Forty-two - A Breakfast with Tyro and Samara

0 0 0
                                    


Linggo ng hapon ng umalis kami sa mansyon. Gusto ko mang magtagal pa roon ay hindi maaari. Sinulit ko naman ang buong weekend ko kasama sina Lola Nena, Lolo Juls, batang biik, Tyro at si Clydeus. Nang magising akong wala na si Priam sa tabi ko ay doon ko rin nalaman na wala na ang iba sa mansyon. May mahalagang gagawin raw ang mga ito. Hindi na ako nagtanong dahil sa hinuha ko ay may kinalaman ito sa mga Hunters.

Umaga na naman at kailangan na naming pumasok, at dahil napakabait ko ay he'to ako ngayon naglalakad sa Main Building kasama si Tyro papunta sa Mess Hall, wala akong ganang magluto ngayon. Wala rin naman si Seth kaya walang pagkain. Hindi pa rin kasi kami kumakain dahil late na kami nagising. Nanood kasi kami kagabi ng pambatang palabas sa TV.

Walang tigil naman ang bulungan ng mga nadadaanan namin ngayon lalo na at napapansin nilang may kasama ako bata. Busy naman sa pagkaway sa ilang nadaraanan namin si Tyro. Hawak ko ang kaliwang kamay niya at hawak naman niya sa kanang kamay ang Chocolate drink na kinuha namin sa ref ng dorm, kay Clydeus iyon. Turo ito sa kanya ni Ivo noong Sabado. Ang sabi niya, kapag may nadaraanan raw siya na nakangiti sa kanya o nakatingin ay ngumiti siya at kumaway. Tinuruan naman ni Clydeus si Tyro na kumain ng kumain para raw lumaki ito agad. Sumunod naman sa dalawa ang batang ito. Minsan, gusto ko silang pag-untuging tatlo.

"Aww. Ang cute mo naman."

"Anong pangalan mo, baby?"

"Ilang taon ka na?"

"Waaaah. Ang pogi mo naman."

"Sino papa mo?"

"May kuya ka ba?"

"Pakilala mo naman kami."

"Wala na p're. May anak na pala."

"Okay lang 'yan, dude. Wala pa namang asawa."

"Hindi pa kasal."

"Girl, totoo ata 'yung balita. Batang ina siya. Itinago raw niya ang bata."

"Talaga? Hindi naman halata e."

"Oo nga."

"Kung ako rin naman siya, itatago ko ang bata."

"Ang ganyang ka-cute na bata? Hindi dapat. Ang cute niya kaya. Sarap pisilin ng pisngi."

"Sino raw ang ama?"

"Bali-balita na nandito rin daw sa Academy ang ama."

"Talaga?"

Hindi ko na lang ulit sila pinansin. Masisira lang araw ko sa kanila. Wala naman silang alam. Saka behave ako ngayon, may bata kasi akong kasama. Parang ngayon ko lang medyo naiintindihan si Seth kapag naghihigpit siya sa amin ni Clydeus. Sana lang, 'wag lumaking tulad namin ang batang ito.

"Let's go, baby?" Pagkuha ko sa atensyon ni Tyro na kumakaway pa sa nadaraanan namin. Nandito na kasi kami sa tapat ng Mess Hall.

"Okay, Mom." Sagot niya. Lumingon naman siyang muli sa mga nasa paligid at ngumiti. "Buh-bye~"

"Aww. Bye cutie!"

"See you around, cutie pie!"

"Mom, they're all kind." Aniya at saka sumabay sa akin papasok sa loob. Tumango na lang ako at ngumiti kahit gusto kong sabihin na hindi sila kind. Namumukhaan ko kaya silang lahat. Sila 'yung mga kung magbulungan palagi ay kala mo'y nakamikropono.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now