Thirty-seven - Winter Festival's Ball

0 0 0
                                    


Iniisip ko minsan kung may ginawa ba akong maganda sa buhay ko para bigyan ako ng mga kaibigan na papahalagahan, asikasuhin at ituturing akong pamilya.

Tinitingnan ko ngayon ang ibang naririto na hindi magkandaugaga kakabalik-balik sa buong dorm. Maraming gamit silang dala, mga kahon at kung ano-ano pa.

"Bunny~ okay ka lang?" Tanong sa akin ni Clydeus na naglalaro sa cellphone ni Ivo.

"Okay lang. Nahihilo lang ako sa mga narito. Ano bang pinagkakaabalahan nila?" Tanong ko sa kanya at isinandal ang likod ko sa couch.

Matapos ang seremonya kanina, bumalik kami rito sa dorm upang magpahinga. Mamayang gabi ay gaganapin ang Winter Ball na para sa mga estudyante ng Academy. Ito rin 'yung sinasabi ni Ate Reed na kailangan ko ng date. Pero sa totoo lang, hindi ko kailangan 'yon. Mas kailangan ko ay tulog at pahinga.

"Mga gagamitin sa Winter Ball mamaya. Ahihi." Sagot niya na may kasamang hagikhik.

"Bakit ang dami naman ata? Sumasakit ang ulo ko sa kakabalik-balik nila." Reklamo ko.

"E 'di huwag mong tingnan, Bun bun." Aniya na hindi inaalis ang tingin sa cellphone ni Ivo.

"Kanina ka pa nakatingin dyan sa hawak mo. Anong ginagawa mo?" Tanong ko at pasimpleng sinilip pero itinago niya.

"Nanunuod lang ako, Bunny. Bawal 'to sa bata." Sagot niya.

"Hiyang hiya ako sa'yo. Di hamak na mas bata ka sa akin. Tss." Saad ko at saka ginulo ang dulo ng damit niya.

"Basta cute ako. The end." Aniya at saka tumingin sa akin. "Tulog ka muna, Bun bun. Mamaya ka pa naman aayusan e."

"Ayoko." Saad ko at saka humikab. Narinig ko naman ang paghagikhik niya. Naramdaman ko rin ang isang malamig na bagay sa pisngi ko bago ako tuluyang hilahin ng pagtulog.

***


Hingal na hingal sina Ivo at Calvin habang tumatakbo papunta sa gitna ng gubat. Kailangan nilang mailayo at malinis ang mga ito bago ang Winter Ball.

"Gaano ba karami 'yang mga 'yan?" Tanong ni Ivo kay Calvin na nayayamot na rin.

"Ewan ko. Dapat ngayon ay natutulog ako pero dahil sa mga pesteng 'yan, nasira ang pagtulog ko." Sagot ni Calvin.

"Chill, Calvy. Ahahaha." Pang-aasar ni Ivo sa kasama ng makita niya itsura nito.

"Tumahimik ka. Baka ikaw ang patulugin ko imbis na 'yang mga Hunters na 'yan." Yamot na pasaring niya kay Ivo. Tumalon ito papunta sa likod ni Ivo at gamit ang scepter niyang gawa sa yelo, iwinasiwas niya ang dulo nito sa ulo ng paparating.

"Hahahahaha." Pagtawa ni Ivo.

"Tawa ka ng tawa. E muntik ka nang mapugutan. Ako na lang kaya ang magtanggal ng ulo mo." Ani ni Calvin at saka muling sinugod ang dalawa pang paparating. Ilang segundo lang ay tanggal na ang ulo ng mga ito at tumalsik sa kanila ang dugo nito.

Umayos naman ng tayo si Ivo habang tumatawa at gumawa ng mas malaking espada gawa ang elemento niyang tubig. Tumakbo siya papunta sa kaliwa upang salubungin ang mga Hunters na papalapit sa kanila. "Akin na 'to ha." Aniya.

"Sa'yong sa'yo na." Sagot naman sa kanya ni Calvin habang kaharap ang ilang Hunters na nagtatangkang lumapit sa kanya pero bago pa iyon mangyari ay nagiging yelo na.

Samantala, magkasama naman sina Seth at Xavier sa kabilang parte ng gubat. Hawak ni Seth ang wrecking ball niyang may mga spikes at nababalot ng mist. Hawak naman ni Xavier ang isang espada na doble ang laki kumpara sa normal.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now