Mula pa noong bata ako, maraming bagay ang itinuturo sa akin si Ama. At isa na roon ang igalang at irespeto ang kapwa kahit hindi namin ito kapantay ng estado sa buhay, mapa-bata man ito o matanda. Na hindi dapat ako mamili ng tutulungan lalo na kung kinakailangan Ang sabi pa niya ay ilan ito sa mga bagay na dapat dalahin ko pagtanda ko. Noon, natatawa pa ako sa mga sinasabi niya dahil akala ko, isa lang itong biro.
Sa nangyari kanina, wala akong maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagtrato nila sa matanda sa kanila. Alam kong may mataas silang posisyon ngunit tama ba 'yon? Ako pa ang mali dahil sa ginawa ko? Anong masama roon? Alin sa ginawa nito ang dapat parusahan? Wala talaga akong maintindihan.
At siguro nga ay hindi ko talaga sila kilala o sa mundong ginagalawan ko. Ano nga ba naman ako? Isang babaeng walang ginawa kundi ang magdala ng gulo sa kanila.
"Mom. Are you listening?" Tawag pansin sa akin ni Tyro. Ngumiti na lang ako sa kanya at marahang pinisil ang pisngi niya. "You're spacing out again." Dagdag niya na may himig na pagtatampo.
"Sorry, Ty. Marami lang akong iniisip." Paghingi ko sa kanya ng paumanhin. Tiningnan ko naman ang ginagawa niya. "Wow. Ang galing mo nang magsulat." Puri ko sa kanya matapos makita ang nasa papel niya na siya namang ikinakislap ng mga mata niya.
Narito kami ngayon sa terase malapit sa dining area ng dorm at maayos na ang panahon. Pinili ko rito na magpalipas ng oras kasama siya dahil ayokong mag-isip. Ngunit hindi ko pa rin pala mapigilan.
"Araw araw, mas gumagaling ka sa ginagawa mo, Ty. Ipagpatuloy mo lang ito ha." Wika ko habang tinitingnan pa ang ilang gawa niya. Hindi naman ako nakatanggap ng sagot sa kanya kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang pagtingin sa mga gawa niya.
Nakita ko muli ang puno na gawa niya, ang ilang scribbles ng letter at shapes pati na rin ang Hunter na iginuhit niya. Ngunit mayroong bago roon. Ito ay kanyang kwintas na may pendant na bilog at may labindalawang kulay pulang bato sa paligid nito. Agad ko naman siyang hinarap, kinuha ang bagay na nasa leeg niya at pinagkumpara ito. Ito nga 'yon. Ito 'yung palagi niyang suot mula nang matagpuan ko siya sa Eastwood ng gabi noong Winter Festival.
"Ty. Where did you get your necklace?" Marahang tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagsusulat at saka tumingin sa akin bago muling umiwas ng tingin.
"I can't remember... po. I have it eversince when I woke up." Aniya at tumingin sa malayo.
"I know we haven't talked about this but do you know whom your parents are? Alam mo ba kung saan ka nakatira noon?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Sandali siyang nanahimik at tumingin sa kwintas niyang suot.
"I'm sorry, Mom. But I can't remember anything." Diretsong sagot niya sa akin. Hindi ako nakaimik agad. Why do I felt like something is wrong?
"It's okay, Ty." Wika ko na lamang.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagtingin sa mga gawa ni Tyro. Nakita ko pang inabot niya ang baso ng juice niya ngunit nang iinumin niya na ito ay agad na nabitawan at saka ito nabasag.
"Ty!" Gulat na wika ko.
Ilang beses ko pa itong tinawag ngunit diretso lamang ang tingin nito sa harap. At maya-maya ay lumiwanag na naman ang mata nito at nagsalita muli ito sa kaiibang boses.
"What you see is not the whole truth... and not the whole truth is what you see." Wika ni Tyro sa kanyang normal na boses at isa pang kakaibang boses.
Agad akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Ganito rin ang nangyari noong kasama namin sina Klio. Nanginig ang kamay ko dahil sa takot at nanlamig ang buong sistema ko. Takot na muling maulit ang nangyari sa kanya nang gabing iyon. At wala na naman sila. Wala na namang ni isa sa kanila. Hindi ko maiwasang maiyak dahil dito dahil kapag may nangyari muli kay Tyro...
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
