Fifty-four - Her First Kill

6 0 0
                                        


Sa natatandaan ko, ilang beses lang ako gapangan ng takot na nanunuot talaga sa buong kalamnan ko sa tanang buhay ko. Una ay ang mapunta ako sa mundong ito. Hindi man halata ay may kung ano sa dibdib ko na natatakot noon dahil sa pwedeng mangyari sa akin... na baka hindi na rin ako makabalik sa amin.

Pangalawa ay dahil sa babaeng may kulay dugong mata't buhok. Ang mga pinakita niya sa akinㅡ ang ilan sa nangyari noong Great War, ang hinihingi niyang kapalit, ang kakaibang nangyayari sa katawan ko, at ang kung anong dahilan sa likod ng takot sa mga ahas. Sunod ay ang pakiramdam na baka mawala sa akin ang mga mahal ko at mahalaga sa buhay lalo na nang malaman kong nagkasakit si Ama na wala ako sa tabi niya. At ang huli ay nang mawalan ng malay mismo sa harap ko si Tyro at wala man lang akong magawa... na napakahina at napakawalang silbi ko. At mukhang ngayon na lamang muli nasundan ang takot ko.

Agad kong binuhat si Tyro. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa isang silid na nabanggit sa akin ni Tracey noong samahan niya akong mag-training. Isa itong silid kung saan mapapanatiling ligtas ang mga narito kung sakali mang may mangyaring hindi maganda.

"Mom. What's happening?" Takang tanong si Tyro sa akin. Nakita ko namang sumunod sa akin ang dalawang tagapagsilbi na itinalaga sa amin ni Tyro na siyang kalaro at tagapagbantay nito palagi.

"Ty. I'll explain it to you later, okay?" Masuyo kong sagot sa kanya. Abot langit naman ang kaba ko dahil nakarinig na naman kami ng pagsabog mula sa labas.

Agad kong tinawag ang dalawang tagapagsilbi na nakasunod sa amin. Ilang minuto ang ginugugol namin sa paglalakad. At nang makarating kami sa silid ay agad kaming pumasok rito. Ibinaba ko sa sofa si Tyro na agad dinaluhan ng isa sa tagapagsilbing kasama namin at ang isa pa ay gaya ko na pumunta sa mga bintana. Agad kong hinanap ang isang pindutan saka ito diniinan. Doon namin narinig ang pagbaba ng isang purong bakal na tumatakip sa buong bintana. Matapos nito ay ibinaba ko ang kurtina at bumalik kay Tyro.

"Ty, listen to me. No matter what happens, never get out of this room. And wait for me or for Tracey. Your nannies are here with you." Paliwanag ko kay Tyro na nagsisimula nang takasan ng luha sa kanyang bilugan ngunit pasingkit na mga mata. Namumula na rin ang pisngi niya sa pagpipigil niya ng iyak.

"Mom. What's that noise? Where are you going?" Mga tanong niya sa akin at tuluyan nang naiyak. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit kaya doon ko naramdaman ang mabilis na tibok ng puso niya.

"That's something you don't need to know now, Ty. I'll just go check on it and will go back here afterwards. You see..." Ani ko at humiwalay sa pagkakayakap niya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at napakagat-labi na lamang dahil nahihirapan akong magpaliwanag sa kanya. Parang ngayon ko lang nalaman kung gaano kahirap ang ganitong sitwasyon na gusto mong sumagot ngunit hindi pa oras upang malaman niya ito lalo na't napakabata pa niya. I can now understand them. The desire to protect someone valuable to you.

"...there are strange things outside. And since Tracey isn't here, I'll have to personally check them 'coz what if it's a bad guy? Everyone will be hurt and you don't want that to happen, right?" Dagdag ko rito. Tumango naman siya sa tanong ko at nagpunas ng luha.

"You will come back after you check on them?" Tanong niya at pinipigilang humikbi. I commend this kid, he has a brave heart. Ngumiti naman ako at saka ginulo ang buhok niya.

"Of course. I'll be back shortly. So you should behave, okay?" Ani ko. Tumango naman siya at lakas loob akong tiningnan nang diretso sa mata.

"That's my baby! You're so brave. You're making Mommy so proud, Ty. After this, I'll cook you your favourite." Wika ko. I then kissed his cheeks at binigyan siya ng mga candy na ikinaliwanag ng mata niya. Agad rin akong tumayo at pumunta sa dalawang kasama namin saka ibinilin sa kanila si Tyro. Alam kong namang mapagkakatiwalaan sila.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now