Nang makarating kami sa classroom namin, umupo agad sila sa kani-kanilang upuan. Siguro naman ngayon, may maayos na kaming lecture. Meron naman siguro noong nakaraan, ako lang ang hindi maayos kasi kung saan saan ako napupunta. Napailing na lang ako.Seth is reading something sa hawak niyang folder habang nakakunot ang noo, suot rin niya ang salamin niya. Nakakalimutan ko palaging itanong kung para saan iyong suot niya. Baka sa sunod na lang. Priam was reading a book again. I wonder if how many books can he read in a day. Ivo was busy with his phone. Calvin is playing with Coco. Xavier is beside Clydeus who's...
"Akin na kasi 'yan!" Nakatayo ito at pilit kinukuha sa likod ni Xavier ang isang pack ng marshmallow.
"No." Matigas na saad ni Xavier kaya nagpapadyak na si Clydeus. Napailing na lamang ako. Araw-araw ganito ang gawa ni Clydeus. Nakita ko namang kumukunot na ang noo ni Xavier kaya lumapit na ako sa mga ito at kinuha ang hawak ni Xavier. Nagkibit-balikat na lang ito at umupo ng maayos.
"Clydeus?" Pagtawag ko rito.
"Bibigay mo na sa'kin, Bun?" Masayang tanong niya sa akin habang kumikislap ang mga mata niya. Sinenyasan ko siya na 'wag maingay na siyang ikinangiti niya and he giggled. Binuksan ko naman ang pack ng marshmallow.
"Victoria." Tawag sa akin ni Seth na nakatingin pa sa rin sa folder na binabasa niya. Itinaas niya ang hintuturo niya at isinenyas na hindi pwede kaya nanlumo ang bata.
Umupo ito ng tahimik at seryoso ang mukha. "Later na, ha?" Saad ko sa kanya pero hindi pasimpleng inabutan ng lollipop na nailagay ko sa bulsa kanina saka kinindatan siya and mouthed, quiet. Umayos naman ako ng upo ko.
Lahat sila ay may kanya kanyang ginagawa. Inilibot kong muli ang mga mata ko. May isang transparent glass napakalaki sa unahan namin at isang podium like structure sa gilid nito.
There are seven tables and swivel chairs dito sa room. Dalawa sa unahan; si Ivo at si Priam, tatlo sa gitna; si Clydeus, ako at si Xavier, at dalawa muli sa huli; si Calvin at Seth. Malamig sa loob ng classroom namin at kumikintab rin sa linis ang marmol na sahig. Malalaki ang bintana rito na may abot sahig na magandang kurtina.
Nakarinig ako tunog ng takong ng isang sapatos, papalapit na ito. Mukhang alam nila na may parating dahil natigilan sila sa ginagawa nila maliban kay Priam na prente ang pagkakaupo sa upuan niya. Nang makita naman nila kung sino ang naroon sa harapan ay bumalik sila sa kanya-kanyang ginagawa. Tiningnan ko ulit si Clydeus na tahimik sa tabi ko kahit na may lollipop na siya sa bibig, diretso ang tingin sa transparent glass sa harap namin.
"Good morning, Special Class!" Masiglang bati ng isang babaeng maganda na nakablusang itim na may kulay puting ruffles sa may bandang dibdib at white pencil-cut na skirt, naka-high heels ito na napakataas at nakatali ang kulay ash gray niyang buhok. Mukhang mas matanda lamang siya sa amin ng ilang taon pero makikita mo sa kanya ang autoridad kahit sa paraan lamang ng pagtayo niya sa harapan. Dumako ang tingin niya sa akin.
Tumayo naman ako at saka bumati. "G-good morning, Miss."
"Pfft."
"Haha."
Narinig ko ang ilang pagpipigil ng tawa at ang tawa na rin nila kaya inayos ko ang tayo ko.
"Sit down." Ma-autoridad na wika niya. Umupo naman ako. Upo daw e, mabait ako. "Ah. The infamous Victoria, new member of this Class. I'd expect you to be invincible like them." Maaring saad niya. Hindi ako sumagot at sinalubong ko ang tingin niya, kaya tumaas ang kilay niya and she crossed her arms. "You must know by now that they weren't here by nothing." Dagdag niya. Narinig ko rin ang patagong tawa ng mga kasama ko. Gusto ko namang magngingit sa galit kung hindi lang nakatingin sa akin ang tagapagturo. Letchugas! Tuwang-tuwa pa. Humanda kayo sa akin mamaya.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...