Fourteen - In State of Trance

3 1 0
                                        

"Victoria?"

"Victoria, nariyan ka ba?" Muling pagtawag ni Lola Nena kay Victoria na nakaupo sa kama at tulalang nakaharap sa bintana.

"Victoria." Muling tawag pansin ni Lola Nena. Marahan niyang hinawakan niya ang pisngi ng alaga at saka ngumiti. "Kanina pa kita tinatawag. Baba na. Ihahatid ka na ni Jun sa akademya. Ipapababa ko na rin ang gamit mo."

Walang imik na tumayo si Victoria at pinagmasdan kanyang silid sa mansyon ng mga Nightwood bago sumunod kay Lola Nena.

Isang linggo na nang muli siyang makabalik, nang muli siyang magising mula sa halos isang buwang pagkakatulog. Isang linggo na rin siyang walang nararamdaman. Hindi siya napapagod, hindi siya nagugutom, hindi siya inaantok at hindi rin nagsasalita. Buhay siya at humihinga ngunit wala siyang maramdaman na kahit ano. Para siyang manu-manong laruan na kikilos lang kapag pinakikilos.

Isang linggo na ring hindi alam ng taong nakapaligid sa kanya kung anong gagawin o kung paano kikilos sa harap ng dalaga. Wala na muling nagtanong sa kanya isang araw matapos niyang magising, sa kung anong nangyari dahil bigla na lamang lalayo ang dalaga sa sinumang hahawak sa kanyaㅡ nanginginig na yayakapin ang tuhod, hahawak sa magkabilang tainga habang umiiling at bubulong ng 'hindi'.

Kumalma lang ito ng makita si Lola Nena, kakapit ito rito na parang ayaw batang ayaw maiwan. Patuloy naman ang pag-asikaso sa kanya ng iba hanggang sa matigil ito sa paglayo sa kanila. Iyon nga lang, hindi pa rin ito makausap ng maayos. Malamig ang tingin at hindi nagsasalita pero kumikilos na.

"Mag-iingat ka roon, Victoria." May pag-aamo na saad ni Lola Nena matapos nitong mapaupo si Victoria sa backseat ng sasakyan. Hinawakan naman siya nito ng mahigpit at wari'y ayaw umalis. "Magkikita pa naman tayo tuwing sabado at linggo." Paalala nito. Ilang saglit pa ay bumili na ito sa kanya saka umalis ang sasakyan. May bahid ng pag-aalala ang mukha ni Lola Nena ngunit alam niyang hindi ito pababayaan ng mga kasama niya.

Diretso ang tingin ni Victoria habang binabaybay ng kanyang sinasakyan ang daan pabalik sa Academy. Nang makarating sila ay sinalubong siya ni Ivo. Ito na rin ang kumuha at nagdala ng mga gamit nito. Matapos niyang dumaan sa inspeksyon ay iginiya na ni Ivo si Victoria papunta sa dormitory nila. Tahimik naman itong sumuko sa kanya.

Marami nang estudyante sa paligid at nang makita sila ng mga ito ay nagsimula na naman ang bulong-bulungan.

"The freak is back."

"Sabi nila nabaliw raw 'yan matapos makalabas sa Montgomery's Torment."

"Katakot 'di ba?"

"Tumahimik nga kayo baka marinig kayo n'yan at kayo pa balingan niya."

"Hindi na bago 'yan. She's a walking trouble anyway."

"A beautiful disaster."

"And a troublemaker."

"Sinisira niya ang Elites."

"Guess what? Sabi ng ilang nasa Mess Hall noong nakaraang araw, she freaks out bigla nang may humawak sa kanyang ibang student."

"Talaga? Ang creepy niya ah. Mas creepy siya ngayon."

"Poor thing."

"She deserves it naman."

"Right. Attention seeker kasi."

Ilan lang iyan sa bulungan nila na ikinatigil ni Victoria sa paglalakad at saka lumingon sa kanila. Kakaibang takot naman ang naramadaman ng mga estudyante sa tinging ibinibigay ni Victoria dahilan para magsialisan sila at parang bulang nawala.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now