Forty - Her Father

1 0 0
                                        


Nadatnan ko naman ang iba na nakaupo na sa pwesto nila sa mesa sa dining area. They were discussing something but they stopped when they saw me.

"Victoria." Bati ni Seth. He then look at the others na kumakain at kung saan nakatingin. One thing I noticed about them, they love to eat. Tho Clydeus was the one who eats gigantic, and I'm the second one. Oo, inaamin ko na.

"Anong pinag-uusapan n'yo?" Tanong ko at umupo sa pwesto ko. Dumating naman si Lola Nena at may hawak na bowl ng caesar salad na paborito ko at inilapag ito sa harap ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya saka siya bumalik sa kusina.

"Have you talked to your dad?" Ivo asked me.

Umiling ako. "Not yet. I once talk to the two fruits tho."

"I think you have to talk to them again." Saad ni Calvin na hindi nakatingin sa akin kundi sa alaga niyang si Coco.

"Why?" Tanong ko. I do miss my father, I just felt so guilty of leaving him back on Aurswalt.

"Just talked to them." Seth answered. I looked at him confused but I just saw his worried, sad and restless expression. I can't help but felt some pain in my chest. Seeing how his expression changes made me fret.

Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanila. They just nodded too kaya lumabas ako ng dining. Nakasalubong ko pa si Xavier sa daan kaya bahagya siyang yumuko at tinapik ako sa balikat. I just smiled at him.

Nang makarating ako sa kwarto ay hinanap ko ang salamin na bigay ni Priam. Iniisip ko kung dinala ko ba 'to dito o naiwan ko 'to dito. I set aside any thoughts at hinarap ang salamin. I enchanted some words and mirror glowed revealing a vague image at first before I heard some voices.

"Gosh. Ano ba 'to! Lagi na lang natin itong nililinis, e hindi naman marumi dito kasi walang gumagamit hindi ba?"

"Ang ingay mo, Apple. Kapag may nakarinig sa'yo, ewan ko na lang."

"Pwede ba, Cherry? Huwag kang plastic. If I know iniisip mo lang na matapos na tayo agad para makita mo 'yung bagong hardinero sa labas."

"Che! Palibhasa walang may gusto sa'yo e."

"Ah talaga ba? Hindi mo ba alam na ang haba ng pila nila sa akin?"

"Pila, pila. Baka kamo sinuhulan mo para pumila. 'Wag ako, Apple. 'Wag ako."

They never changed. This two fruits were always bickering. But I indeed missed them. How about Martha? My father? I wanna see them too.

"Nag-aaway pa kayo e wala namang nakapila sa inyo." Singit ko sa usapan nila. Nakita ko namang nanigas sila sa kinatatayuan nila.

"Shems. Cherry. Baliw na ba ako?"

"Dati ka nang baliw, Apple. Ano pang aasahan ko?"

I giggled. "Pareho naman kayong baliw." Ani ko.

"Oh my gosh! Cherry. Baliw na ata talaga ako. Naririnig ko si Milady!"

"A-apple, baliw na rin ba ako? Naririnig ko siya."

Hindi ko mapigilang tumaas ang isang kilay ko dahil sa pinagsasasabi nitong dalawa. "Ako'y tigil-tigilan n'yo ha. Gagawin ko talaga kayong palaka. Sinayang ninyo ang oras ko." Banta ko.

Nakita kong napaikot sila para humarap sa salamin na naroon sa mesa ko sa aking silid. Mukhang naglilinis sila. Namiss ko bigla ang kama ko. Dati, kapag ayaw kong pumunta sa klase ko e dito ako nagkukulong. Sasabihin ko kay Martha na masakit sa akin. Pero syempre hindi siya maniniwala kaya tatakas ulit ako.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now