Forty-seven - Elites and the Eastwood's Unwanted Attacks

5 0 0
                                        


Mabilis na tumakbo sina Ivo at Clydeus papunta sa Eastwood na siyang malapit sa kanilang dormitoryo. Ang lugar kung saan sa pusod nito matatagpuan ang Montgomery's Torment.

Nagkatinginan ang dalawa at nagsitanguan na para bang sinasabi't pinag-uusapan ang susunod na gagawin. Humiwalay ng daan si Ivo at tumalon paakyat sa puno, palipat-lipat siya sa itaas para na rin tingnan ang buong paligid. Maliwanag pa rin ngunit natatakpan ng malalagong dahon ng puno ang sikat ng araw. Malamig ang simoy ng hangin na talaga namang nakakapagkalma sa taong gusto maraming iniisip ngunit iba ang sitwasyon. Ang kalmadong gubat ay napasok ng mga hindi inaasahang panauhin. Kung paano ito nakapasok gayong mahigpit ang siguridad sa buong Academy ay isa pa ring palaisipan sa kanya.

Napatigil siya sa pagtalon sa mga sanga ng puno nang marinig niya ang pagkaluskos sa hindi kalayuan kaya agad niyang inilabas ang isang malaking espadang gawa sa tubig. Bagama't gawa sa tubig ay napakatalas nito na kayang hiwain at wasakin ang kahit anong bagay na matatamaan nito o kung anong gugustuhin niya.

Nang tumingin siya sa pinanggagalingan nito ay doon niya nakita ang ilang nilalang na may mahahaba't matutulis na kuko, matatalim na ngipin na may tumutulong kulay itim na likido, may pulang mata, mabalahibong binti at itim na balat na nababalot ng kung anong usok na kulay itim rin.

"Mali ata kayo nang napasok na lugar." Pagtawag pansin nito sa mga nasa ibaba saka ngumisi. "May gusto nga palang makipagkilala sa inyo." Aniya at ipinakita ang malaki niyang espada na gawa sa tubig.

Si Clydeus naman ay nagpatuloy lang sa pagkatakbo habang pinakikiramdam ang paligid. Seryoso lang ang ekspresyon na hindi kadalasang nakikita rito. Pero dahil sa gutom siya at hindi rin maganda ang gising o wala siya ngayon sa hulog, asahan na ng mga makakaharap niya sila ang mapagbubuntunan niya.

At kung sinuswerte nga naman siya, hindi na siya mahihirapan pa sa paghahanap ng makakalaro. Agad na naging kulay dilaw ang mga mata niya at nagsiliparan ang mga tuyong dahon sa paligid niya. Mababakas mo rito ang pagkaaliw dahil ang mga hinahanap niya ay siya na mismong lumalapit.

"Hey, ugly. Wanna play?" Tanong niya habang kumikinang ang dilaw na mata na parang bang naliligayahan sa kaharap.

Nakasalubong naman ni Seth sina Tracey, Klio, Hanz, dalawa pang kasamahan nito. Agad na na nagbigay galang ang lima kay Seth. Iniluhod nila ang isang tuhod, inilagay ang kanang palad sa kaliwang dibdib.

"Your order, Lord Lincolnshire." Wika ni Tracey na seryoso lang ang ekspresyon at naghihintay ng utos.

"Secure the perimeter. Don't let any unwanted visitors pass, no one of them shall reach the main premises. I want all of them gone. Elites are on the line, aid if you must but don't forget your tasks." Maotoridad na utos ni Seth sa kanila.

"Affirmative, Milord." Sabay-sabay na sagot ng lima na may bahid ng kaseryosohan. Hindi biro ang kalalagyan nila kung may makalampas na isa man sa mga panauhing hindi kanais-nais. Ang siguridad ng buong akademya ang nakasalalay.

Agad na nagsi-alisan ang lima at nagtungo sa kani-kanilang pwesto. Agad namang pumunta si Seth sa kinaroroonan ni Priam ngunit isang hindi inaasahang eksena ang nakita niya.

Nababalot ng dugo ang buong kamay ni Priam. Wala nang buhay ang mga nagkalat na Hunters sa paligid niya. Sumasama sa hangin ang nangangalingasaw at malansang amoy ng dugo ng mga ito. Patuloy ring tumataas ang temperatura sa paligid na kung isa siyang mahinang nilalang ay kakapusin na siya ng hininga. May ilan pang naabo sa mga Hunters at ilang puno ngunit hindi iyon ang umagaw sa pansin niya.

Ito ay ang isang bata na may itim na mga labi, patulis na tainga, may masamang tingin mula nagdurugong kaliwang mata at ang kanan naman nito ay may takip na gasa. Nakasuot ito ng isang puting damit na may mahabang manggas, may bow tie at may supender na nakakabit sa itim na short nito. Itim na sapatos at puting medyas ngunit mas agaw pansin rito ang aninong nasa likod nito na may sariling katawa. Isang matangkad na nilalang na may maskarang payaso na tumatakip sa kalahati ng mukha, kulay itim ang suot, pulang mga labi, may itim na sumbrerong pang-mahikero, mahaba ang buhok, nakabaluktot na likod, kanang kamay na may matutulis at kulay itim na kuko. Ang kaliwang kamay nito ay may kulay puting guwantes at nakahawak sa balikat ng bata.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now