Thirty-three - Her Blood On Snow

0 1 0
                                    


Napadpad kami ni Samara sa isang booth na punong puno ng aksesorya. Masaya siyang namimili sa mga nakalatag sa parang mesa sa harap niya. Kumikinang ang paligid na mukhang dahil iyon sa mga naritong aksesorya na maraming kristal.

"Victoria. Come here! Look at this." Tawag niya kaya lumapit ako at ipinagsawalang bahala ko na lang ang bumabagabag sa akin. "It's a friendship bracelet. Isn't it cute? Wow. And this too. Which one do you like?" Masayang saad pa niya.

"Kailangan ba 'yan? I meanㅡ" She then cut me off.

"Of course. You're my first ever friend kaya gusto kitang bigyan nito. At gusto kong magpasalamat sa'yo dahil sinamahan mo 'ko ngayon. Akala ko mag-isa na naman ako ngayon e. Why? You don't like it?" Biglang lumungkot ang itsura niya saka siya humawak muli sa braso ko. "Well, it's okay. Hehe. Sanay na ako. I meanㅡnevermind." Dagdag niya at medyo tumagilid sa gawi ko na wari'y tumitingin sa paligid at hindi pa rin niya ako binibitawan. Hindi naman masakit ang pagkakahawak niya pero parang may kakaiba.

"S-sige na. Bilihin na natin 'yan." May kung ano sa akin na nasasaktan kapag nakikita ko siyang malungkot.

Humarap siya sa akin bigla. Nangniningning ang mga mata. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang saglit na pangisi niya nang pumayag ako. "Talaga? Okay. Ako pipili ah? Great!" I wonder why I felt a little weird. Pero baka kasi namamalikmata lang ako.

I was staring at her habang namimili siya sa bracelet na nasa harapan niya. She's humming. Felt like she's really happy. She's even smiling at excited like a kid.

Napailing na lamang ako. She's just kind. Baka nga wala siyang kaibigan. Wala naman kasi akong nakikitang kasama niya kapag nakikita ko siya. More like an angel. Yes, she's beautiful like an angel. Pansin ko, siya iyong tipo na magugustuhan ng lahat, mapa-babae man o lalaki. That's why I wonder why doesn't she even have a friend or some company to be with?

"Ayaw mo nun? Okay. Iba na lang. Hmm." Saad nito na ako ata ang kausap. Lumibot siya sa katabi pang mga mesa para tumingin ng iba pa.

"Oh! It's pretty. But... oh, that one too! Ang hirap naman mamili. Ang daming magaganda." Samara's busy with what she's doing and I can't help but stare at her. The way she move her hand, the way her expression shifts, I felt it was genuine... pero bakit may kakaiba?

Ipinilig ko na lamang ang nasa isip ko at napailing. "Ayaw mo pa rin? Hmm~ okay! Pili na lang ako ulit. Come here, Victoria!" Saad niya habang pinapakita ang hawak niya. Hinila niya ako palapit sa kanya. "Ikaw naman ang pumili."

Sinunod ko na lamang siya at tumingin tingin sa mga narito. Kanina pa ako hindi mapakali, o paranoid lang ako? Itinuon ko sa mga aksesorya ang paningin ko. It was all pretty.

I was scanning the whole table when something caught my attention... an arrow with a crystal beading that has a chain-like bracelet, a silver one. It's pretty.

"Oh. You want that? It is pretty. I like your taste, Victoria. Let's buy this one." Saad niya at tinawag niya ang nagbabantay sa booth na ito. I was about to get my black card para magbayad pero pinigilan niya ako. "Don't. Ako naman ngayon.."

Nanahimik na lamang ako at sinundan siya ng tingin. Matapos niyang magbayad ay pumunta kami sa labas ng booth at naupo sa bench katabi nito.

"Here..." Saad niya at inilabas niya ang binili niya. "Tadaaaa! Halika. Isuot na natin."

"Sure." Sagot ko na lamang. At inililis ang suot kong jacket at umabot sa may siko ko, ganun rin siya. Una niyang isinuot ang bracelet sa aking kaliwang palapulsuhan.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now