Maingat kong itinapon pababa ang lubid na hawak ko nang masiguro kong maayos na ang pagkakakabit ko rito sa itaas ng pader na kinalalagyan ko. Iniba ko na naman kasi ang pwesto ko. Noong nakaraan ay sa may harap ako nang mansyon gumagawa ng daanan ko ngunit nahuli ako roon kaya hindi na ako maaari pa roon. Dito naman sa gilid.
Siniguro ko rin munang may maayos akong maaapakan bago ako dahan-dahamg bumaba. Isang maling galaw ko, maari akong makagawa ng ingay. Magigising ang lahat, mabubulilyaso ang plano ko.
Nang makababa ako ay itinago ko sa gilid ng pader ang lubid na gamit ko. Gagamitin ko pa ito mamaya pag-uwi ko. Pinagpag ang kamay kong narumihan at napatingin pa ako sa langit, puno ito ng mga bituin nagniningning. Siguradong maganda ang panahon ngayong gabi.
Muli kong inayos ang damit ko at saka pinagpag ito. Isinuot ko rin ang hood ng aking mahabang panaklob na umaabot sa aking paanan upang itago ang sarili ko kung sakali mang may makakita. May kasiyahan ngayon sa bayan malapit rito. Gusto kong dumalo at makita ang ilang kasiyahan o palabas na kanilang inihanda. Panigurado rin naman akong may masasarap na pagkain roon. Kaya nga ako nagdala ng mga barya. Sa edad kong labing apat na taon gulang, ito ang unan beses kong dadalo roon at ang kailangan ko lang ay mag-ingat na walang makakita sa akin na kilala ako.
Halos isang oras ang ginugol ko sa paglalakad bago makarating sa bayan. Kailangan ko pang tumawid nang gubat, isang ilog at isang sapa bago ko marating ito. Hindi ako maaaring gumamit ng karwahe o anuman kung ayaw kong mahuli agad. Hindi ito ang unang beses na tumakas ako mula sa mansyon kaya alam ko na ang mga daanan na mas tago at mas madali kaysa sa inaasahan.
Nang makarating na ako sa bayan, inayos kong muli ang aking suot na panaklob. Mula rito sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid. Bumagay rito ang napakaaliwalas na langit na puno nang kumukutitap na mga bituin. Napakaraming tao na nagkakayasiyahan at dinig ko rito ang kanilang mga boses. Mayroon ring mga batang naglalaro, may ilan pang kasama ang mga magulang nila. May ilang magkakasintahan rin akong nakita. Samu't saring mga paninda ang naririto at may mga palabas pa.
Napakaganda nito sa aking paningin. Maingay ngunit puno ng kasiyahan ang buong lugar. Amoy na amoy ko rin sa paligid ang amoy ng iba't ibang pagkain. Pakiramdam ko naman ay nagutom ako bigla kaya nagsimula na akong maglakad. Hindi naman ako pinansin ng iba dahil tulad nila, may mga panaklob rin itong suot ngunit nakababa ang mga hood nito. Habang patuloy sa pagsuri ng lugar, naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin ngunit nang igala ko paningin ko, wala naman akong nakita kaya pinagsawalang bahala ko na lamang. Gutom lang siguro ito. Ang layo kasi ng nilakbay ko.
"Ang ganda..." Puna ko sa nadaanan kong tindahan ng mga bulaklak. Kumikinang sila sa aking paningin at humalimuyak rin ito sa bango.
Inilibot kong muli ang pangingin ko sa tindahan, at akmang hahawakan ko sana ang isang rosas na kulay puti nang kumalam muli ang sikmura ko. Nagpapalit-palit ako ng tingin puting rosas at sa tiyan ko. Napanguso ako.
"Mas mahalaga ang pagkain." Bulong ko at saka pumunta sa hilera ng mga nagtitinda ng pagkain sa kabilang pwesto ng nagtitinda ng mga bulaklak. Mula rin rito ay dinig na dinig ko ang boses ng mga dumaraan ngunit mas nangingibabaw ang tugtugin hindi kalayuan rito. Doon ako pupunta mamaya.
"Ale, maari bang pagbilhan mo ako nito... saka nito... at pati na rin ito saka 'yon." Wika ko at itinuro ng itinuro ang mga nagustuhan ko. "Pakidagdagan na rin po ng inumin." Dagdag ko at saka ngumiti.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasíaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
