"It has been two days, why aren't she waking up?"
"Do you think we failed?"
"Better not be, or else."
"No. We did all we could."
"Bunny bun bun~"
"Sssssh. She's resting."
"Hindi ba siya nagsasawa sa kama niya?"
"Who knows."
"Ivo, buhusan mo kaya siya ng tubig. Katulad noong nasa TV. Panigurado gigising siya."
"E kung ikaw ang buhusan ko?"
"Waaaaaaah. Bun bun~ inaaway ako ni Ivo!"
"Ang ingay mo. Sinabi ko na sa'yongㅡ" Hindi na naituloy ni Ivo ang sasabihin niya ng makita niya akong nakatingin sa kanya.
"Victoria!"
"Milady."
"Bunny bun buuuuuun! You're awake!"
Agad na nagsilapitan sa akin sina Seth, Ivo at Xavier. Samantalang si Clydeus ay nasa tabi ko na at tinutusok-tusok ang pisngi ko. Tinitingnan niya siguro kung mapapaso siya. Sinubukan kong umupo.
"Hindi ka na mainit." Wika ni Clydeus. He side-hugged me at pinagdikit na naman niya ang pisngi naming dalawa.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Does something hurts?"
"May kailangan ka ba?"
"Gusto mo ng cake?"
Agad akong napangiwi dahil sa tanong ni Clydeus na ayaw humiwalay sa akin. Napahawak naman ako sa lalamunan ko. Masyado itong nanunuyo, pati yata laway natuyo na. Gusto ko mang magsalita, wala namang lumalabas rito. I then mouthed them... "Water."
"What?"
"Milady?"
"Ang gwapo ko?"
"Cake?"
Agad kong tinapunan ng unan si Ivo na siya namang ikinatawa niya. Kinurot ko ang pisngi ni Clydeus at inalis siya sa katawan ko. Ako na ang humanap ng tubig. At nang makita ko ang pitsel na may lamang tubig ay kinuha ko ito at dito na uminom.
"Uhaw na uhaw?" Tanong ni Ivo. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang takaw sa tubig. Ayaw mo ng Cake?" Isa pa 'to. Tss. Maglalagay ng tubig rito pero wala namang baso.
Matapos kong maubos ang tubig ay hinarap ko silang lahat. Bakit parang may kulang?
"S-si Calvin? Si Priam?" Iyon ang una kong nasabi. Wala sila...
Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko, nanginig ang labi ko. Pabaling-baling sa loob ng silid ko ang aking paningin. Agad namang lumapit si Seth sa akin at iniharap ako sa kanya.
"Look at me." Nang hindi ko siya sinunod ay ikinulong niya sa kaniyang mga palad ang mukha ko at saka pilit na iniharap sa kanya. "Look at me. Hey."
Umiling ako. "N-nasaan sila?"
"They're fine, okay? Nagpapahinga lang sila." Wika ni Seth. Agad namang kumalma ako.
"S-sorry." Saad ko.
"Para saan, Victoria?" Tanong ni Ivo at naglakad papalapit sa akin. Hindi ko alam kung para saan. Bakit nga ba ako humihingi ng tawad? Bakit pakiramdam ko may mali? Ano bang nangyari? Ang huli kong naaalala ay yakap ko si Calvin. Pero parang marinig ko si Priam.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasíaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
