ko sila," ani ko.

Napahilamos ako sa mukha gamit ang mga kamay kong marumi na.

"Then you leave me no choice," aniya.

Maya-maya, naramdaman ko na lang ang sarili ko na naglalakad paalis. Hindi ko na makontrol ang sarili kong katawan.

"Huwag," ani ko. "Itigil mo 'to."

Pero wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Patuloy lang sa paglalakad paalis ang katawan ko. Kahit anong pilit kong pagkontrol rito ay hindi ko magawa. At hindi ako natutuwa rito.

My body, my rules!

Naglalakad ako na parang walang nangyayaring kung ano sa paligid. Ang pagtatapon nila ng elemento sa isa't isa, ang pag-atake nila sa isa't isa, lahat! Nakikita ko. Tanging mata ko lang ang kaya kong kontrolin.

Kaharap ni Ivo ang isang batang babaeng may hawak na payong na napakaraming ngipin. Umaatake ito sa kanya gamit ang hawak kasabay ng pagtanggalan ng mga ngiping matutulis na siyang sinasangga niya naman gamit ang kanyang espada. Kita ko rin ang ilang daplis nito sa kanya.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now