Thirty-one - Ambivalence

0 0 0
                                    


"Ang sabi ko, magpahinga. But look at you, Victoria." Pasaring ni Seth na ngayo'y kaharap ko at kakatapos lang magluto na dapat ako ang gagawa kasi araw ko ngayon.

"You... look like a mess." Saad ni Ivo na mukhang nakakuha ng sinasabi niyang beauty rest. Ikaw na!

"Tigil-tigilan n'yo ako ah." Warning ko sa kanila. "Ang aga aga e."

"Waaaaaah~ pandaaaa! Hihihi." Matapos kong marinig ang boses na 'yon, namalayan ko na lang na nakalambitin mula sa likod ko si Clydeus.

"Pfft."

"Ahahahaha. Panda!"

"Tsk." Tinapik-tapik ko naman si Clydeus, signaling him to take his seat. 

Walang pasok ngayon. Wala na naman. Minsan talaga gusto ko ng tanungin si Headmaster kung anong ganap e. Ni wala kaming pasok palagi. Buti pa 'yung ibang klase. Naghihintay ako ng maliligaw na kahit sino dito sa side namin pero wala. Nalaman ko na lang kamakailan na restricted area ang sakop ng Special Class.

"Good morning." Halos manigas naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses niya. Parang tatakasan na naman ako ng kaluluwa ko.

"Cal! Hihi." Pagbati ni Clydeus dito. "Woooow! Okay na si Coco. Paano nangyari 'yon?"

Walang siyang sinabi. Hindi ko rin makita ang rekasyon niya dahil ayokong tumingin. Umiinit ang pisngi ko.

"Calvin. Maupo ka na." Saad ni Seth.

"Victoria. Are you okay? Kanina ka pa tulala. Sabi ko naman sa inyo, matulog kayo at magpahinga. Anong ginawa mo?" Saad ni Seth with matching pangaral.

Ano nga bang ginawa ko kagabi? Sino ba naman kasi ang makakatulog matapos ang nangyari kagabi? Nakakapeste e. Paano na lang kung may makakita noon? Meron ba? May nabasag na vase e! Pero sino?

"Yes. That'll be tomorrow. Mamaya ay may pupunta rito para sukatan tayo para sa damit natin. And please lang, umayos kayo. Alam ko takbo ng utak niyo."

"I'm on it."

"Hihihi."

"Okay."

"Anything."

"And Victoria, do you now know the answer?"

"Baka hindi siya nakatulog kakaisip ng sagot? Hala ka, Seth! Hindi nakatulog si Ate Tori. Mukha tuloy siyang Panda. Hihihi."

"Victoria."

"Panda. Hahahaha!"

"Pfft."

"VICTORIA!" Napalingon naman ako kung sinong tumatawag sa akin ng pagkalakas lakas.

"What? Ang aga aga, sumisigaw ka. Nasa tabi mo lang naman ako." Iritable kong sagot.

"Seriously, anong nangyari sa'yo kagabi?" Tanong ni Seth na parang may kailangan akong sabihin, sumandal pa ito sa upuan niya at nag-crossed arms.

"Kagabi? Anong kagabi? Walang nangyari kagabi ah! Ano namang mangyayari kagabi?" Daliang sagot ko sa kanila. Anong tingin 'yan?

"You seems defensive, Victoria." Nanigas naman ako sa kung sinong nagsalita. None other than this white haired guy, Calvin. Dahan-dahan naman akong napalingon sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin.

"Hindi ah. Bakit naman ako magiging defensive? Wala namang nangyari kagabi e." Sagot ko at inirapan siya. Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit pabalik-balik ang tingin ng iba sa amin ni Calvin. Hindi ko na alam kung saan ako titingin.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now