Hindi nawala sa isip ko ang tanong sa akin ni Clydeus at ang ekspresyon nilang lahat nang tanungin niya ako kung nangangako ba ako na hindi ko sila iiwan pero wala akong maisagot kundi ngiti.
"Welcome back, everyone!" Bati ni Sir Ken na siyang nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip.
Nilingon ko naman ang iba na kasama kong nakaupo sa designated place namin sa bleachers. Lahat sila ay naglalagay ng elbow at knee pads sa kanilang katawan. Hindi na rin naman sila nagpalit ng damit.
"Bun bun, suot mo ito. Maglalaro ka rin mamaya e." Ani ni Clydeus at iniabot ang mga pads.
"Bakit ako? Kaya n'yo na 'di ba?" Kinakabahan kong tanong ko. Hindi naman sa hindi ko kayang maglaro. Inaalala ko lang na paano kung matalo ang Elites dahil sa akin? For the record, wala pa silang talo.
"Kasi po..." Sagot ni Clydeus at pumunta sa gilid ko at saka pinagdikit ang mga pisngi namin. "...may tiwala kami sa'yo, Bunny bun bun." Dagdag niya.
"Paano kung matalo kayo dahil sa akin?" Tanong ko at saka tiningnan ang gitna ng gymnasium kung saan gaganapin ang laro. Napansin ko ring nakatingin sa amin ni Clydeus ang ibang estudyante at mga bisitang taga-bayan ng Academy.
"Hindi 'yan. Hahayaan ba namin 'yon? At ang mahalaga, mag-enjoy ka ngayong unang dalo mo sa Winter Festival ng Academy." Masuyo niyang sabi at saka ako inugoy-ugoy pakaliwa at pakanan. Natawa naman ako sa ginagawa niya at saka ko ginulo ang buhok niya. There is this thing on Clydeus na kayang kaya niya akong pakalmahin kapag kailangan ko.
Matapos kong maisuot ang pads ko ay lumapit sa akin sina Seth dahil maya-maya pa magsisimula ang game. May sinasabi pa si Sir Ken sa lahat at ipinapakilala pa niya ang grupo nina Tracey.
"Victoria. Just enjoy the game." Paalala ni Seth.
"Just relax, Milady." Ani ni Xavier at nginitian ako. Aaaaah~ 'wag kang ganyan, baka mahulog ako.
"Nandito lang kami, Chief!" Nakangising saad ni Ivo. Tinawag niya ulit aking Chief kaya natawa ako.
Napadako ang tingin ko kay Calvin. "Subukan mong matalo, gagawin kitang yelo." Banta niya at saka ako inirapan. Natawa na lang ako sa kanya. Mukhang hindi talaga maganda ang gising ng isang ito.
Ako, sina Seth, Calvin, Xavier at Ivo ang maglalaro. Maiiwan naman sa bleachers sina Clydeus at Priam. Tinatawag na kami isa isa kaya naman naghanda na rin ako. Ayokong siraan ang tiwala nila sa akin. Kailangan kong ibigay ang best ko.
"Let's all welcome, the Team Captain of the Elites... Seth Lincolnshire!" Anunsyo ni Sir Ken. Lumakas muli ang hiyawan galing sa mga manunuod.
"And the members of his team. The one and only son of the Headmaster... Primitivo Valle!" Muling nagsigawa ang mga narito at mas lalong lumakas ito ng ngumiti si Ivo at kumaway-kaway pa sa kanila.
"The Young Master of the Ferell Clan on Northern part of the Orindale... Calvin Ferell." Naglakad lamang ng tuwid si Calvin kahit na nababalot ng sigawan ang paligid niya.
"The Second-in-command of the Orindale's Special Squadron... Xavier Quince." Naglakad naman si Xavier ng may kaunting ngiti sa mga labi niya. Para na namang nagliliwanag ang paligid niya at umuulan ng rosas.
Ugh. My knight's charm, everyone! I'm screaming internally right now. But wait, what's with the Orindale's Special Squadron? Never heard that before.
Nang ma-realize kong ako na ang sunod ay agad akong kinabahan. Pakiramdam ko gusto kong tumakbo pero hindi pwede.
"Hermione..." Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Priam sa likod ko.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
