Thirty-nine - Keeping A Child In Mysteria

0 0 0
                                    


Nasa loob na ako ng Montgomery's Torment o mas kilala bilang Forbidden Forest. Napatingala ako, sa likod ng naglalakihang mga puno at at makikita ang langit na puno ng bituin. Naririnig pa rin rito ang paputok ngunit mahina na.

Noong mapadpad ako rito, hindi ko na-appreaciate ang lahat ng narito. Sa matatayog na puno, unti-unting nagsisilabasan ang mga alitaptap at tila sumasayaw sila. Isa isa nila akong pinalibutan ngunit nang nagtangka akong abutin sila'y lumayo ito mula sa akin. Doon ko muling narinig ang iyak na narinig ko kani-kanina lang.

Inilibot kong muli ang panignin ko. Sa hindi kalayuan ay nakita kong muli ang mga anino. Mabilis ang paggalaw ng mga ito. Nagtangka akong sumunod roon ngunit napatigil akong muli nang lumakas ang iyak na narinig ko. Hindi ko alam ang unahin ko. Ang mga anino ba o ang iyak na iyon.

Naglalad ako hanggang sa hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. "Argh. Dapat nakinig na lang ako kay Clydeus e. Tsk. Patay kami nito kay Seth." Reklamo ko habang naglalakad.

Unti unti namang lumilinaw sa akin ang naririnig kong iyak ng isang bata. Napalingon naman ako sa pinaggalingan ko. Madilim pa rin ngunit maaaninag mo ang daan gawa ng liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. Ipinagtataka ko ay kung paanong may bata dito't paano ito napunta rito. "Hindi kaya naligaw ito?"

Nakarinig ako ng kaluskos sa paligid. Agad akong naglakad muli para hanapin ang bata. Delikado ito lalo na't may ibang umaaligid rito sa paligid.

Isa na namang kaluskos ang narinig ko kasabay ng malakas na pag-iyak kaya napatakbo ako ngunit napaupo ako bigla ng may mabangga ako.

"Mamaaaaaaaa!" Iyak ng isang batang lalaki sa harap ko na sa tantya ko ay nasa apat o limang taong gulang. Tiningnan ko ito, dahil sa liwanag ng buwan ay unti-unti ko itong naaninag.

Nakasuot ng puti ngunit maruming t-shirt, jumper shorts at isang pares ng sapatos na marumi rin. Kulay Brown ang buhok niya at may mga dahon pa siya sa rito. Kinukusot niya ang mga mata gamit ang dalawang maliliit niyang kamay habang umiiyak ng malakas. "M-mama! Mamaaaaaaa!"

"Sssssshh." Pagpapatigil ko rito. Napalingon ako sa paligid, pakiramdam ko'y may nakatingin sa amin. "H-hey. Ssssshh." Tanong ko at nilapitan na ito, umiyak lamang ito ng malakas.

"S-stop. You need to stop. Nasaan ba magulang mo?" Tanong ko rito. I'm slightly in panic. I don't know how to handle a crying kid. "Clydeus! Where are you?"

Isang kaluskos mula sa likuran ko ang aking narinig kaya natigilan ako. Hindi ko siya naramdaman kanina dahil nasa bata ang atensyon ko. Tumigil bigla sa pag-iyak ang bata, tingnanggal niya ang mga kamay nito sa mukha niya.

His eyes... it's red and it's glowing. "Mamaaaaaaaaaaaa!" Sigaw niya sa takot na boses. "Mamaaaaaaaa!" Sumigaw ito ng sumigaw ngunit he'to ako, nakatingin lamang sa kaniya at hindi alam ang gagawin. His eyes were still glowing and he's looking all over around while crying. Then he stopped.

Isang nakakabinging katahimikan. Nawala ang naririnig kong kaluskos, ang putok na nanggagaling sa fireworks, at ang huni ng kung ano mang nasa paligid.

Hinarap kong muli ang bata. Napaupo ito. He's eyes were still glowing. I should be afraid now but I can't sense any danger at all. In fact, I was now calm.

"Hey kid." Pagtawag ko rito. Tumingin lang siya sa akin saglit and he yawned.

"Mama..." Mahina niyang sambit at inaabot ako.

"Hindi ako ang Mama mo, bata." Sagot ko, pero hindi niya ako pinakinggan. Gumapang siya palapit sa akin at niyakap ako. I stiffened.

"Sleepy." He murmured. Naramdaman ko bigla ang bigat niya. Mukhang nakatulog na ito. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinagmamasdan ko lang siya. Masyado nang tahimik na ang paligid.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now