Naglalakad si Tracey kasama ang mga tatlo niyang tagasunod. Sila ay ang ilan sa Academy na umiidolo kay Tracey na gustong mapalapit rito. Mabait naman si Tracey, iyon nga lang... may ugali. Kaya gagawin nila lahat, masunod lang gusto nito. Kung hindi, sila rin ang mahihirapan.
Malapit na sana sila sa Room nila nang may dalawang palace guards o academy guards and humarang sa kanya. Yumuko ang mga ito.
"Magandang araw, Lady Tracey. Pinapatawag ho kayo ng Elites." Wika ng guwardiya.
"Gosh. Girls, narinig n'yo ba 'yon?" Tanong ni Tracey sa mga kasama na may malaking ngiti sa labi. Tumango naman ito sa kanya at ngumiti. Humarap siya sa sumusundo sa kanya. "Saan raw ba?"
"Manyaring sumunod ka na lamang ho sa amin." Sagot nito at saka tumalikod at nagsimula nang maglakad. Agad namang sumunod si Tracey rito.
Susunod rin sana ang mga kasamahan niya ng pigilan sila ng isa pang guwardiya. "Paumanhin mga binibini ngunit siya lamang ang kailangan." Aniya at ngumiti sa kanila.
"Don't worry girls, babalitaan ko na lang kayo." Wika ni Tracey na hindi pa naman nakakalayo sa kanila. Walang magawa ang mga ito kaya tumango na lang. Nang titingnan nila sana ang guwardiya ay yumuko ito at ibinabang muli guard cap nito saka umalis.
"Basha, pamilyar ang ngiti nung guard 'no?" Tanong ni Jasha sa kasama.
"Oo nga e. Sa tingin ko nakita ko na 'yon. Tingin mo, Tasha?" Tanong ni Basha sa kasama na natulala. "Hoy, Tasha!"
"H-ha? Bakit?" Wala sa wisyong tanong ni Tasha.
"Bakit tulala ka? 'Wag mong sabihin na nakita mo na naman ang crush mong si Young Master Ivo?" Natawa si Basha sa sinabi.
"Hala, hindi 'no! Imposible naman na narito 'yon." Depensa ni Tasha sa sarili. Kinilabutan naman bigla si Basha pagkarinig ng pangalan ng nabanggit.
"Bash? Parang alam ko na kung bakit pamilyar ang ngiting iyon ng guard." Kinakabahang saad ni Jasha. "Hindi ba kay Young Master Ivo 'yon?"
"Hoy! Magtigil ka Jasha ah. May makarinig sa'yo, lagot tayo." Suway ni Tasha. Maging siya ay may kutob roon ngunit hindi naman siya sigurado. Maaaring namalik-mata lang siya.
"Oo nga, Jasha. Saka bakit naman magpapanggap na guwardiya 'yon? Halika na nga, pumasok na tayo! Nalanghap niyo lang siguro ang pulbos sa mukha n'yo at ganiyan na lamang imahinasyon n'yo." Ani ni Basha at hinila ang dalawa. Hindi naman kasi sila nagpupulbos ng ganoon karami, ayaw lang talaga ni Tracey na masasapawan siya. Maganda rin naman kasi ang tatlo.
Sila ang magpipinsang Sumer. Si Jasha at Tasha ay magkapatid at pinsan naman nila si Basha. Palagi silang magkakasama at hindi naghihiwalay. Kaya ng may isang umidolo kay Tracey, ay walang nagawa ang iba dahil kung nasaan ang isa, dapat naroon lahat.
Samantala, kanina pa naiinip si Tracey sa paglalakad sa isang mahabang pasilyo kasama ang dalawang guwardiya. Kasabay niya ang kaninang kumausap sa kanya at nasa unahan naman ang isa.
"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad e. Alam n'yo ba kung saan? Baka nagsasayang lang ako ng oras sa inyo." Masungit na tanong ni Tracey. Hindi naman siya sinagot ng mga ito.
Nagpatuloy sila sa paglalakad, bumaba sa napakahabang hagdan hanggang sa huminto sila sa isang pintong kulay puti. Kumabog ang dibdib niya at nakaramdam ng panlalamig. Unti-unting lumalabas sa noo niya ang butil-butil na pawis.
"B-bakit rito? Anong gagawin n'yo?" Kinakabahang tanong ni Tracey at saka napaatras. Hindi siya hangal para hindi malaman kung para saan ang pintong iyon.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasíaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
