Fifty-three - Sudden Attacks at Schumacher's Territory

3 0 0
                                        


*Two and a half months later.

"What the hell, Bitch? Sinong may sabing gawin n'yong playground ang sala ko?!" Gulat na wika ni Tracey na may poise kung bumaba mula sa hagdan. Gising na pala ito at nakapag-ayos na rin. Sabagay, papasok pa siya sa Academy.

Ganito siya palagi. For the past months, I can tell that she's a woman living with finesse and poise in her body. She even embodied the whole etiquette. And she's a woman with rules and principles. Kabaliktaran noong una ko siyang makilala. Mabuti na lang talaga at may oras na hindi ito ganoon ka finesse at ka-poise dahil kung wala, baka kalbuhin ko ang nakakairitang kulay lilang buhok niya.

"Oh my goodness! My vases, my lampshades... my decorations! That costs tons of my golds!" Maarteng wika niya nang makita na nakatali ang isang malaking blanket sa dulo ng mga dekorasyon niya sa bahay. Wala siyang tent dito. Kaya gumawa kami ni Tyro ng improvised tent. Nakakalat rin ang iba't ibang laruan na bigay niya at ng mga tagapagsilbi niya kay Ty. Iba talaga ang charm ng batang ito. Lahat nabibihag!

"Mayaman ka naman 'di ba? Kaya mo 'yang palitan kahit wala kang ambag sa kayamanan mo." Sarkastiko kong wika upang inisin ko siya at saka ngumisi ngunit inirapan lang niya ako.

Nakirinig ko namang humagikhik si Tyro kaya hinanap ko siya at nakita ko siya sa ilalim ng isa pang kumot at gumagapang papunta kay Tracey. Gulat naman itong napaatras nang maramdaman niya ang kamay ni Tyro sa paa niya.

"Got 'ya, Gorgeous! Ahihihihi." Ani ni Tyro. Lumapit naman sa kanya si Tracey na may inis na ekspresyon pero gusto nang ngumiti.

Napahalakhak ako sa itsura niya. Ayaw na ayaw niya talaga na may nakakakitang nakangiti siya. Bukod sa figure niya ay mine-maintain rin daw ang image niya. Ewan ko sa kanya, baka 'yung hinaharap niya lang na nasobrahan sa laki ang mine-maintain niya.

"Nakakainis! Bakit kasi ang cute mo, bata? Halika dito, pakurot nga!" Wika ni Tracey na kukurutin na sana si Tyro sa pisngi pero tumakbo ito papalayo sa kanya kaya hinabol niya ito saka sila nagpaikot-ikot sa buong sala.

Tumawa lang ako ng tumawa dahil nakakatawa ang mukha ni Witch. Naiinis na nagpipigil ng tawa. Hindi ko akalain na may ganitong side ang Witch na ito. Akala ko puro pagyayabang ng yaman at pagtataray lang ang alam niya.

"Huwag ka ngang tumakbo, bata! Kapag nagasgas ang mamahalin kong sahig, palalayasin ko kayo ng loser mong Mommy!" Banta ni Tracey na patuloy pa rin sa paghabol pero tinawanan lang siya ni Tyro.

"No way, Gorgeous!" Pang-aasar na wika ni Tyro at sumuot sa maliit na mesa dito sala. Yumuko naman si Tracey upang abutin ito ngunit lumusot lang ito sa kabila.

"Stop running!" Naiinis na utos ni Tracey. Ito ang ilang beses na gustong gusto kong makita kapag umaga. Ang pagurin si Tracey bago pa man lang siya pumasok sa Academy. Nakakatawa kasi talaga ang itsura niya. Nawawalan siya ng finesse at poise sa katawan na gusto ko rin dahil parang ang boring talaga ng buhay nitong isang ito. Gusto ko namang mag-enjoy siya.

Sa tinagal-tagal namin dito. Nakita ko kung gaano ang kaibahan ni Tracey kapag narito sa bahay at nasa Academy. Parati rin siyang umuuwi ng pagod. Minsan uuwi siya ng sobrang gabi na at sugatan pa siya pero ayaw niyang sabihin kung bakit at susungitan lang ako saka itataboy paalis. Minsan rin, sinasabi ay training lang daw o kaya ay dahil lang sa trabaho ito. Nalaman ko rin na bukod sa pagiging kandidato upang kunin ng Ministry at High Council ay may iba pa siyang gusto. Iniisip ko nga kung bakit ganoon na lamang kahalaga sa kanya ang mapasama o maging isa sa Elites.

"I'll stop running if you stop chasing me, Gorgeous!" Wika ni Tyro. Magkaharap na sila ngayon at isang malaking mesa sa may mga mamahaling dekorasyon na lang ang pagitan. Tumalon si Tracey papunta tabi ni Tyro pero gumulong ito sa ilalim ng mesa upang makaiwas. Napapalakpak ako.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now