Maaga akong nagising at nag-ayos. Suot ko na ngayon ang uniform ko. Dinala ito kanina ni Lola Nena, pinabibigay raw ng Headmaster.
Katulad ito ng uniporme nila Ivo. White coat na gold and black linings. Sa loob ay cream-colored long sleeves na may color gold and black striped na necktie. Kung kina Ivo ay black trousers sa akin naman ay black pleated skirt na ilang inches above the knee. Black shoes and white socks na hanggang tuhod.
Kompleto ang ang ibinigay ni Headmaster na uniporme. Pero hindi ko ginamit ang sapatos na kasama nito dahil may takong ito na tatlong pulgada ang taas. Sa halip ay kinuha ko 'yung semi-combat boots na isa sa binili namin ni Lola Nena sa bayan. Matapos nito ay kinuha ko ang bag kong laman ang gamit ko saka dumiretso sa dining area.
"Victoria, hindi ka ba kakain?" Tanong ni Lola na nagtitimpla gatas na iniinom ko tuwing umaga. Ibinigay niya ito sa akin, uminom muna ako bago sumagot.
"Hindi na po. Gusto ko pong pumasok ng maaga para makapaglibot-libot sa school." Sagot ko.
"Ganoon ba? Saglit lang at ipaghahanda na lang kita ng baon mo kung sakaling magutom ka." Aniya at saka pumunta sa kusina.
"Salamat po." Ngumiti ako sa kanya.
Nakita ko namang kabababa lamang ng batang biik, gulo gulo pa ang buhok nito at nakapantulog pa. Ikinuha ko naman siya ng hot choco na paborito niya at iniabot sa kanya.
"Inumin mo yan, batang biik, kung ayaw mong maging palaka." Hindi naman pinansin ng batang biik ang banta ko. Mukhang sanay na ito.
"Ang aga mo ngayon, Ate Victoria." Puna ng batang biik habang ngumunguya ng tinapay. Naupo na rin siya sa pwesto niya.
"Gusto kong maglibot sa school." Tipid kong sagot.
"Paglaki ko, doon rin ako mag-aaral. Hindi ba, Lola?" Tanong nito kay Lola na may dalang pouch, kakalabas lang nito sa kusina.
"Oo naman." Sagot nito. "Victoria. Narito na ang baon mo." Napatingin naman ako sa iniaabot niya.
"Lola?" Puno ng pagtataka kong tanong rito.
"Ah. Hahaha. Nariyan ang baon mo. Buksan mo at kunin ang nasa loob." Ginawa ko naman ang sinabi niya at nagulat naman ako nang makitang totoo ngang naroon ang inihanda niyang baon para sa akin. Tatlong lalagyan ang laman nito na puno ng pagkain.
"Ang dami naman po nito, Lola." Sagot ko at ibinalik sa loob ng pouch ang mga ito. Magaan ito at parang walang laman. Bago ito sa paningin ko. Sa Aurswalt, picnic basket ang gamit namin. Karamihan ay makaluma ang gamit at pamamaraan namin roon.
"Dinamihan ko iyan dahil alam kong magkikita kayo ni Clydeus, alam mo naman ang batang iyon. Bigyan mo na rin ang iba." Paalala pa niya.
"Thank you po, Lola." Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya.
"O'siya. Pumasok ka na." Humiwalay naman ako sa kanya at napaharap ulit sa batang biik nang makita ko si Lolo Juls.
"Victoria, si Jun na ang maghahatid at magsusundo sa'yo." Saad ni Lolo Juls. Si Kuya Jun ay isa guwardiya ng mga Nightwood dito sa mansyon.
"Bakit po?" Pero ayos na rin siguro 'yon, nang hindi na masyadong mapagod si Lolo Juls.
"Iyon ang bilin ng Señorito kagabi nang makausap ko siya. Nakahanda ang sasakyan sa labas, Hija." Dagdag pa niya.
"Nakausap n'yo po si Priam?" Takang tanong ko rito. Lumalabas naman pala siya. Akala ko kinain na siya ng ikatlong palapag.
"Oo naman, Hija. Nakakakwentuhan namin ito minsan, tulad kagabi." Sambit pa nito ng nakangiti pa. Wala sa istura nun e. Lumapit naman si Lola Nena kay Lolo Juls at binigyan ng kape. Napangiti ako. Sweet. "Kinukumusta niya kami kapag may oras siya."
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
ФэнтезиInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
