Hindi ito ang unang beses na nakasama ko sila sa pagharap sa mga hunters pero ito ang unang beses na kasama ko sila bilang parte ng Elites; ang unang beses na sumama ako sa kanila sa actual field at mula pa ang order sa High Council.
I have seen how creepy and intimidating it is to stand beside one member of the High Council. What more from a dozen of it? They were the respected families from here and from Aurswalt. That high and mighty in this realm followed by the Ministry Head, Guardians.
And in case of the Elites, they say that their full force can be equipped to compete with the High Council. And Priam on the other hand is greater, they said. But he doesn't use it, he's restraining himself for a reason. Tho we can't deny the fact that even if he don't do anything, he still have the upper hand. And I don't know if I should be scared of it or what.
Kaya nga kapag iniisip ko kung ano ang estado nila, talagang sinasaling ito ng pagkakilala ko sa kanila. Lalo na itong kasama ko ngayon.
"Aaaaah! Ang cute nun, Bunny! E'to rin, saka ito. 'Yun rin. Pwede kaya nating iuwi ito?" tanong niya matapos magturo ng kung ano-anong makita niya sa loob nitong tindahan na pinuntahan namin.
Naghahanap kami ng mga naiwan rito kung meron man. At sa bawat tindahan na pasukan namin, napakaingay niya. Turo siya nang turo ng kung anong magustuhan niya at sasabihin sa akin na iuwi namin o kaya ay bilihin ang mga ito na akala mo ay ako ang ina niya at siya yung anak ko na dapat kong pagbigyan.
"Napakaingay mo. Kapag may lumabas na Hunter dito, ipalalapa kita!" banta ko.
Naglakad ako palabas dahil wala namang naroon. Sumunod naman siya sa akin habang nakanguso. Hinayaan ko na lamang siya at muling pinatalas ang lahat ng senses ko. Mabuti nang handa.
Kanina ko pa rin iniisip na baka naisahan na naman ako ng mga kasama ko dahil baka wala nang narito. Pero kailangan ko pa rin namang makasiguro. Mahalaga ang mamamayan ng Muero dahil parte sila ng Lemuria.
"Ano kayang ginagawa nila? Gusto ko sumali sa kanila," pagkausap niya sa sarili.
Patuloy kami sa paglalakad at muling pumasok sa isang tindahan ng mga kasuotan. Tinungo ko aagad ang counter at ang katabi nitong pinto.
"E di sana marami na akong nakolekta ngayon. Talo tuloy ako ni Ivo, sigurado akong tatawanan niya ako pag-uwi," dagdag pa niya ngunit hindi ko pa rin siya pinansin.
Nakasara ang pinto at hindi ko mabuksan. Agad akong kumuha ng pin mula sa mga nasa counter at kinalikot ang knob. Agad rin naman itong bumukas kaya pumasok na ako. Sumunod lang sa akin si Clyde na kanina pa salita nang salita.
Nang wala akong makitang kakaiba o kahit nilalang man lang ay agad kaming umalis sa silid dahil puno lamang ito ng mga kahon ng damit.
Papalabas na kami ng makarinig ako ng yabag ng mga paa kaya pinahinto ko si Clydeus at sinenyasan na huwag gumawa ng kahit anong ingay. Para naman siyang bata na agad nagtakip ng bibig niya.
Agad kong pinatay ang lahat ng ilaw sa paligid gamit ang kakayahan ko saka hinila si Clydeus sa isang gilid. My vision is bloody because of focusing my mana on my eyes, enough for me to see my surroundings for a bitㅡtho hindi ko pa rin maaninag lahat ng maayos. I should take another session with that lady how to use what she gave me, our bargain.
"Stays here and don't make any noise or else," saad ko. Tumango lang siya saka maayos na naupo.
Dahan-dahan akong pumunta gilid ng pinto na nakabukas upang abangan kung mayroon mang papasok. Yumuko ako at kinuha ang dagger sa boots ko. Mahigpit ko itong hinawakan. I can't risk our safety here.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasiaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...