Halos ngumanga ako dahil sa sinabi ni Xavier. Tiningnan ko siya na waring tinatantya dahil baka pinagti-trip-an na rin niya ako ngayon. Mabuti na 'yung sigurado. Marami kasi ngayon na sasabihin ang mga bagay-bagay sa'yo tapos hindi naman pala totooㅡteka, ano bang pinagsasasabi ko?
"What do you mean?" tanong ko matapos kong intindihin ang sinabi niyang hindi ko naman maintindihan.
"That fountain outside shows things randomly. Tho it rarely tells about someone's future. It always show someone's pasts, wish or desires. That fountain itself also shows what wanted you to know and see," sagot ni Xavier sa tanong ko at saka kumibit-balikat. Ngumiti pa siya sa akin at tila lumiliwanag naman ang paligid niya.
Aaaaaaack! Huwag kang ganyan, Xavy.
"Laway mo, chief." At binato ako ni Ivo ng tissue. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan niya lang ako. "So, sa nakita mo kanina... alin doon ang desires?" nakangisi't nakahalumbabang tanong sa akin ni Ivo. Tipong nakalabas na naman ang dalawampu't apat na mapuputing ngipin niya bilang pang-asar.
Bunutin ko kaya ngipin nito para hindi na siya makatawa ng ganito?
Agad akong dumampot ng cookie at ibinato sa kanya na sinalo lang naman ng kamay niya saka isinubo.
"Tigilan mo 'ko, Primitivo. Kapag nandilim qng paningin ko, tatanggalan kita ng ngipin," banta ko. Kung anu-ano na naman kasi ang pumapasok sa utak ng isang ito.
"Why? I was just asking you. I'm not saying anythingㅡwait, you said child. You're now a pedㅡaraaaay! Masakit ha!" aniya matapos siyang batukan ni Seth na nakalapit na pala sa pwesto niya. Umikot lang ito ulit at naglakad muli sa gawi ni Clydeus upang bigyan ito ng pamunas.
Ang dungis-dungis niya! Minsan talaga, talo pa niya ang limang taong bata. Pabalik ata ang pagtanda nito e. Naagaw ang atensyon ko mula kay Clydeus nang may magsalita.
"Welcome to our land, Lord Gremory," wika ni Tito Leandro at nagbigay galang kay Priam kasama si Tita Art.
Pinigilan ko ang sarili kong kumunot-noo. Hindi ko talaga gusto na mas matanda ng nagbibigay galang sa mas bata. And, right! He's second name is Gremory. He's a Nightwood. The name says it all. Tss.
"It's been a long time..." Inayos ni Priam ang pagkakaupo at pinagkrus ang mga braso. "...you know why the Elites are with me. Let us just handle the things from here. And I wish that your loyalty is and will always be mine," dagdag pa niya at tiningnan ang mag-asawa.
Pakiramdam ko pinanlamigan ako bigla. Naalala ko ang ganitong tono ni Priam noong kausap niya ang ina nina Xavier.
"Of course, Milord. Anything for you," magalang na sagot ni Tita Art at saka tumawa nang makita ang pagngiti ni Priam na ikinagulat ko.
Bihira lang naman kasing ngumiti si Priam lalo na kapag maraming nasa paligid. And it was new for me that Tita Art and Tito Leandro can make him smile like that.
"You've grown up well, son," ani ni Tito Leandro at tinapik sa balikat si Priam. Humawak naman ang huli sa kamay nito sa balikat niya at muling ngumiti.
"I did, Tito." Napamulagat naman ako nang sumagot si Priam at tinawag pa niyang Tito ang ama ni Calvin.
"How long has it been? Four or five years?" tanong ni Tita Art at pumunta na sa upuan niya. Kasunod niya ang asawa at si Calvin.
Naupo sa kabisera si Tito Leandro, sa kanan niya si Tita Art at sa tapat niya ay si Calvin.
"Five years, Ma."
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
