Forty-nine - Clydues and Xavier's Mother

2 0 0
                                    


It was a rainy morning today that it made the atmosphere in our dorm gloomier than it was. The dining table that used to be full of life is now filled with dead air.

Priam is usually silent while eating on the head seat of this table. Ivo was not uttering nonsense. Calvin was still asleep on his room together with his pet Coco. Seth is silently sipping on his coffee while reading something in a folder with his glasses on. Xavier is still at his room too. Clydeus is just playing with his food on plate while he eats gradually. Everyone is in silence and I hate it. It was more normal if they were chaotic and all. I don't what happened on the Eastwood and I wanna know why but they keep silent. That's why I never did asked.

"Mom. Can you get me some bacon... po?" Ani ni Tyro. Nabalik naman ako sa katotohanan ng marinig ko ang boses niya. Kinuhaan ko naman siya ng bacon at inilagay sa plato niya. "More please." Dagdag niya pa kaya nilagyan ko pa ulit. Agad naman siyang ngumiti kaya napangiti na rin ako. If there's one thing that keeps me going everyday, it's Tyro. I don't know what I'll do if he's not with me, he's now my light.

Matapos ko siyang bigyan ng bacon ay kinuha niya 'yung saucer sa ilalim ng cup niya at saka inilipat ito roon. Bumaba siya at lumipat sa kaliwa ko kung saan nakaupo si Clydeus.

"Hey, oldie. Eat this so I won't call you oldie anymore." Saad ni Tyro na nakanguso at namumula pa ang pisngi. Tyro used to call Clydeus 'oldie' kapag nag-aasaran sila lalo na kapag pagkain ang usapan. Bukod sa chicken leg, bacon ang isa sa pinag-aawayan nila. Hindi naman siya kinibo ni Clydeus na patuloy pa rin sa paglalaro ng pagkain sa pinggan niya. Kung normal na araw ito, lumilintanya na si Seth... pero hindi e.

Nang hindi siya pansinin ni Clydeus matapos niya itong tawagin ay galit niyang kinuha ang kamay nito at saka kinagat ng mariin. Hindi niya ito binitawan hangga't hindi siya nasisiyahan sa palahaw ni Clydeus.

"Aaaaaaah!" Pagsigaw ni Clydeus at inagaw ang kamay. "Hoy bubwit! Bakit mo ako kinagat? Hindi naman kita inaano ah! Gusto mo isako rin kita?" Nakasimangot na dagdag ni Clydeus habang sapo niya ang kamay.

"Like you can. You're an oldie, and an oldie is weak. You can't even eat a lot of my favorite bacon. You're no match on me." Pang-aasar ni Tyro sa kanya. Gusto ko namang ngumiwi sa sinasabi ng batang ito. Kaya dapat hindi ko siya pinapasama kay Calvin e. Kung ano-anong natututunan.

"Are you kidding me, bubwit? Akala mo naman marami kang nailalagay sa tiyan mo. And I can always eat everything on this table right now." Sagot ni Clydeus kay Tyro.

"Oh really, oldie? Then go eat all of this if you can. And I won't call you oldie anymore." Mapanghamon na wika ni Tyro at humalukipkip pa. Sinamaan naman siya ni Clydeus ng tungin.

"Talaga. Akala mo ba uurungan kita kasi bubwit ka? Umasa ka." Nakakunot noong sagot ni Clydeus. At saka umayos ng upo sa silya niya.

"Bring it on, oldie." Tyro said and he just smirked while he rushed back again on his seat at my left. I just shook my head. Looks like my little monster wins on his mission. And that is to make Clydeus eat more of his food.

After breakfast, ako na ang naghugas ng lahat ng pinagkainan. Seth and Ivo left after breakfast dahil may asikasuhin raw sila. Clydeus just went upstairs with a bad mood kasi natalo siya. Hindi niya naubos ang nasa mesa na dati ay kaya niyang ubusin. Umakyat na lang siya sa kwarto ni Xavier para dalahan ito ng pagkain. Priam was with Tyro, gusto raw niyang magpapaligo sa Dad niya. Sinabi ko naman na ako na dahil baka maabala pa siya. Knowing him, may tatrabahunin pa siya sa labas.

Nagwawalis ako ng sahig sa sala nang may pumasok bigla sa pinto ng dorm. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang isang babae na tantiya ko ay kasing edad lamang ng Headmaster. Nakasuot ito ng magarang damit at mataas na heels. Nakataas ang ayos ng kanyang buhok nitong blonde at mukhang istrikta. Sa kanan niyang kamay ay isang bag na mukhang mamahalin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya magsalita. Nahiya naman ako dahil suot ko ay isang malaking t-shirt at isang short na abot tuhod at gulo gulo pa ang nakataling buhok.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now