Twenty-two - Unwell Priam and Appeasement with the Elites

11 0 0
                                        


May mga araw na gusto kong sisihin ang sarili ko. Nakakalimutan ko ang mga bagay-bagay. Hindi nga lang pala sa akin umiikot ang mundo. Na ang selfish ko sa mga pinagsasasabi ko sa kanila, not knowing na may kanya-kanya rin pala kaming problema. I may see them tough but they still have feelings. How can I forget these things?

"Ayos lang po ba siya, Lolo?" Tanong ko kay Lolo Juls. Siya kasi ang tumulong sa akin sa pagdala kay Priam dito sa silid niya kahapon nang matumba siya.

"Magiging maayos rin siya." Sagot niya sa sa tanong ko. "Masyado niyang pinapagod ang sarili niya. Nitong nakaraang linggo, lumitaw siya bigla sa sala nang walang malay. Hindi ko alam ang nangyari pero sigurado akong may ginawa siyang hindi dapat." Dagdag niya. Napaisip ako. Noong nakaraang linggo iyon matapos akong magising at makita ko ang tattoo rito. Noong araw ring 'yon ay hindi ko na siya nakita pa. Sinabi na lamang nila sa akin na narito siya sa mansyon. Kung bakit, hindi nila gaanong pinaliwanag.

"Dito ka muna't bantayan mo siyang muli. May gagawin lamang kami ng Lola mo at ni Julian sa ibaba." At tinapik niya ako sa balikat saka lumabas.

Tiningnan ko naman si Priam. Medyo namumutla ito, mabagal ang paghinga, pinagpapawisan at mainit siya. Kahapon pa siya ganito paglabas namin ng silid na iyon. Anong nangyayari? Anong ginawa niya?

"Hermoine..." Lumapit naman ako sa kanya nang marinig ko siyang tinatawag ako.

"Priam... are you okay?" Tanong ko rito pero hindi ito sumagot. Nakikita kong mas lalo siyang pinagpapawisan kaya kinuha ko ang bimpo na nasa palangganang may maligamgam na tubig, piniga ko ito't ipinatong sa noo niya. Napakainit pa rin niya. IIt worked on Calvin. Maybe it will worked with Priam too.

Umayos ako ng upo at hinawakan ang kamay niya gamit ang dalawang kamay ko. Huminga ako ng malalim, pumikit at nag-concentrate.

"Heed my plea, heal thy be." Naramdaman kong umiinit ang kamay ko kaya iminulat ko ang mga mata ko. Nagliliwanag ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Priam at dumadaloy ito sa kanyang katawan.

Tiningnan ko muli siya, unti-unting bumabalik na sa dati ang paghinga niya. Lumamlam ang ilaw ng kamay ko, bumibigat ang katawan ko at nahihilo ako kaya itinigil ko na ang ginagawa ko.

Ilang saglit pa ay tumayo na ako. Parang may sariling isip ang kamay ko nang haplusin nito ang pisngi niya saka inayos ko rin ang kumot niya. I wonder why it pains me to see him like this.

"I'll be back." Buong ko. Huminga muli ako ng malalim bago ako naglakad palabas ng silid niya.





Naglalakad ako sa koridor pababa para kumuha ng tubig dahil pakiramdam ko, natutuyuan na ako. Nakaramdam ako ng panghihina at hilo kaya humawak na lamang ako sa pader para umalalay. Malapit na ako sa ibaba nang makarinig ng mga boses.

"Kakausapin ko nga kasi siya. Makikinig siya sa'kin! 'Di ba, Xavy?"

"We can't tell, Clydeus."

Nakarinig rin ako ng yabag papalapit. Napapikit na lamang ako at sinapo ang ulo ko, pakiramdam ko'y ang gaan gaan na nito.

"Get down, Clydeus."

"No!"

"Clyde. You might wake Priam. Ang ingay mo."

"I don't care. Pupuntahan ko si Ate Tori! Tinatago s'ya ni Priam."

I smirked. Can't they be considerate? They know what's happening to Priam too, but I don't. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang kailangan ko na talagang harapin ang batang 'to at ang iba pa. Napalingon ako sa dinaanan ko. Hindi pwedeng magising si Priam, he needs to rest. May hinala na ako na may kinalaman siya sa tattoo ko pero ang pinagtataka ko'y paano at bakit?

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now