Nineteen - Library Hassle

5 1 0
                                        

(Present time.)

"29 laps more! Move! Move!" Napabalik ako sa katinuan dahil sa sinabi nito. Kanina pa pala ako nagbabalik-tanaw sa mga nangyari noong mga nakaraang linggo.

I sighed. 29? Seriously? Pakiramdam ko mamamatay na ako sa lagay kong ito. Seth wake us up at exactly 5 am to continue our training dahil masyado nang marami ang oras na chill lang kami. He really is a monster when it comes to training, no wonder he's well built.

"Ayoko na! Ayoko na!" Umupo na si Clydeus sa lupa at nagpapadyak na parang batang inagawan ng candy. Napailing ako saka nagpatuloy sa pagtakbo.

"Get up or I'll add more on your lapses." Pananakot pa ni Seth sa kanya kaya naman tumayo siya at tumakbo nang muli.

Tiningnan ko naman ang mga kasamahan ko rito. Ivo is running na parang wala lang ito sa kanya at tumatawa pa showing his oh-so-white teeth.

Xavier is running gracefully next to Ivo. Kelan ba papangit ang isang ito? Pawisan na't lahat, gwapo pa rin. Minsan ay gusto ko nang ma-insecure dito. Napalingon naman ito sa akin at ngumiti na naman na tipong nag-go-glow ang paligid niya. Ugh. That charm.

Hinanap ng paningin ko si Calvin. I saw him under the shade of a tree, and he's sleeping. I couldn't help but to feel amazed. He risked his life for me. Well, I think everyone did. He's still recovering but I'm glad he's fine now. He woke up yesterday. His burnt skin was now restored. His destroyed muscles, vessels and veins was now restored too. Clydeus said that I should thank the healing spell I did. Hindi ko pa rin nga alam kung paano ko nagawa 'yon. Hindi ko pa rin sinasabi sa kanila ang kakayahan ko. I'm a freak. Lalayuan nila ako kapag nangyari 'yon. Isa pa, I've caused too much trouble. Tama na muna.

Nitong mga nakaraang araw, palagi akong nananaginip. Pero sigurado na akong hindi iyon panaginip kundi alaala ko noong bata ako. Iyon ang gusto ko ngayong malaman, bakit ko nga ba nakalimutan 'yon? O nakalimutan ko nga ba talaga? Kaya napagpasiyahan ko na pupunta ako ng aklatan para maghanap ng katibayan na pwedeng magbura ng alaala gamit ang isang spell o kahit ano. Baka mayroon ring paraan upang maibalik ko ang mga alaalang nawala sa akin. Wala akong matanungan ukol rito dahil kung meron man, alam ko na hindi nila sasabihin ito. Lahat sila... may tinatago. Maging ako ay meron rin. At gusto kong malaman 'yon. Sabihin na ninyong may tamang oras para roon but, I am Victoria and I do what I want.

"Victoria! Move! Kanina ka pa nakatunganga d'yan." Si Seth, nasa may harap ko na pala. Naka-crossed arms at nakataas pa ang kilay nito sa akin.

"O-opo! Tatakbo na." Nagsimula na ulit ako. Why is it unfair? Hindi nga siya tumatakbo.





"Ha. Ha. Ha. Aㅡyoko na. Ayoㅡko na!" Humihingal na saad ko habang nakatudod ang kamay ko sa may puno na kinaroroonan ni Calvin matapos ang mahabang takbuhin.

"Water?" At iniabot niya sa akin ang hawak niya.

"G-gising ka na pala. Nagising ba kita?" Kinuha ko naman ang binigay niya at ininom ito.

"Nope." Sagot niya at tinapik ang espasyo sa may tabi niya. Umupo ako rito. Pinagpag niya ang hawak niyang face towel. "Turn around." Utos niya na sinunod ko naman kahit 'di ko alam kung bakit. Naramdaman ko naman na itinaaas niya nang bahagya ang damit ko.

"Hey!" Suway ko rito.

"I'll just put some towel. Relax." Natatawang sambit pa nito. Tumalikod naman ako ulit. Isinapin naman niya sa likod ko ang towel. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya. It sent shiver to my spine. This literally cold guy.

Matapos niyang maiayos ang towel, he patted my back signalling me that it's done. Umayos naman ako ng upo sa tabi niya.

"A-aaaaww!" Daing ko dahil sa pagod. Napapikit ako. Ang sakit ng kalamnan ko. Pakiramdam ko nawawalan na ako ng hangin e.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now