Napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng ingay na aking naririnig. Walang pag-aayos na lumabas ako ng silid. Nasalubong ko ang ilang tao na naglilinis ng paligid, nagpapalit ng kurtina, nagpupunas ng mga kagamitan at mga bintana, nagma-mop ng sahig.
"Anong... meron?" Dali-dali akong bumaba kahit nakapantulog pa.
Bawat nadaraanan ko ay napapatingin sa akin, marahil ay dahil sa itsura ko o dahil bago ako sa paningin nila. Bahala sila. Hindi ko talaga gusto kapag nagigising ako bigla mula sa pagtulog. Hindi ba nila alam na napakasakit nito sa ulo lalo na kung wala ka pang maayos na tulog? Mga lapastangan!
Napatingin akong muli sa paligid. Ngayon ba ang araw ng paglilinis ng buong mansyon? Ngunit sa pagkakaalala ko ay sa makalawa pa ito.
"Lola?" Tawag ko rito ngunit walang sumagot.
Lumingon ako sa paligid ngunit ang nga taong naglilinis lamang ang narito. Dumiretso na ako sa kusina. Narito siya palagi dahil mahilig siyang magluto. Napatingin rin ako sa orasan, alas nuebe na pala ng umaga. Tinanghali ako ng gising pero pakiramdam ko e, hindi ako natulogㅡ mali, hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahilㅡ tsk! Kasalanan niya ito. Ginugulo niya ang sistema ko.
Dahil hindi rin naman nga ako nakatulog kagabi ay binasa at pinag-aralan ko ang mga aklat na kinuha ko sa silid aklatan noong nakaraang araw at marami rin akong natutunang bago mula roon. Maganda na rin 'yon upang may alam ako sa mga bagay bagay rito ngunit tingin ko ay masyadong limitado ang naroon sa aklat.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa kusina. Nakita ko ang isang hindi pamilyar na likod. Kumukuha ito nang pagkain sa ref. Iniisip ko naman kung ano ang dapat kong gawin dahil hindi naman ito mukhang kawatan nang biglang humarap ito sa akin. Nanlalaki ang mga mata nito at nakalobo ang mga pisngi na punong puno ng pagkain. Namumutla itong nakatitig sa akin nang bigla na lamang itong sumigaw.
"M-MULTOOOOOOOOOOO!" Habang sumisigaw siya ay siya namang pagtalsikan ng mga nasa bibig nito na may kasamang laway. Iwinasiwas nito ang hawak niyang chichiriya at tumilapon ang mga ito sa akin.
"YOU!" Turo ko rito at unti-unting lumapit. Ibang klase. Hindi ako papayag ng ganito. Kumuha ako ng kahit anong madampot ko sa may gilid ko at ibinato sa kanya.
"Mamaaaaaa! May multoooooo~ huhuhu!" Patuloy pa rin ito sa pagtatapon ng pagkain at kung ano pa sa akin habang paikot na kami rito sa kusina. Aba talagangㅡ!
"Aww." Daing ko ng matamaan ako nito sa balikat. "Hoy ikaw!" Turo ko sa kanya.
Umatras ito at patuloy na nagtatapon ng kung ano. Umilag naman ako. Dahil ayokong magkabukol. Tama na 'yung isang beses na matamaan niya ako. Lintik lang ang walang ganti!
"Lumayos ka sa akin! Lumayo kaaaaaa!" Sinundan ko siya at tumakbo naman siya hanggang sa madapa siya. Lampa.
"Muㅡmulto..." Huling sabi nito habang titig na titig sa akin at bigla itong nawalan ng malay. Nakarinig naman ako ng yabag ng mga paa at papalapit. Napatayo ako nang maayos at tiningnan ito.
"Anong ginawa mo sa kanya? W-who are you?" Tanong ng isang matangkad na lalaking na may asul na buhok at mata. Pamilyar siya sa akin.
Humakbang ako palapit para sana lapitan siya at tanungin kung sino siya pero umatras ito at ang iba pang naglilinis, kasama ang isa pang lalaki na nakatayo lang sa malapit sa may pinto at may blonde na buhok.
"Hija? Victoria? Anong nangyayari dito?" Humahangos na tanong sa akin ni Lola Nena. Kapapasok pa lamang nito dito sa kusina. Nakabihis ito at mukhang kadarating lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/233428358-288-k455703.jpg)
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...